My First Cry

4 0 0
                                    

November 16, 2013 11:20pm

Eto yung araw na unang text ko sa kanya na sobrang haba. Puro drama about giving up. Umiiyak ako habang nagtatype. Kaya pagkaSend ko nakatulog agad ako. November 17, 2013 nagising ako ng 5:10am. Text niya 'sorry ah? Siguro di talaga tayo para sa isa't isa. Basta sorry talaga :(' nung nabasa ko yun. Nakangiti ako. Pero tumutulo yung luha ko. Ang bilis ng tulo. Tapos nag breakdown na ko. Nawala na ngiti ko. Parang nanghihina ako. Di ko na alala yung nireply ko sa kanya non. Hindi natuloy yung pag give up ko sa kanya. Humarap ako non sa salamin. Sabi ko 'Ikaw! Wag ka ngang umiyak! Kahit ganyan si Jaycee alam mo na ayaw niyang umiiyak ka kaya niya sinabi yon. Ayaw niyang nahihirapan ka! Ayaw niyang nalulungkot ka. Wag ka aayaw. Kaya mo yan. Sinimulan mo yan tapusin mo ng ayos.' Yun. No choice. Yan lagi sinasabi ko sa sarili ko kapag napapagod na ko. Lumalakas loob ko kay Jaycee. Napapansin ko ang komportable ko sa kanya. Sobra akong magkwento. Nung times na yon. Na realize ko. Kung nag give up pala ako hindi ko mararanasan tong gantong kasaya. Na pag nag kukwento ako natutuwa siya. Yung kahit sa text ang daldal ko? Wala e. Ganon talaga. Si Mirachelle at si Hera. Ang dalwa kong bestfriend na walang ibang ginawa kundi asarin ako ng asarin. Si Mira. Kapag sinasabi ko sa kanyang aayawan ko na si Jaycee? Sasabihin niya lagi 'ikaw tong nagturo sakin na lumaban tapos ikaw susuko? Sapakin kaya kita jan? Walang ayawan. Mahirapan ka man ginusto mo yan.Wag kang aayaw. Lahat ng umaayaw natatalo. Turo mo yan. Kaya ikaw din gawin mo yan' kaya lalo ako ginaganahan kasi nga anjan sina Mira para sakin. Sila nagsasabing wag ako umayaw.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

For John Carl Tuazon :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon