CHAPTER 1: Gabriela

641 16 2
                                    

Gab's P.O.V

  
*Ako si Gabriela I. Tefera, short for Gab, 16 years old na ako, at 28th of December, 2002 ako pinanganak at mag grade 11 na ako.
   
     
*Mabait at bibo akong bata pero pag sa family ko lang dahil pag sa school mahiyain at lagi lang akong naka yuko, umiikot lang ang mundo ko sa family at sa mga teddy bears ko lang.

    
*Wala akong kaibigan, ay meron pala, ang lima kong malalaking teddy bears, meron nga silang mga names eh at iba iba pa kulay nila.

  
"Weird kasi ako, hahahaha! Ano magagawa ko eh ganito ako diba  Teddy?", sabi ko sa teddy bear ko.

    
"Gab, kinakausap mo nanaman mga stuff toy mo, bumangon ka na at maligo ka na nga, ang bantot mo nang bata ka, amoy imburnal na!" sabi ni yaya Carla sabay tawa at pumasok sa W.I.C (Walk In Closet) ko.

    
*First day of school kasi namin ngayon eh, kaya inayos muna ni Yaya yung uniform ko.

     
*Five Minutes Later*

*Bumaba na ako after kong maligo at nadatnan ko si yaya na naglilinis.

   
"Ayan buti naman at naligo ka na, muntik na kita isama dun sa garbage collector eh" sabi ni yaya sabay tawa.

 
"Ya naman! hihihi" sabi ko na lang at nakitawa na.

   
"Joke lang! Pumunta ka na sa dining room at magalmusal ka na, tatapusin ko lang itong nililinis ko" sabi ni yaya.

    
"Okiee poooooo!" At pumunta na ako sa dining para kumain magisa.

*Sanay naman na ako, siguro nasa business trip nanaman si Mommy and Daddy, eversince bata ako, they always travel, kaya mas naging close ako kay Yaya.

  
*Okay lang yun, wala namang masyadong problema, they support me naman in everything at alagang alaga ako.

 
[SCHOOL]

  
*Habang naglalakad ako, nakikita ko kung paano nila ako tignan mula ulo hangang paa, because I was the girl they call NERD, may salamin ako na malaki at nakasuot ng malalaking damit.

  
*Hindi naman ako stupid para tangalin ang salamin ko, malabo kasi ang mata ko, at nagsusuot ako ng malaking damit kasi ayokong matawag na malandi kasi di ko kaya ipagtangol ang sarili ko, I'm a coward.

   
*Nagmadali na lang ako at umupo na sa seat ko sa tabi ng window at nabasa na lang ng libro, maya maya ay dumating na ang teacher.

   
"Good Morning, Everyone" sabi ni Ma'am.

  
"Good Morning Ma'am!" bati namin.

  
*At ayun nagpakilala na kami, nung ako na, natahimik yung room, dahan dahan akong pumunta sa harap at nagpakilala.

   
"Ugh boring! alis ka na nga Miss Barney!" sabi nung isang babae at nagtawanan ang lahat, tumingin na lang ako sa baba.

  
"Silence! Don't be rude! Baka gusto niyong mag pa quiz ako sa first day of school niyo!?" Suway ni Ma'am Beth, terror teacher siya pero salamat sa kaniya at di ako masyadong napahiya, nice siya dati pero nung namatay yung anak niya last year, naging bato na ang puso niya.

"Sorry Ma'am" Nagsitayuan kami at nag bow pa para hindi na lalong magalit, kasi sino ba namang gugustuhing mag quiz sa unang araw ng pag pasok.

   
*Wala kaming masyadong ginawa kasi first day, kaya nung uwian na, dali dali akong naglakad sa hallway pero may pumigil sa akin na 3 babae, I know them, they're the popular girls.

"Hey you!" tawag sakin ni Kris
 
"A-ako?" tanong ko.

"May nakikita ka bang ibang tao sa likod mo?" mataray niyang sagot.

"I heard you're Top 1 at your last school, is that true?" tanong ni Jane.

"Ye-yes po" nanginginig kong sagot.

"Good, simula ngayon ikaw na gagawa ng assignment namin, ano gets mo ba! " - Jane

"A-a"
 
"A E I O U, wag na aangal" sambit naman ni hannah
  
"Ba-bawal po yun, papagalitan p-po a-ako" sabi ko
  
"Aba't tatangi ka pa ah!" sigaw ni Kris sa akin at hinablot ang salamin ko.

"I-ibalik ni-niyo na po sa-salamin ko" sabi ko habang naglalabo paningin ko.

"Edi kunin mo sa basurahan, hahahahaha!" sabi niya at tinapon sa basurahan, dali dali kong kinapa yung basurahan dahil di ko makita kung saan.

 
*Habang hinahanap ko, bigla nilang sinubsob yung mukha ko sa basurahan at tinulak iyon kaya natumba ako.

  
"Gawin mo ang lahat ng assignment namin, hindi yun favor, hindi yun request, utos ko yun," sabi ni Kris habang nakatingin ng masama sakin.

  
"Hindi lang yan ang mapapala mo kung di ka sumunod" pananakot ni Hannah

"Let's go girls, let's go shopping na!" sabi ni Jane at umalis na sila

*Mean girls sila, lahat ng gusto nila nasusunod, si Hannah ang leader.

 
*Nung nakita kong nakaalis na sila, dun bumuhos ang luha ko ay kinuha ko na ang salamin ko at nahihirapang umalis.

  
*B'at kasi ang hina hina, b'at di ako makalaban, napilay ako dahil sa mali kong pagbagsak.

*Buti na lang wala masyadong tao, kundi mas lalo akong napahiya, madumi na damit ko.

  
[BAHAY]

  
*Pumunta kaagad ako sa room ko at nagpalit tapos pumunta ako kay yaya para ipahilot yung pilay ko.

   
"Bakit kasi hinahayaan mong saktan ka nila, malaki ka na Gab!" sabi ni yaya habang ginagamot sugat ko.

 
"Mahirap yaya eh, natatakot akong luma- aray masakit dyan" sabi ko pero natigil dahil sa sakit nung pilay ko.

 
*Pagkatapos akong imasahe ni yaya, pumunta kaagad ako sa kuwarto ko at himagulgol ng humagulgol.

  
*Umupo ako sa window at tumingin sa bituin at tinanong ko ang sarili ko.

"Paano kung malakas ako, paano kung naging ibang tao ako, may magbabago ba?"

"Sana iba na lang ako" sabi ko at pumunta na sa kama at nakatulog na nga ako.

To Be Continued...

Oh My Body [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon