WARNING:
This story may tackle topics about:
1. Mental health awareness
2. Ending rape culture (victim blaming, catcalling, male rape, etc.)
3. Anti-bullying and violence
4. Stereotyping and ending stigma
5. Doctor shaming
6. Other related social issues
Please read at your own risk.
DISCLAIMER:
You will encounter several Medical jargon but terminology for medical terms will be enumerated on the author's note.
Also, may mga bad words din po kayong mababasa so 'wag na kayo mabigla haha.
________________________________
PROLOGUE
MIKE
"Ladies and gentlemen, welcome aboard! This is flight 69A with service from Manila International Airport to Siargao Airport. We are currently second in line for take-off and are expected to be in the air in approximately six minutes time..."
I followed the announcement of the FA. I fastened my seatbelt, secured my baggage, folded the table trays, and turned off all my gadgets.
After minutes ay nagsalita na ang Captain.
"Preparing to take off..."
Sumilip ako sa bintana at pinagmasdan ang labas habang unti-unting umaangat sa ere ang sinasakyan kong eroplano. Ang cute ng mga kabahayan at mga puno, naging kasingliit silang lahat ng langgam.
Nang binalot na ng ulap ang paligid ay umayos na ulit ako ng upo. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim.
With my eyes closed, I suddenly remember Siargao. The days I stayed in Siargao were the happiest days in my life. Doon ko nahanap ang sarili ko, kung sino ba talaga ko, at kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay.
I was appreciated there and my mind was in peace. Minahal ako ng mga tao doon, nirespeto, at pinahalagahan. I found a father's love that I was longing for, and I found someone who truly cares for me despite of my flaws.
But the universe won't always favor our interests.
Paglalaruan ka ng panahon.
Gagaguhin ka ng tadhana.
Isama mo pa doon ang mga mali-mali at baluktot mong desisyon.
Kaya babalik akong Siargao...para maitama lahat ng mga naging pagkakamali ko.
"Is there any doctor in the plane?!"
Napamulat ako nang narinig ko ang anunsyo ng isang FA na naghahanap ng doctor, kasunod ay ang malakas na pag-ire ng isang babae na para bang nanganganak. Nagkumpulan ang mga tao kung saan nagmula ang sigaw na iyon.
Napalunok ako. May nanganganak ba dito sa eroplano?
"May doctor po ba dito?" anunsyo ng isa pang FA.
Shit.
Doctor daw.
I am the doctor.
But I'm just a newly licensed doctor and we just had our oath taking last week. Sure I already experienced delivering a baby during my clerkship and internship...pero may mga kasama akong senior noon. Pero ngayon, wala. Ako lang lahat 'to.
Parang gusto ko na lang magsuot ng parachute at tumalon palabas.
Sino ba kasing OB ng buntis na ito? Until 36 weeks pwedeng sumakay ang buntis sa eroplano, pero hindi ba nakita ng OB niya na baka pwede siyang abutan dito?
Nag-panic ako dahil hindi ako kagalingang doctor, ni hindi ko nga alam kung paano ko naipasa ang Physician Licensure Exam. At isa pa, wala akong tiwala sa sarili kong kakayahan.
But this is an emergency so there's no room for self-doubt. I had my oath and hypocrisy kaya bawal kong talikuran ang ganitong sitwasyon.
Matapang akong tumayo at hinarap ang lahat kaya nagtinginan silang lahat sa'kin.
"I'm a doctor," sambit ko. Pero deep inside gusto ko na lang maging manok. Para tamang tilaok na lang ako habang buhay.
Alam kong nag-aalangan silang lahat dahil lalaki ako. It's a stigma na kapag lalaki, awkward magpaanak eh kung tutuusin, balewala lang iyon sa amin.
Kumuha ko ng ilang mga gamit ko at pinuntahan ko kung saan naroon ang commotion.
"Doc! Please help my friend po! Bigla lang pong pumutok ang panubigan niya tapos humihilab na daw po ang tiyan niya," salubong ng sa tingin ko ay kaibigan noong manganganak.
"Dito lang ba talaga sa eroplano humilab ang tiyan niya?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya at hindi makatingin sa'kin ng diretso. "K-Kanina pa lang po sa airport."
I heaved a sigh of disappointment and so as the people around me.
"Gustong gusto na raw po kasi niyang umuwi ng Siargao kaya sabi niya tititiisin na lang niya."
Napailing na lang ako at pinuntahan na iyong buntis. Nakahiga siya sa nakalatag na foam na hinanda ng mga FA. Ipinosisyon ko ang sarili ko sa may paanan niya.
"Pang-ilang pagbubuntis niyo na po ito—" Napahinto ako sa pagsasalita nang tignan ko kung sino itong buntis na manganganak.
"G-Glamour..." mahinang bulong ko.
In an instant, thunders of our memories flashbacked in my mind. How we first met in Siargao, how we shared many days and nights, how we stroll down on the seashore under the starry sky, how we surfed through the waves, and how we treated the patients in Siargao.
"Tangina, Mike! Lalabas naaaaaaa!"
I came back to my senses. Pinakalma ko ang sarili ko bago ko siya tuluyang paanakin. It was difficult since this is her first baby. Saka kaunti lang ang kagamitang nakahanda dito sa eroplano. And with an environment like this, napakataas ng risk of infection rate nito sa ina at sa bata.
But with the help with the people around us, nailabas namin si baby, at umalingawngaw ang iyak niya sa buong eroplano.
It's a boy.
My eyes shed a tears of joy.
I am now holding her baby.
Our baby.
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out [MEDICAL SERIES #3]
HumorS O O N If Mike Samuel Cuevas is given a chance to correlate his life with three words, it would be "bruises", "rejection", and "failure". Bruises for all the marks he had whenever his father hurt him physically for being such a disgrace to the fami...