Mon's POV
kaya pala parang familliar sya sakin mula nung makita ko sya sa cafeteria .
bat ko nga ba nakaligtaan ang isang babaeng kagaya nya.
babaeng may planadong buhay.
lets see kung hanggang saan nya kakayaning pagplanuhan ang buhay nya.
Ms Damiana Moran im going to ruin all that to do lists of yours.
Ana's POV
arrggg!! nakakafrustate naman eh. ano nang gagawin ko nagkita na kami !!
*ringggggg*
"HELLO!"
"aba at ikaw pa ang may ganang magalit hah ?? ako nga na pinag aantay mo kakausapin ka sana ng matino!"
nanlaki naman yung mata ko. delikado to.
"ay ate. bakit?"
"aba kinse minutos na kong nag aantay dito tas sasabihin mong bakit?"
"bakit ano ba yun?" naiirita kong sabe
"naiirita ka pa?? diba sabe ko mag uusap tayo lagpas na ng kinse minutos sa orasan ahh "
kumunot ang noo ko . shit. oo nga pala ..
"ay oo nga pala . sorry sorry sige papunta nako ."
"dalian mo sampung minuto lang dapat nandito ka na"
"What?! ate nababaliw ka na ba??"
"hindi . kasalanan mo yan kaya dalian mo"
"aish ! oo na"
ibinaba ko ang tawag. tinanggal ang white coat ko at nangmamadaling pumunta sa parking
"akala ko bukas ka pa uuwe eh"
nagulat ako. bat nandito pa tong lalakeng to
"i dont have much time for you . so if you'll excuse me"
lalagpasan ko na sana sya kaso hinarang nya ang katawan nya sa harap ko
"ano ba?? kailangan kong umalis ngayon . alam kong nakita mo kong nagmamadaling bumaba kaya umalis ka na dyan. sa susunod mo nalang ako kulitin" nakakunot noong sabe ko
"so may susunod?" mapang asar nyang sabe
namula ako sa sinabe nya. bat ba lagi nalang akong na o-off guard sa mga pinagsasasabe ng lalakeng to mula noon pati ba naman ngayon. napangise nalang ako.
nilagpasan ko nalang sya at sumakay sa sasakyan ko papunta kay ate Chi.
pagkarating ko dun nakita ko sya sa loob at mukang inip na inip na . nung nakita nya ko . kumunot yung noo nya, ihahakbang ko na sana yung paa ko papasok ng tumakbo sya palabas at hinila ako pabalik sa kotse ko.
"ate anong nangyayare sayo?" naguguluhang tanong ko
"basta magdrive ka papunta sa salonsi Ika"
"ate kung gagawin mo lang akong driver mabuti pang bumaba ka nalang at --"
"pwede ba Dami napaka daldal mo ngayon. magdrive ka nalang papunta don at nakahanda na ang lahat para sayo"
"ano?!"
"wala kang choice pinagantay mo ko ng kalahating oras kaya sa ayaw at sa gusto mo susunod ka" maotoridada na sabe nya
"ate naman alam mo namang ayoko ng mga party" parang batang sabe ko
alam kong party yun dahil hindi nya naman ako papupuntahin sa salon kung hindi party yun diba? imposible namang sabihin nya na gusto lang kitang pagandahin dahil hindi ko papatusin ang palusot na yun. atsaka kase ayoko lang talaga sa mga ganun . feeling ko ang paplastik ng mga tao na nandun . yung mga ngitian nila . kahit hindi naman kilala naguusap na kala mo ang close close nila . nagsisipsipan lang naman. oo na oo na alam kong anti social ako masyado , eh sa gusto ko na kilala ko talaga ang isang tao at masasabe kong mapagkakatiwalaan sya eh .
"sige na last na to . promise pagbigyan mo na ko"
"sige basta sabihin mo kung bakit ako ang a-attend sa party na yun"
"eh kasi.." nahihiyang sabe nya
"ate naman wag mong sabihin na kaya papupuntahin mo ko sa party na yun kasi may kadate ka nanaman?" di makapaniwalang sabe ko
"hehe to naman last na nga to diba pagbigyan mo na ko chaka alam ko sya na talaga ang para sa akin eh"
"bahala ka sa buhay mo basta huli na to . di na kita pagbibigyan sa susunod kahit lumuhod ka pa sa harap ko"
"psh! oo na oo na . kung makapagsalita ka kala mo naman napaka sama ng hinihiling ko. ayaw mo nun may pagkakataon ka na para maging dalaga di ka na manag. pft hahahah"
kumunot ang noo ko. wala syang tigil sa kakatawa
"ganun?" hininto ko ang kotse
"bumaba ka." matigas na sabe ko
napatigil sya sa pagtawa . at dumerecho ng upo
"tara na sa salon ni Ika . madali" sinabe nya yun ng naka poker face at may baritonong boses
tsk tsk masunod lang ang gusto nya gagawin lahat ng kawirdohan sa mundo.
pagkarating namin don inayusan ako mismo ni ate Ika . request daw ni ate kung baket si ate Ika mismo ang nagayos saken . para daw nakabingwit ako ng lalake nung tinignan ko naman si ate Chi sumipol sipol lang sya.
sabe ko wag lang kapalan ang make up at gawing simple lang ako . ginawa naman nila, tas tinali lang ng pusod yung buhok ko.
"Taaattaaaa ! You look stunning Ana kahit na naka simpleng dress ka lang"
namula ako sa sinabe nya. ngayon lang ako nagayos kaya ngayon lang ulit ako nakatanggap ng papuri tungkol sa ganda ko. yung huling taong nakapagsabe sakin na maganda ako ayoko nang maalala
"shempre kapatid ko yan eh. diba?" tumingin sya sakin na nagwi-wiggle pa ang kilay nya.
"oo nalang tara na at gusto ko nang matapos ang gabing to"
~~~~~~~~~~~~~
pagkarating namin sa party hindi na sya bumaba sa kotse. tinaasan ko sya ng kilay
"ano? aalis na ko ah . vavye sis!! Ciao!!"
napailing nalang ako . baliw talaga yun edi magtataxi ako pauwi mamaya. tsk tsk
pumasok ako sa loob , alam na ata nila na ako yung a-attend para sa party ng magazine launch ni ate. sinalubong naman ako ng isang lalake na matangkad , moreno at.. at.. napaka ganda ng mata nya
"hi. your Ana?"
"huh?" i'm too stunned i don't know what to say napaka gwapo nya
"i said ikaw ba si Ana?"
"ahm. yes" kala siguro nito di ko sya naintindihan
"i'm Gino. tara dadalhin na kita sa table mo"
tinititigan ko lang sya hanggang nakarating kami sa upuan na para samin . samin dahil katabe ko syang umupo . pwede na sigurong tatay to ng magiging apo ni dada. ano ka ba naman Damiana Moran mahiya ka naman dito pa talaga. inikot ko ang paningin ko napayuko nalang ako dahil nai-insecure ako sa mga nasa paligid ko . they all look so elegant samantalang ako naka simpleng purple dress lang .
"hey guys sorry sobrang late na ba ako?"
napa angat ako ng ulo dahil sa narinig ko . shit ! bat nandito ang lalaking to
"oh. may bago pala tayong kasama" namamanghang sabe nya
"ah yes she's Ana, yung nag sub kay Cheena habang nakikipagdate sya"
di nga pala alam ng katrabaho ni ate na kapatid nya ko. madalas kasi kaming ipag compare ni ate at iniiwasan ko yun . pero kilala naman nila si Erene kaya ok lang yun.
"i know her. minsan maganda rin palang may kadate si Cheena."
ano nanaman bang plano ng loko na to.
