"Naalala mo na naman siya noh?" Napatawa nalang ako ng mapagtantong nahanap ako ng mokong na'to.
"Pano moko nahanap?" Tinignan ko siya subalit binalik ko uli ang paningin ko sa mga nagdadaanang mga sasakyan sa ibaba.
"Sekretong malupit" pilyong sagot nito. Nasa isang burol kami ngayon. Nasa lugar na kung saan, masasabi mong magpapagaan sa kalooban mo.
"Di mo parin nasasagot ang mga tanong ko Deanna" sinulyapan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa mga nagiilawang mga bahay sa ibaba nitong burol.
"Kahit kailan naman ata, hindi siya nawala sa isipan ko." Napansin kong nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sakanya. Kahit na sampung taon na ang lumipas, parang kahapon lang. Ang hirap kalimutan. "Di pa siguro to oras para makalimutan ko siya Cci."
Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. "Sa tamang panahon"
--------
"Salamat Cci. Ingat ka. Baka hinahanap kana nun. Good night" tumango naman siya at pinaandar ang kotse nito. Tinitignan ko lang ang kotse nito palayo sa akin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang gate ng bahay. Sa loob ng sampung taon. Napundar ko din ang bahay na to mag-isa. Isa ito sa pangarap namin. Noon. Pangarap namin noon.
Pagkapasok ko ng bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Tinungo ko ang banyo at naligo. Nakita ko ang repleksyon ng katawan ko sa malaking salamin sa banyo, hinawakan ko ang mukha ko paakyat sa mga mata ko. Napakawalang buhay. Walang sigla.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at nagbihis. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot na kama at kinuha ang isang larawan na nasa study table na katabi ng kama.
Tinitigan ko ang mga mata nito. Mga matang nagkikislapan. Napailing nalang ako at tinapat ang larawan sa may puso ko. Pinikit ko ang aking mga mata at tila naririnig ang malalakas na tambol ng puso ko. Kahit na sa larawan, ganto parin ang epekto niya sa akin. Nakaka torete.
Bumalik ang mga alaala na ninanais kong iwaksi upang makalimutan lahat ng sakit at paghihinayang noon.
- - - - -
10 years ago, September 2017
*kring*kring*kring
"Hoy babae, cellphone mo ring ng ring" rinig kong sabi ni ate Maddie sa akin. Kinuha ko ang phone at aakmang lumabas ng nagsalita uli si ate Maddie.
"At san ka naman pupunta?" Nakataas kilay nitong tanong ng tignan ko ito. "Itatapon tong cellphone"
Tumayo naman siya at lumapit sa akin. "Aray naman. Sakit nun ah" daing ko habang hinihimas ang batok ko dahil sa pagbatok nito sa akin.
"Wag kasing pilosopa Deans." asar naman ni Ponggay sa akin. "Eh syempre, ano ba gagawin ko sa labas? Edi sasagutin ko tong tawag. Tsk tsk tsk"
"Heh! Alis na. Kanina pa yan" napahagikgik nalang ako at lumabas na ng dorm namin.
"Hello?....Bat napatawag ka?....Sorry may ginagawa pa kasi ako....later?...di ko alam eh tsaka may training kami...sige....ingat..yeah see you Luigi"
Yung tumawag? Si Luigi..bestfriend ko since hmm matagal na din. Nag aya siyamg lumabas para mamasyal daw pero may training kami kaya tinanggihan ko nalang.
---
"Okay. Play play. Happy happy! Heart strong" halos di ko na marinig ang mga sinasabi ni Coach sa amin.
Laro namin ngayon kontra Adamson. Natalo na namin sila nung 1st elimination pero di kami makapante lalo na't isa sila sa mga malalakas na team ngayong season.
"Uy. Tinatawag ka ni Coach" rinig kong sambit ni Dani habang kinakalabit ako. Automatic na napalingon ako kay coach. "Coach?"
"You! Focus. Focus. Set the ball high..okay? Ball high, ball high" napangiti naman ako habang sinasabi yun ni coach lalo na't may may hand gestures eto.
"Yes coach" kangiti kong sagot. "Hey girls. We need to win this match. Kailngan natin masecure ang final four spot. Heart strong lang. Tiwala. Okay? Ateneooo!"
"One Big Fight!" Sagot namin kay ate Maddie, ang captain. Napakaingay ng buong arena. Sigaw doon, sigaw dito. Nakakaloka, lalo akong kinakabahan.
Natigil ako sa pag iisip ng may bolang tumama sa mga binti ko. Agad ko naman itong pinulot. "Uhm. Sorry" Napatingin naman ako sa harapan ko. Oww. Ang ganda niya.
"Jersey #8, Adamson." Mahinang bulong ko. Napatawa naman siya. Hala, ang ganda niya. Napatitig naman ako sa mga mata niya. Parang malulunod ako sa mga titig niya. Geez.
"Uhm. Kunin ko na yung bola ha. Alam mo na. Practice, practice." Kangiting sabi nito. Hindi ko namalayang kinuha na niya pala yung bola sa kamay ko. "Tsaka, good luck. Ang galing mo din...Jersey #3, Ateneo"
"Huy! Deans. Okay ka lang?" Napabalik naman ako sa realidad ng hindi na yung si Jersey #8 ang nasa harap ko. Napalingon lingon naman ako hanggang sa mahagip ko siya. Nagrerecieve siya ng bola, pero kahit na nagrereceive, ang ganda niya parin.
"Huy. Okay ka lang? Sino hinahanap mo? Punta na daw tayo kina coach, in any minute magsisimula na ang game."sabi ni ate Bei sa akin. Tumango nalang ako sa sa muli, tinignan ko siya. Nakatingin din pala siya sa akin.
------
Set 4 na. Sobrang dikit ng laban. Di sila nagpapatalo, syempre kami din. Set doon set dito. Nakakapagod pero kakayanin. Habang nasa service line si Ate Kat, nahagip ng mga mata ko si Jersey #8. Seryoso itong nakatingin ng deretso sa bola. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng napatitig din siya sa akin.
*prrrt*
Napaiwas siya ng tingin nung mareceive ng libero nila ang serve ni ate Kat. Over receive kaya balik sa amin ang bola. Receive ni Ponggay at pasa sa akin, sinet ko ang bola kay ate Jho. Palo nito pero nareceive nung Jersey # 8 set nung Emnas, nabasa ko kung saan ito papunta.
Tumalon si Jersey #8 kaya nag ready ako para sa block, di ako nagkamali dahil sakanya nga sinet yun.
Naramdaman ko ang bola sa kamay ko at bumagsak ito sa parte nila. Walang nakareceive kaya block yun.
Isa, dalawa, tatlo, apat. Di ko alam kung gaano ako katagal sa pag tingin dun sa naka Jersey #8.
Napatawa naman ako. At lumapit sa teammates ko para magcelebrate.
Serve uli ni ate Kat. Receive nang libero, set nung setter nila, nabasa kong muli ang pasa nito kaya tumalon ako, kay Jersey #8 nga ito pinasa.
Nahawakan ko ang bola ngunit naglihis ito pa outside. Nagstaredown siya sa akin. Eto na naman, ang bilis na naman ng tibok nitong puso ko.
-----
Nasa bus na kami ngayon. Lahat kami sobrang pagod. Pero di parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nanalo kami, 5 sets.
Napailing nalang ako. Shit. Nastaredown ko siya. Baka isipin niyang hambog ako. Anong gagawin ko? Ughh nakakaloka.
"Ang galing natin kanina Ms. Player of the Game ah"napalingon ako sa katabi ko. Si ate Bea pala. Ngumiti naman ako dito.
"Chamba lang." Napatawa naman siya. "Ano yung sa inyo ni Jema?" Biglang tanong nito. Nagtatakang napatingin ako dito.
"Sa amin?" Tumango naman siya. "Oo..yung stare down niyo. Palitan yun ah" sabi nito. Napabuntong hininga naman ako.
"Di ko po sinadya ate. Nadala sa game" sabi ko dito. "Ganyan talaga. Lalo na't dikit ang laro natin kanina."
Hay. Pano to? Di kaya siya galit? Naiinis kaya siya sakin? Wag naman sana. Anong gagawin ko, Jersey #8?
-------------