PROLOGUE

14 1 0
                                    

Everiel Assastine
*****

Ilang araw ko ng nararamdaman na parang may naka-sunod sa'kin. Sa tuwing lalabas ako at kasama mga barkada ko. Sa tuwing pauwi sa bahay. Tuwing lalabas ako para bumili. Naka sunod siya sa'kin kahit saan ako magpunta.

'Nung una hindi ko siya pinansin dahil alam kong aalis o 'di kaya may nangtitrip lang sa'kin. Pero nagsimula ang takot ko ng magparamdam siya sa'kin.

Sa tuwing gabi, hindi ako makatulog at mapakali dahil nakatigtig ito sa'kin. Minsan naisip ko kung may ginagawa itong masamang bagay sa katawan ko sa tuwing tulog ako, dahil wala akong alam.

Hindi ko alam kung anong pakay nito sa'kin. Kung anong kailangan niya. Natatakot ako, hindi dahil baka magpakita siya kung 'di baka saktan niya ako o di kaya'y kunin ako at ialay.

Hindi ko nakikita ang kanyang mukha, isang hoodie na ternong pants na lumulutang ang nakikita ko.

Gusto kong pumunta sa albularyo but I'm scared.

Nandito ako sa dorm ko, sa kwarto to be exact. Nakaupo ako sa may study table, nasa harap ko ang laptop, nagtatype about our thesis. Malapit na kasi ang defense namin at kailangan ng maipasa ang final manuscript.

while doing that, I feel the nervousness inside me. Lumalakas ang tibok ng puso ko, parang kaunti nalang lalabas na ito sa katawan ko.

I looked him in my vision and yeah he's looking toward me. Goosebumps on my arms started to stand. Alam ko kung saan siya nakapwesto, sa may kabinet na tabi ng kama ko.

I closed my eyes to calm myself. I need to finish this. So, please eve relax, act as if walang nakatingin sa'yo.

I tried to calm myself but unti unting sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko mapakalma ang sarili ko!

I opened the drawer in my study table para kuhanin ang inhaler ko. I started to panic ng wala ang hinahanap ko. Kinalkal ko lahat ng drawer at inalis lahat ng gamit ko d'on but damn it's not here.

Hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko kaya unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.

Pinagsusuntok ko ang kaliwang dibdib ko, where my heart is. Hindi ako makahinga.

My eyes widened when someone calling me outside.

"Eve" She knocked the door.

"H-h-help" Alam kong hindi niya iyun narinig.

"Eve, Nandyan ka ba?" again, she knocked the door.

biglang nanlalabo ang paningin ko. No, please. I've a lot things to do. Not this time.

I can't help myself but to feel helpless. Bumagsak ang luha ko galing sa aking mga mata.

I can't help it.

and my vision turned into black.

--------
Hi guys it's me again. Medyo may pagka horror ang peg. So, bare with me. Stay tune and find out what eve's going to do. 안녕!

CHASEWhere stories live. Discover now