CHAPTER 5: Who are you? (2)

184 9 0
                                    

Gab's P.O.V

*Umalis muna ako at gumala sa hospital pumapasok ako room by room dahil na boboring ako sa loob ng kwarto ng katawan ko ang himbing kasi ng tulog niya ayaw ko siya istorbuhin kaya gumala muna ako.

   
*Habang gumagala ako at lumulusot lusot lang sa pader marami akong nakita tulad ng pamilyang nag iiyakan sa gilid, meron pa ngang nag hahalikan na parang walang bukas hahahaha nandiri ako kasi kulang na lang talaga mag hubad sila eh.

   
*Napunta rin ako sa room na kung saan yung heart beat ng patiente ay biglang huminto kaya kina kaylangan ng defibrillator para muling bumalik nandun lang ako hinihintay ko kung anung mangyayari sa lalaki pero thank God kasi bumalik ang heart beat niya at dinala na nila yung lalaki sa ICU narinig ko sabi ng doctor .

*Nag lakad lakad ulit ako paulit ulit na yung nakikita ko kaya babalik nasa na ako ng napadpad ako sa kwartong madilim dahil sa kapal ng kurtina na nakaharang sa pinta kaya hindi pumapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto at ang tanging ilaw lang nito ay sa tabing kama walang tao maliban sa patienteng nakahigang nag iisa.

*Lumapit ako sa kanya para makita ang itsura niya pero na patitig ako ng makita ko siya.

*Para bang isang anghel na bumagsak sa lupa isang napaka gandang babae ang nakita ko,  itim na mahaba ang buhok niya, maputing balat na para bang hindi nasinagan ng araw, mga pisngi niya na namumula at labi na pinkish ang meron siya, na pansin ko rin yung nunal niya sa left sa baba at itaas ng mata niya, na pakaganda niya na star struck talaga ako sa ganda ng kotis niya tas pag tinitigan mo siya napaka inosente pa ng maganda niyang mukha.

  
*Naiinggit tuloy ako ng kunti hahaha.

   
*Pero kapansin pansin parin ang mga sugat niya parang nag galing siya sa aksidente sa dami ng sugat niya pati paa niya naka benda mukhang pilay siya.

     
*I wonder kung anung ngyari sakanya at nasaan ang mga taga bantay niya.

    
*May biglang pumasok na nurse at tinignan yung monitor na nasa gilid ko lang rin at umalis rin agad napansin ko na siya lang ang merong monitor na ganto ibang monitor kasi ang meron sa kwarto ko at sa iba bang mga kwarto,pag katapos kung titigan ang mukha niya umalis na rin ako dahil baka hinahanap na ako ng katawan ko.

     
"Anak magsalita ka naman, okay ka lang ba anak?  Sino yung may gawa niyan sa sayo?" sabi ni mama kay Dex.

*pag balik ko sa kwarto na datnat ko na kinukulit siya ni mommy mukhang hindi alam ni dex ang gagawin niya.

(sabihin mo sakanila okay lang po ako mommy at daddy nahulog lang po ako sa stairs sa school sorry po kung naabala ko po kayo) sabi ko kay dex

"okay lang po ako mom, dad nahulog lang ako sa stairs ang clumsy kasi ng anak niyo eh" sabi ni dex

*na may nakakalokong ngiti sa mukha, kaya tinignan ko na lang siya ng masama at nag pout

"buti naman anak at alam mong lampa ka" sabi ni daddy ko

*lalo tuloy ako na papout at tumawa si dex.

"magpapahinga na ako mom, dad wag na po kayo mag alala saakin okay lang ako at sabi ng doctor makaka labas na rin po daw ako sa hospital next week.

"sige anak, please anak alagaan mo ang sarili mo dahil nagiisa ka lang naming anak kaya umayos ayos ka sa mga kilos mo okay baby,  okay anak aalis na kami ng daddy mo dahil kailangan namin puntahan yung meeting sa italy important client yung meeon tayo dun kaya aalis na rin kami.  Babye baby ingat ka palagi okay I love you." sabi ni mommy

"I love you baby girl" sabay halik ni daddy sa noo ko este katawan ko lang pala huhuhu

*bago sila umalis nag group hug muna kami ng katawan ko at nakisama ako

"bat biglang lumamig? " sabi pa ni daddy

*bago sila tuluyan makalabas ng pintuan kaya natawa ako dahil sa mukha ni daddy mukhang natakot siya.

"asaan si yaya carla? " tanong ko kay dex

"umuwi ata para kumuha ng damit pang one week para saakin"

"okay bago tayo maka labas dito sa hospital syempre gusto ko malaman kung sino ka talaga at kung anung personality ang meron kahihihi okay ako muna"

"tanga kaba panu ko malalaman ang personality ko kung hindi ko matandaan ang nangyari saakin"

"ang harsh mo naman mag salita sa pag salita mo palang siguro masama kang tao na walang kinakatakutan"

"ewan ko sayo ang daldal mo!"

"hihihihi talaga ba?  Sige ako na lang mag kwekwento ako ng sarili ko"

"Dex pov"

*ang kulit nito kaya nag okay na lang ako sa gusto niya

*mahiyain raw siya at lampang babae hindi daw siya marunong makipaglaban lagi daw siya binubully dati pa raw dahil sa kapal ng salamin niya, mahahabang damit na suot niya at madaming libro na hawak hawak niya kaya ang na ta-tawag daw sakanya ahy nerd ni wala nga raw nakakaalam ng pangalan amniya sa school eh dahil lagi lang daw aiyang nakayuko at laging nasa sulok.

*pero kahit ganun pa man raw pag dating sa pamilya sweet daw siya at masyadong bibo may lima daw siyang malalaking teddy bears na ibat ibang kulay nito, madaldal din daw siya once na naging ka close mo talaga.

*na pa "oo ang daldal mo nga" pero tinawanan niya lang ako

*kwenento niya rin yung ngyari sa kanya kaya nandito siya sa hospital tinulak daw siya ni hannah na leader ng mean girls group na isa raw sa kinalatakutan na groupo sa school nila at sa school daw nila may rangko rangko na kapag nasa pinaka mataas na rangko ka hindi ka nila gagalawin o sasaktan at kung wala ka sa rangko wala daw silang pake elam sayo kahit na mayaman ka paman daw.

*hindi na ako mag tataka kung bat naapi tuh dahil siguro wala siya sa rangko sa school nila.

"oh ikaw naman diba sabi mo ang naalala mo lang ahy first name mo at mukha mo so anung itsura mo? "

*sabi niya saakin kaya napaisip rin ako.

"dali na sabihin mo na" kinukulit niya talaga ako kaya no choice ako

"mahaba ang bubok ko na balck na black meron akong nuna-"

"Gab pov"

*hindi natuloy yung sinasabi ni dex kasi biglang pumasok si yaya at tumingin sa paligid sabay sabing

"Gab sino nanaman yung kausap mo? " sabi ni yaya

"kumakanta ako" sabi ni dex sabay talokbong ng kumot sa boung katawan niya

*mukhang ayaw mag kwento ni dex at gusto niya mag pahinga kaya hindi ko na lang siya pipilitin dahil mukhang hindi niya rin talaga maalala.

______________________________________

Thank you po sa mga nag babasa, keep reading lang po and God bless po sainyo ❤

Oh My Body [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon