046

141 3 1
                                    

reea kim's

Uwian na namin at hanggang ngayon di parin pumapasok si jihoon, kasalanan 'ko talaga 'to

Ang gaga mo talaga reea, hays.

Susunduin ako ngayon ni Ethan since lalabas daw kami para kumain sa labas saktong paglabas ko ng campus nakita ko na si Ethan sa may parking lot tatawagin ko na sana siya pero biglang may tumawag sa pangalan 'ko

"Reea!" napalingon naman ako yung mga kaibigan ni jihoon kumakaway saakin, mangangamusta uli siguro kung pumasok ba si jihoon since di daw nagchachat sa group chat nila

"uy! andito uli kayo" sabi ko sakanila

"oo, pumasok na ba si jihoon?" tanong ni Seongwoo

"hindi parin eh, sorry ah kasalanan 'ko kung bakit di na pumapasok yung kaibigan niyo"

"wag mo ng isipin yun reea, wala ka naman kasalanan eh" sabi ni Jonghyun

"pauwi ka na ba?" tanong ni Daniel

"ah, hindi pa eh may pupuntahan pa kami ng boyfriend ko"sagot ko naman

"oh asan boyfriend mo?" tanong naman ni Sungwoon

"ayun oh yung nakatayo sa may pulang kotse" turo ko naman kay Ethan, saktong lumingon si ethan sa kung saan kami nginitian 'ko siya at nag-wave naman siya pabalik saamin

"boyfriend mo yun?" tanong naman ni Hyeongseob 

"oo si Ethan kakauwi lng galing LA, bakit?" sabi ko sakanya

"mukhang pamilyar siya eh" sagot niya naman

"ha? pano naman?" nagtataka 'kong tanong

"saglit saan ko nga ba siya nakita"

"Ahhh! oo nga, naalala ko na. Siya yung nakita 'ko sa mall nung nakaraang araw siya yung nakabasag sa mga pinamili 'kong itlog para sa dorm namin may kasama pa nga siyang babae na nakadikit sakanya eh" sunod sunod na sabi ni Hyeongseob

"sigurado ka ba dyan hyeongseob?" paninigurado ni Euiwoong sa sinabi niya

"oo nga, siguradong sigurado ako naalala niyo ba yung sinabi 'ko sa groupchat natin? diba nabasag niya yung mga itlog na pinapabili ni leader tapos binayaran niya naman" sagot naman ni Hyeongseob sakanila

Naguguluhan ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman 'ko sa mga narinig 'ko ngayon, sobra akong naguguluhan pero ang alam 'ko ay nagsinungaling saakin si Ethan ang sabi niya nasa LA siya eh paanong nakita siya ng kasama ni jihoon sa mall? ang malala pa may kasama pang babae, tangina mo talaga Ethan manloloko. Bakit 'ko nga ba pinatulan 'to eh alam 'ko naman na playboy 'to dati pa lng pero di ko pinansin kasi sabi niya di naman totoo yun naniwala naman ako sakanya. Ang tanga mo talaga Reea, grabe.

Dali dali akong naglakad at lumapit kay Ethan sabay sampal sakanya

"Sinungaling ka talaga akala ko ba nasa LA ka? eh bakit may nakakita sayo sa mall nung nakaraang araw ha? tapos may kasama ka pang babae wow ha, ano masaya ka ba na may niloko ka na naman? Wag na wag mo akong lalapitan at tandaan mo wag na wag ka ng magpapakita saakin" gigil 'kong sabi sakanya habang siya hawak parin yung mukha niya na nasampal 'ko di siguro makapaniwala na nagawa 'ko sakanya yun

"Reea wait, I can explain" sabi niya habang hawak yung kamay ko

"anong explain? Wag ka ng mag explain sa'kin tapos na tayo Ethan bwiset" dali dali akong naglakad palayo sakanya habang naririnig 'ko siya na tinatawag ako bahala ka dyan

 Yung mga kasama din ni Jihoon na ganon rin ang ginawa tinatawag nila ako pero ayaw 'kong lumingon 

Ang dami 'kong iniisip habang naglalakad ako palayo sakanila

bakit nagawa ni Ethan yun?

tanga 'ko talaga, nagpaloko din ako

pero bakit ganito?

bakit ganito ang nararamdaman 'ko?

abnormal na siguro ako

bakit di ako umiyak kanina?

at bakit di ako nasaktan na niloko ako ng ex-boyfriend 'ko?

turn on » p.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon