Ana's POV
naglalakad ako sa hallway ng hospital papuntang cafeteria para bumili ng makakain di kasi ako nakapagbreakfast, masyado kong binibusy ang sarili ko . tsk
*ring .. ring*
kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag .. si Ate Chi pala ..
"Dami.."
"yes ate?"
"pwede ba tayong magusap?"
"ngayon na?" nakakapagtaka namang parang seryoso si ate
"pwede ka ba?"
"di nga eh marami akong pasyente ngayon siguro mga 4 pm pwede na ko"
"wow hah . akala ko pa naman isisingit mo ko sa sched mo di pala kasi sa papauwing sched mo na ko isasama. salamat hah" sarcastic na sabe nya
"buti nga kasama ka pa eh . ano papayag ka ba o hinde"
napatigil sya saglit at bumuntong hininga
"sige na . mamaya sa paborito nating kainan 4 pm sharp ah .. nako pag ikaw nalate isusumbong kita kay dada"
"para kang baliw ate . wala ka namang maisusumbong sakin eh. ako ang pinaka matino sa lahat ng matino" pagmamalaki ko
"nako Dami alam mo ang powers ko pagdating kay dada , wag mo kong susubukan"
aish ! si ate talaga ang hilig mangblackmail
"oo na . oo na. sige bye!" hindi ko na sya inantay na mag bye pinatayan ko na agad sya
si ate talaga napaka pasaway . puro kalokohan sa utak .
nga pala Dami ang tawag sakin nila dada , mama , Ate Chi at Erene . tas yung mga kaibigan at pinsan pati tito at tita ko Ana ang tawag sakin . ayoko namang tinatawag akong Dami kasi masyadong pangbaby naiirita ako.habang nasa tapat ako ng cashier parang nakaramdam ako ng nakatitig sakin . tumingin ako sa gilid pero yung hindi naman halatang tumingin ako sa kanya . lalake pala pinagsawalang bahala ko lang kaya lang nakakairita na di manlang nahiya na babae yung tinitignan nya. sa inis ko humarap ako sakanya . nagulat ako kaya napaharap ulit ako sa cashier at kinuha ko na yung pinamili ko at nagmamadaling umalis .
ano bang ginagawa ng lalaking yun dito ? mamatay na ba sya? sana nga. o baka naman may sinamahan lang sya dito. kung ano man yun sana paalis na sya .
bumalik nalang ako agad sa department ko . nako napatagal ata ako . kawawa naman sila mommy. napatingin ako sa isang buntis . nginitian nya ko . ngumiti din ako pabalik
"mommies. sorry natagalan ako . tara na po yung mauuna sa loob"
pumasok na yung isa . ofcourse dating gawi check up lang kay baby . recommend ng vitamins ganun . kaso kakaiba tong pangatlong buntis na to. yung buntis na ngumiti sakin ang daming kwento at hindi naman tungkol sa asawa nya tungkol sa pinaglilihian nyang lalake . sya ang paborito kong pasyente dahil parati syang may baon na kwento. grabe din naman natatawa nalang ako kasing aliw na aliw sya habang nagkekwento.
"ay sorry napakadami na ata ng nakwento ko sayo tungkol sa pinaglilihian ko sa baby ko . pasensya na"
"ok lang ano ka ba nakaka aliw nga eh mukang nauuto mo yung napaglilihian mo hahaha"
"aba dapat lang syang magpauto no hahaha. ano nga palang meron ngayon sa baby ko"
magsasalita na sana ako kaso may biglang kumatok . napatingin kami parehas sa pinto
"ay nandyan na ata yung pinaglilihian ko hihihi"
ang cute talaga nito ni Mrs Valverde . kasabay ng pagpasok nya ang pagbilog ng mga mata ko. humarap nalang ako kay Mrs Valverde para di nya ko mapansin
sya pala ang kanina pa kinekwento sakin ng pasyenter . kung minamalas ka nga naman
"oh. andyan ka na pala asan na ang ice cream ko"
"mamaya nalang after ng check up mo"
"sige.. doc asan na nga po ba tayo?"
shit. nasa akin na ang atensyon . sana di nya ko makilala
"ehem. as we see kanina super healthy naman si baby i recommend vitamins nalang dahil malapit ka na kasi sa --"
"ahm doc nakita na ba kita kung saan?"
"excuse me?" napataas ako ng kilay
pesteng to di ako kilala kala mo wala kaming pinagsamahan ah. tinitigan nya ko, shete ang tanga mo talaga minsan Ana eh dat sinabihan mo nalang na hindi kita kilala . peste . peste talaga.
umangat ang sulok ng labi nya . mukang naalala na nya ko
"Mon Mon ano ka ba inaabala mo ang check up ni baby!"
"sya ba yung sinasabe mong doctor mo?"
"oo sya nga bakit? kilala mo sya?"
shet shet. i brace myself sa sasabihin nya sana wag nyang sabihin
"well she's my baby"
halos malaglag ako sa upuan ko sa sinabe nya. pesteng to ginamit pa yung bagay na ayoko nang marinig kahit kelan. tumingin ako kay Mrs Velverde at halos malaglag na ang panga nya. napahawak ako sa sintido ko.
"k-kilala mo si Mon Mon doc?"
"no. di ko sya kilala" matigas na sabe ko
"really? di mo ko kilala" naghahamong sabe nya
napaigtad ako nang maramdaman kong hinawakan nya ang braso ko
"stop it" bulong ko
inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko " bakit kasi itatanggi mo pang hindi mo ko kilala"
halos magtayuan ang buhok ko sa batok ng maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko. napatingin naman ako kay Mrs Valverde , baka kung anong isipin nya.
pagtingin ko sa kanya nanlaki yung mata ko kasi may luhang pumatak sa mata nya. tinanggal ko agad yung kamay ni Damon at tumayo papunta sa kanya .
yes kilala ko sya halata naman diba ? ayoko lang alalahanin na nakilala ko sya
"Mrs whats wrong . bat ka umiiyak makakasama kay baby yan"
"masama bang umiyak dahil sa tuwa?"
"huh?"
"ngayon ko lang kasi nakita si Mon Mon na nasa likod ng babae at parang ang sweet sweet pa nya .. *lumapit sya ng onti sa akin at itinakip ang kanang kamay sa bibig nya* lagi kasi yang nasa harap ng kung sinong babae kapag nakikita ko eh.. alam mo na" humagikgik pa sya pagkatapos sabihin yun
"ah. hehe ganun ba."
kumuha ako ng papel kung saan ilalagay ko ang vitamins para sa kanya
"basta eto yung vitamins para sa inyo ni baby . kagaya pa din ng date bawal ma stress at mapagod ok? sige nxt time nalang ulit mommy at madami dami pa sila sa labas" ngumiti ako ng pilit
"sige, babayyy!!"
hinablot nya yung hawak ko at naglakad palabas . napahawak ako sa noo ko . di manlang naisip na may naiwan sya. dumerecho ako saupuan ko.
"lumabas ka na. marami pang pasyente sa labas" malamig kong sabe
"andito na ko eh . chance ko na palalagpasin ko pa?"
"ano ba yang sinasabe mo? kung tungkol to sa isang gabeng pinagsamahan natin . wala lang yun . part lang yun ng mga plano ko sa buhay ok? kaya lumabas ka na kung pwede lang"
pinindot ko ang intercom at sinabe na papasukin na ang susunod na pasyente
bumuntong hininga sya
"sige aalis ako ngayon pero hindi mo ko maitataboy nalang Damiana . not now not ever. pananagutin kita sa pagkuha ng puri ko"
"what?!"
lumabas nalang sya bigla at binalibag ang pinto ng malakas.
siraulong yun sya pa ang nakuhanan ng puri hindi ba dapat ako yun?
puro baliw nalang ang mga tao sa paligid ko..
