SPOKEN WORD POETRY 01

3 0 0
                                    

KITA KITA KONG HINDI MO NA AKO MAHAL!

Isa dalawa tatlo apat lima amin pito walo siyam sampo.
Sampong beses akong umiyak ng dahil nalaman kong hindi mo ako mahal. Dahil may mahal kang iba . at mahal ka rin pala niya.
Siyam siyam na kaibigan ko ang nawala. Para lang mapasaakin ka  nilimot ko sila para lang maging akin ka na, pero wala! wala parin pala.
Walo walong bote ng alak ang naubos ko para lang mawala ang sakit na nadarama ko sayo.,pero wala mas lalo lang yatang lumala dahil sa bawat pag inom ko at sa bawat pag pikit ng mga mata ko, mukha mo ang naaalala ko.

Pito pitong ulit kong sinabi sayo na mahal kita pero pitong ulit morin akong binaliwala. Dahil hindi sa panget ako kundi hindi ako ang  pangarap mo at hindi ako mahala sayo.

Anim anim na sampal ang inabot ko  para lang makuha ka sa kanya. Anim na masasakit na salita ang tinanggap ko para pakawalan ka niya at mapasaakin ka na pero nag mukha lang akong tanga para sa wala.

Lima- limang ulit kitang binalikan pero trinato mo akong parang wala. limang ulit akong Nagpatirapa para lang mapasaakin ka  pero wala, dahil gusto mong mapasakanya at gusto ka rin niya.

Apat apat na tanong ang pumasok sa isipan ko. kung bakit ako nag papakatanga sayo? bakit di mo kayang mahalin ako? Bakit mas gusto mo pang umiyak ako ? Bakit mas gusto mong saktan ako na nagmamahal sayo?   Pero isang salita lang ang lumabas sa puso't isipan ko.  dahil mahal kita at hindi kita kayang mawala sa piling ko.

Tatlo talong taon kitang pilit kinalimutan pero wala! sa tuwing nakikita kita bumabalik lahat ng Masasakit na alalang naramdaman ng puso kong nagmahal lang naman sa taong di kayang suklian ang pagmamahal ko.

Dalawa dalawang beses kong inulit ang tatlo pero hindi ko talaga kayang mawala ka.
At napagtanto ko na wala na talaga akong puwang sa puso mo! Ay mali HAHAHAHAHHAHA Wala naman talaga akong pusang sa puso mo.

Isa pero ngayon isang  tao na ngayon ang kaharap mo at hinding hindi na ako babalik pa sa nakaraan ko.
sa mga bagay na nagparamdam ng sakit na dulot mo.
dahil bago na ako! hindi na ako ang dating ako na nag pakatanga sayo, dahil ikaw mismo ang nagbago sa katauhan ko at Di na muling iibig pa sayo.

------

Hello! pue,
salamat po ulet at sorry sa mga spelling's na mali.

Spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon