Meet Joemar

51 5 1
                                    

(Note: Kapag naka-italized, ibig sabihin naka-flashback. Thank you :D)

"Reminiscing the moments of the past."

Nakaramdam na ng pagod ang kamay ko kaya napatigil na ako sa pagsusulat sa diary book kong kulay pula. Kumawala ako ng buntong hininga tsaka sinarado ng madiin ang libro na hawak hawak ng mga palad ko. Pinuwesto ko naman tapos iyon sa table na nilalagyan ng lamp shade sa kwarto. "Nakakamiss din pala ang nakaraan." Sabi sabi ko sa utak ko tsaka ngumiti ng nakakaloko. Napahiga na ako sa kama tsaka nilagay ang dalawang kamay ko sa aking tiyan habang nakatulalang nakatingin sa kisame.

Naalala ko kasi ang mga kabaliwan at kagagahang nagawa ko noon eh. Mga 'unforgettable moments' kumbaga. Iyong mga sweet moments ko with friends, away na dinulot ko, crushes, achievements KUNO at iba iba pa. Basta. Natutuwa nga ako ng grabe kapag nabubuhay sa isip ko ulit ang mga nangyari sa akin noong una with my crushes. Yun bang baliw na baliw ka sa kanila noon. Tapos ngayon mo lang na realized na hindi naman pala kagwapohan ang mga crushes mo that time at napapatawa ka na lang ng grabe grabe.

"Mic?" Napatingin ako sa pintuan. Tinatawag ako ni mama. "Mic? Buhay ka pa ba diyan? Oh-- my God Mic??! Buksan mo nga ito? Mic?! Jusko Lord ang anak ko!" Si Mama talaga ang OA kahit kelan. Hindi ba pwedeng hindi ko lang siya narinig kaagad? "Mama!! Good news, buhay pa anak nyooo!!" Sabi ko habang patakbong papalapit sa pintuan para pagbuksan siya.

"Thank you Lord! Buhay pa anak kooo!" Tsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Ako naman, napa question mark na lang ang utak ko.

"Si Mama talaga.. ang OA kahit kailan. Maaga pa po ma ha?" Napatawa ako. I hugged her back. "OA natin ma. Tama na nga 'tong hugging each other natin. Nilalanggam tayo ihh!" Hindi kasi ako showy na anak. Nakokornihan kasi ako kapag palaging nagki'kiss o nagha'hug ako sa parents ko. Although Papa is not here with us. Nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Aww. Walang konek sa hug.

"Heto, bumili ka ng softdrinks sa tiangge ha? Masarap ang ulam kong niluto, maganda kung may kasalong Coca Cola." Iyan lang pala. Well, hinahanap lang naman ako palagi ni Mama dahil may iuutos siya sa akin eh. Same old thing. Kinuha ko naman kaagad ang perang ibinigay ni Mama at tsaka lumabas ng bahay. Hay. Si Mama naman oh, magdi-daydream na sana ako sa nakaraan ko tapos bigla bigla na lang sisingit.

Naglakad na ako papuntang tiangge kung saan palagi kaming bumibili. Mabuti naman at hindi masyadong mainit ang panahon ngayon.

"Hi-i Mic!" Oh shet! Lumaki sa pagkabigla ang mga mata ko ng makita at marinig ko kung sino ang tumawag. Biglang nakaramdam ng kuryente ang buong katawan ko ng makita ko ulit siya. Kilalang kilala ko talaga ang pagmumukha niya. Ang singkit niyang mga mata, hindi gaanong kataas niyang ilong, palong niyang mga taenga at nag-iisa niyang itim na ngipin sa gitna. Kumikintab talaga ang ngipin niyang iyon habang nakatingin sa akin ng malandi. Si JOEMAR!!

Nasa kindergarten ako noon at mga 5 years old palang, sounds eww but, I had a crush on Joemar that early age of mine. Ang bata bata pa pero lumalandi na ang bruha. Nahihiya talaga ako sa sarili ko sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari nung una habang crush ko siya. Well, aaminin ko, obsess na obsess talaga ako kay Joemar, pero NOON yun duh?

"Ohh? Asan na ang love letter mo for pareng Joemar?" Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa gate namin at tumawa ng nakakaloko. Siya si Bro, Gerald true name niya pero I used to call him Bro na lang kasi yun din naman palayaw niya.

"Uy! Bilisan mo na. Mali-late na ako sa school neto oh! Hindi ko maibibigay mamaya yan sige ka!" Baliw naman ito eh! Pinapadalhan na nga lang ng sulat, nambibiro pa. Sumbong ko 'to kay Mommy!

"Huwag ka na ngang mang asar! Bigay mo na lang ito sa kanya ha? Ha? Hihihi. Tapos sabihin mo sa akin kung anong sabi niya kung crush niya din ba ako oh ano ha?" Napatingin ako sa kalangitan at alam kong nagdi'daydream na naman ako.

"Are you sure na kinder ka pa lang?" Tanong niya. Kinuha niya naman ang sulat at binuksan. Ihhhh! "Dear Crush Jo- arayy!" Pinalo ko siya gamit ng mga palad ko sa kanyang braso. Tumawa pa siya ng nakakaloko. Sumbong ko na talaga siya kay Mommy mamaya! Nakakainis! Ehhhh!!

"Bro! Umalis ka na! Mommy ohh! Si Bro inaaway ako dito!" Sigaw ko para umalis na siya. At tama nga ako, dali dali naman siyang umalis papalayo sa bahay namin. Yehay! Panalo ako!

Crush na crush ko talaga si Joemar. Nasa grade 6 na siya ngayon at kaklase niya si Bro. Una ko siyang nakita sa tindahan malapit lang dito sa amin noon. Palagi siyang bumibili ng daing sa tindahan at ako palaging bumibili ng kendi. And one time, nilibre niya ako ng kending X.O. Hihihihi. Ganda ng story namin ni Joemar.

At ayun sapul! Nabaitan ako sa kanya at nagustuhan ko na kaagad siya. What a nice story right? Cheap.

"Dear Joemar, crush kita at mahal pa sana mahal mo din ako."

Naalala ko na lang na bahagi iyan ng isinulat ko para kay Joemar that time. Honestly, parang ako yung nanliligaw sa kanya noon kahit na ang bata bata ko pa. *iling ng ulo* See how crazy and obsess I am that time? Nakakahiya talaga. Ang aga kong kumembot noong una akong nagka'crush. Bigay na lahat. Well, naalala ko noon na ang itim na ngipin ni Joemar sa gitna ang unang nakakuha ng atensyon ko. Kaya ako nagkagusto sa kanya. Eww talaga. Para kasi sa akin noong una, ang ganda ganda kapag may itim ka na ngipin sa gitna eh. Ang unique. Tumagal ng 3 buwan sa pagkakaalala ko ang pagbibigay ko ng 'love letter' kuno kay Joemar. Noong una pa yun. Natauhan na ako ngayon. Tse!

"Mic? Hello? Yuhoo!" Bumalik ako sa orihinal na mundo ng sinimulan niya naman akong tawagin. Nakita ko ulit ang isang itim niyang ngipin sa gitna. Mula noon hanggang ngayon, seriously?

"Ahh- hello?" Lutang kong tanong sa kanya. Ngumiti ulit siya ng grabe. His black tooth, ew. Parang once a week lang nagsisipilyo.

"Ikaw naman Mic, nahiya ka pa. Hehe. Musta ka na? Wala na akong balita sa iyo ah?" Napanganga ako sa sinabi't mga tanong niya. FC lang pre? Huwag mong sabihing akala mo may gusto pa ako sa iyo hanggang ngayon ha?

"Ok lang ako. Sige, mauna na ako ah? Hindi na malamig yung Coke sa tiangge eh. Sige bye!" At tumakbo na ako papalayo mula sa kanya. Narinig ko siyang sinigaw ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Sana gets nya na na iba na ang takbo ng panahon ngayon. Sa way kasi ng pagsasalita niya kanina parang nagpapa'pabebe pa eh. Yun bang nag-aantay siya kunwari na magco-confess ako ng feelings ko for him. Like capital DUH?

Ang OA naman kapag sinabi kong, I moved on already. Eh feeling ko nga hindi ko naman talaga siya crush na as in grabe grabe! Bata pa ako nun nu? Kinder pa ako noon kaya hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa ko sa buhay. Immature pa ang pag-iisip ko noon. Sana huwag siyang feeler.

Minsan kasi, nagiging feeler na masyado ang isang tao kapag merong isang pangyayaring nakapagbigay sa kanya upang kutuban ito. Like what happened diba noon sa akin? Baka akalain ni Joemar na may gusto pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Hay naku. All feelings are not permanent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COLLECTION OF MY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon