Astrid POV"Hello La?"
"Anjan kana ba apo?"
"Oo La, kakababa ko lang ng Barko. May susundo po ba saakin dito?" Tanong ko kay lola habang chin check ko kung completo ba ang dala kong mga bagahe.
"Ah eh, wala apo eh. Hindi ko macontact ang Tiya Selia mo. Naka off ang selpon. I tetext ko nalang yung address ng Tiya Selia mo ha? Tapos sumakay ka ng Tricycle, hwag ng taxi dahil mahal ang bayad dun. Malapit lang yan sa pinag daungan ng Barko sa pagkaalala ko. Mag iingat ka jan ha?"
"Opo Lola." Sabi ko at pinatay na niya yung tawag sa kabilang linya.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng pinagdaungan ng barko. Madaming tao ngayon, May iilang sinalubong ng pamilya at kaibigan yung kagaya kong mula sa probinsya. Habang ako ito nakatunganga habang hinihintay yung text ni lola. Ang bagal pa naman kasi mag text ni lola. Touch screen na kasi gamit niya na ipinadala ni Auntie Sophia na nasa USA.
Ilang minuto pa ay natanggap ko na ang text ni lola na ang address ni tita.
Agad akong pumara ng tricycle at sinabi ang address nila tita. Kunot noo pa nga akong tinignan ng driver ngunit hindi na ito nag tanong pa.
Muntik na akong mapanganga ng makita kung saan ako ibinaba ni Kuya Driver.
"Kuya, Sigurado ka po bang dito yung adress na to?" Tanong ko sa driver na binababa yung dalawang maleta ko at isang bag.
"Oo ineng. Kinse pesos lang. Mag ingat ka."
Inabot ko naman yung bayad saka niya ako iniwan dun.
Nakatira si Tiya sa isang... Squater's Area?
Marami ang napapatingin sa gawi ko. Mapa babae o lalaki man. May mga batang musmos na naglalaro sa daan. Masikip ang lugar dahil sa dikit dikit na mga bahay. May mga kalalakihan na umiinom sa isang gilid. May mga babaeng may dalang isang baldeng tubig habang bitbit ang isang bata sa kabilang braso. May mga kababaihan na naka suot ng maikling shorts na kapag uupo ay kita na ang pangupo nito. Hindi din nakatakas sa aking ilong ang masangsang baho ng isda. Malapit kasi ang squater's area sa Dagat at may nakita din akong mga binilad na isda sa araw.
Nagsimula na akong maglakad, Nag tanong ako sa isang Ale kung nasaan ang bahay ni Tiya Selia.
"Kaano ano mo si Selia?"
"Umm Tiyahin ko po."
Tumango lang ito at iginiya ako papuntang bahay ni tiyang.
"SELIA! NANDITO PAMANGKIN MO!!!" nabigla ako sa biglaang sigaw nung ale na kasama ko.
Nasa tapat kami ng isang bahay na gawa lang sa plywood o kahoy. Hanggang ikalawang palapag yung bahay.
Sumilip si Auntie sa Bintana. "PAPASUKIN MO NALANG!" at umalis siya sa pagkakasilip. Malamang ay baka may ginagawa ito.
"Maiwan na kita ineng ah? May gagawin pa ako. Mag ingat ka." Babala nito sakin at mahinang tinapik ang braso ko.
Kunot noong nagpasalamat ako sa ale. Bakit ba sabi sila ng sabi ng ingat? Nagmukha namang killer si Tiyang niyan eh.
Pumasok na nga ako sa pamamahay ni Tiyang. Pagkapasok ko naman ay sala na agad na may maraming kalalakihan na nagiinuman.
Natigilan ako at napalunok.
Bahay ba talaga to ni tiyang o beer house?
Napatingin silang lahat saakin matapos kong buksan ang pintuan.
"Oh mga pare! May chics! Nag order ka ba pareng Antonio?" Sigaw ng isa sakanila ng nakangiting aso at nakakakilabot na tingin ang igiwad nito sakin. Naghiyawan ang lahat ngunit nagsalita si Tiyo Anton, ang asawa ni Tiya Selia.
"Hindi pamangkin yan ng asawa ko!" Ngisi ni Tiyo na mukhang may tama na. "Oh siya, Nandun ang tiya mo sa taas pumasok kana." Sabi nito.
Nakayuko ko namang tinungo yung hagdan pataas. Ngunit ramdam ko parin ang mga tingin nilang nakakakilabot. Yung mga matang medyo mapula at ang iitim ang ilalim ng mga mata. Mga mukhang walang tulog. Parang mga adik.
Nung nasa taas na ako ay nakita ko naman si Tiya na papababa ng hagdan. Meron pa nga iting sigarilyo na kagat sa bibig.
"Tiya..."
"OH! Astrid!" Ngumisi ito sakin. Kahit ang ilalim ng mata niya ay maitim na din. Ano bang pinagkaka abalahan nila dito? "Halika. Doon ka muna sa kwarto. Alam kong pagod ka pa sa byahe." Sabi niya at hinila ang isa kong maleta. Sumunod lang ako sa kanya ngunit may nahagip ang mata ko. May nakita akong nakabukas na pinto sa isang kwarto at may mga nagtatawanang babae ang nandun. Sa harap nila ay may mga baraha at mga alcoholic drinks. May nakita din akong mga puting supot sa harapan nila.
A-ano... yun?
Hindi ko masyado naaninag dahil sa naka sunod ako kay tiyang sa paglalakad at nalagpasan na namin yung kwartong yun. Huminto kami sa huling pinto. May apat na kwarto ang nandito sa taas.
"Oh dito ka muna sa kwartong ito ah? Kung gusto mong mag cr, nandun sa baba. Maiwan na kita." Sabi ni tiyang saakin at isinirado ang pinto.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob. May kaliitan ang kwarto. Merong single bed na gawa sa kahoy at isang drawer. At isang bintana.
Tinabi ko muna ang mga maleta ko sa isang tabi at umupo sa kama.
Sana tama yung desisyon kong mag stay dito kina Tiya.
Sana wala akong pagsisihan.
***
BINABASA MO ANG
That Mafia Heir is my Boss---(ON GOING)
ActionA Probinsyana Girl named Astrid Gail Imperial was known to be a simple but pretty girl in her province. Her grandma told her to live with her Aunt Selia in a city who will provide her expenses on her upcoming Fourth year College. And just when she s...