"Angeee." Nangingibabaw sa buong resort ang sigaw ni Chynna habang paparating.
"Chynnsssssss." Balik sigaw naman ng katabi ko na akala mo e nga ngayon nagkita kita.
"Namiss kita." Sagot ni Chynna ng makalapit sa amin.
"Tigilan nyo nga ako sa kaartehan nyo,magkakasama lang tayo last week ah." Bulyaw naman ni Katrina sa kanila.
"Ikaw, napaka basag trip mo." Natatawa naman sita ni Bianca kay Katrina.
"Bitter ka te?" Nang aasar pang segunda ni Chynna.
Natatawa nilang pinagtulong tulungan si Katrina. Habang ako masayang nanunuod sa kanila habang inaayos ang mga kakainin namin for lunch sa isang cottage sa resort nina Angelica dito sa Batangas. Ganyan sila kagulo kapag nagsama sama kulang ang buong maghapon para sa kulitan, okrayan at pikunan.
Ito yung mga klase ng araw na hihilingin ko na sana magtagal. Kasi pagbalik namin ng Manila kanya kanyang buhay na naman kami, matagal na bago masundan ang ganitong klase ng reunion.
Si Chynna ang pinaka maingay sa grupo, pero pinaka iyakin Si Angelica ang pinaka prangka pero pinaka sweet. Si Bianca ang akala mo Nanay ng grupo sa daming reminders. Si Katrina ang pinaka bitter pero pinaka kwela . Si Sheena ang NBSB ng barkada, at ako ang sabi nila ang pinaka organize sa lahat. I see to it na maayos ang lahat.
"Hep Hep, at sino ang namiss nyo?" Sigaw ng isang babae na naglalakad papunta sa cottage namin. Walang iba kundi ang pinaka paborito ng barkada si Glaiza.
"Glai!" Sabay sabay na hiyawan at takbuhan nila papunta kay Glaiza.
"Easy there tigers." Natatawa naman nyang pigil sa mga kabarkada namin na gusto sya bigyan ng batok at katos.
"Grabe ka Glai, kung hindi pa ako ikakasal hindi pa ka pa namin makikita." Nakataas ang kilay na sermon ni Angelica.
"Himala ng langit at lupa ito." Nakataas naman ang mga palad na sabi ni Katrina.
"Glai na miss ka namin sobra, tagal mo nagtago ah." Biro naman ni Sheena.
"Akala namin mababasa na naman namin ang famous line mo na. Sorry I couldn't make it." Naiiyak naman sabi ni Chynna, ang bestfried ni Glaiza.
"Hahaha, co corny nyo guys. Tara na nga." At nagpatuloy na sila maglakad palapit sa amin ni Bianca.
Dali dali naman iniwan ni Bianca ang ginagawa at sinalubong si Glaiza ng mahigpit na yakap. Halatang miss na miss nila ang isa't isa.
"Thank you, di mo ako binigo." Bulong ni Bianca kay Glaiza sapat lang na kaming tatlo lang ang makarinig.
After ng break up namin ni Glaiza, si Bianca lang ang kaisa isang taong nirereplayan nya. Siguro kasi si Bianca lang ang sa tingin nya ay makaka intindi sa kanya.
Nasa ganun akong pag iisip ng lumapit si Chynna.
"Ganda no? Tsk sinayang mo eh." Bulong ni Chynna sabay kindat na sinagot ko naman ng pagbato ng hawak kong dahon sa kanya.
"Hi!" Casual na bati sa akin ni Glaiza.
Na sya namang ikinagulat ko. It was just a plain greeting. Wala akong nabatid na hatred o kung ano man. Nevertheless baka nga naka move on na sya. It's been a year since ng mangyari ang insidenteng yun.
Isang taon syang nagtago sa aming lahat lalo na sa akin. Walang bakas ng isang Glaiza De Castro , at yun ang pinaka pinagsisihan kong nagawa.
"Rhian" Untag ni Bianca sa akin na nakapagpa balik ng ulirat ko.
"H -- hello!."Nauutal kong bati sa kanya.
YOU ARE READING
Your Choice
RomancePaano kung bumalik? - Bianca Paano ka babalik sa taong tapos ka ng mahalin? - Chynna