033

150 3 0
                                    

park jihoon's

Chinat ko si Reea pagkagising ko kanina kasi baka makalimutan niya yung pinag-usapan namin na lalabas kami ngayon.

Nag-ayos na ako ng sarili ko hapon na eh at para magawa ko na yung surprise ko sakanya, umabsent pa talaga ako kasi importante ang araw na 'to maliban sa birthday ko aamin na rin ako sakanya ng nararamdaman ko.

Nakalimutan niya siguro na nagkita na kami 10 years ago kasi mukhang di niya nga ako namumukhaan syempre yagit pa kami nung mga araw na yun eh tas eto mas gwapo na kaya siguro di niya ako maalala pero ako naalala ko parin siya, mag-kapitbahay kami dati at lagi akong tambay sa bahay nila kaya kami yung magkalaro at alam kong marunong siyang mag-gitara since tatay niya nasa banda kaya tinuruan siya noon pa lng

"rei noona"

"ano?"

"liligawan kita pag malaki na tayo ah?"

"baliw susumbong kita kay papa sige ka"

"alam na ng papa mo kaya nga sabi niya kapag malaki na daw tayo eh"

"balakajan"

"turuan mo akong mag-gitara ah"

"sige ba"

Kaso lumipat sila ng bahay agad pagkatapos mamatay nung papa niya dahil sa sakit sa puso kaya di na niya ako magawang sabihan kung saan sila lilipat at magpaalam at kahit turuan akong mag-gitara dahil bigla na lng siya nawala na parang bula.

Lumabas na ako ng bahay para bilhin yung mga kakailanganin ko mamaya plano ko kasing dalhin siya sa isang garden tapos magdadate kaming dalawa tas don aamin na ako. Pumunta ako sa jewelry section ng mall para bumili ng necklace para sakanya nahanap ko kaagad yung babagay sakanya lahat naman bagay sakanya kahit ako bagay sakanya hehehe at binayaran ko na yung napili 'kong necklace para sakanya.

Pumunta na ako sa garden para ayusin na ang surprise ko sakanya gusto ko perfect lahat ng mangyayari mamaya.

Sana lng magustuhan mo, Reea.

turn on » p.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon