Unlabeled Relationship

13 0 0
                                    

Enrolment sa University. For this time si Jessica ang kasama ko sa pag enroll, after kasi nangyari samin ni Lin. Wala pa rin ako naiisip na move o kung anuman ang gagawin ko. Pero alam ko mag eenrol pa rin sya.

Sabi ni Jessica:
   "Ano Balak mo bes! Mamaya maya makikita mo dito si Lin"

    "Hindi ko alam Bes? Blanko pa rin ako sa nangyari. Yung akala ko kasing meron pero wala pala nawala na parang bula. Ang sakit bes diba kasi bigal na lang walang chat na hindi ko man lang alam yung nangyayari, may mabuti rin palang dulot  yung plano natin bes. Siguro kung hindi nangyari yun baka matagal ko pa bago malaman na may manliligaw si Lindsay."

       "Alam ko masakit bes pero mas better siguro na kausapin mo si Lin, better siguro na marinig mo din yung explansayon nya sa nangyari."

       "Hinihintay ko lang yung oras na yun Jess gustong gusto ko na syang tanungin, kausapin para hindi blanko yung isipan ko tungkol sa amin"

       "Hintayin mo sya dito, sinabi nya sakin sususnod sya dito at mag eenrol din. Tatagan mo lang, lakasan mo ang loob mo. Para matapos na yung paghihintay mo, para malaman mo na ang mga sagot sa mga tanong mo."

        "Sige Bes hihintayin ko sya, pero dito ka lang ha wag mo kong iiwan."

        "Oo naman bes doon ako sa may foodcourt hihintayin kita doon sana dumating na sya kasi parang uulan na wala pa man din akong dalang payong"

       "Oo nga sana nga dumating na sya. Sige bes hintayin mo ko sa foodcourt"
———————
Nakita ko na si Lin sa cashier nagbabayad for tuition hinintay ko syang makalabs at sinundan ko sya hanggng maklabas sng university sa may sidewalk."

———————
Si Vinz at Lin sa may sidewalk sa labas ng University:

Vinz: Dito mo ba gustong magsimula? Dito sa walang kasiguraduhan. Sa walang alinlangan. Sa walang pangamba. Hanggang lokohan lang ba ang gusto mong mangyari? Hanggang sweet sweet lang ang walang status. Sa tingin mo masaya ba yun? sa tingin mo walang masasaktan sa ganun?

Lin: I am sorry Vinz! Its not you, Its me. Ayokong simulan, dahil baka masayang lang ang lahat. Ayoko kitang saktan, ayaw kong madagdag sa mga problema mo, hindi ko inaakala na magyayari to, dahil inexpect kong magiging masaya ka sa ganitong sitwasyon kahit walang "tayo".

Haaa Mali lahat ng expectation mo Lin, ang sakit sobrang sakit na bakit hahantong sa ganito lahat ng pinagsamahan natin, na akala ko lahat ng nangyari sa atin lahat may kahulugan, at yun naman ang pinkita mo at nararamdaman ko naman yun, hindi talaga ako makapaniwala. Yung paglabas natin palagi, yung panonood natin ng sine, yung pagtulog ko sa bahay nyo, Explain to me ano ba yun lahat. Ano yun? Hindi na kita maintindihan!

Ginusto ko naman yun lahat Vinz, masaya ako at nangyari yun sa atin, yung mga masasayang moments natin together importante yun lahat sa akin. Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko, naging bestfriend kita, lagi kang andyang tuwing kelangan kita, naging adviser kita dahil sa mga hugot mo at payo mo na all effective para sa kin. Ikaw ang kasama ko sa mga panahong kelangan ko ng balikat.
So hindi ko ineexpect na hahantong sa ganito ang lahat. Minahal kita, at mahal pa rin kita hanggang sa mga oras na ito.

Ano ginagawa ma ba talaga akong tanga! Bobo na ako? Manhid? Bato ba yung puso ko? Mahal mo ba talaga ako? Mahal mo lang ba ako kasi naiisip mo yung ex mo sa akin, o dahil naiisip mo na may kinabukasan ka sa akin, kais kung totoong mahal mo ako hahayaang mo akong manligaw, para yung pinapakita natin sa isat isa magkaroon ng status, magkaroon ng label.

Bakit ang big deal sayo nag pagkakaroon ng label. Hindi pa ba sapat yung pinapakita natin sa isat isa. Yung sweet muna tayo, Vinz wag tayong magmadali, may tamang panahon, mag tamang oras at lugar.

Kelan? Kelan Lin? pag nagsawa na tayo sa isat isa, hindi to trip trip lang, hindi to joke, mahal kita, minahal kita, at mamahalin pa kita, kelangan pa ba ng tamang oras, ito na yun Lin, Ikaw na ang Yin sa buhay ko, ikaw lang ulit ang nagpabago sa pananaw ko sa pag ibig. nagsimula tayo sa lokohan lang, sa sweet sweet lang sa chat, pero minahal na kita, at gusto kong magkaroon ng "tayo".

Vinz. Hindi masasayang lahat ng effort mo, basta kilalanin mo na natin ang isat isa. hindi sapat yung lokohan lang tayo nagsimula, isa lang ang sigurado ako ngayon Vinz. Naappreciate kita, lahat ng effort mo, at ayokong masayang yun.

Hanggng appreciation lang kayo mong ibigay. ang Unfair mo You made me fall in love with you, You showed me that you care, pero lahat din pala yun ay wala lang sayo, ano ka f*ckgirl?, ang galing mo, dakila kang pafall, nahulog ako ngayon hindi mo ako sasaluhin. pareho ka rin sa mga nang iwan sa akin pareho kayong hindi makamove on sa mga nakaraan, at bakit ganun, gagawin nyo kang ba kami talagang rebound o para madistract kayo sa mga ex nyo at malaman nilang masaya na din kayo.

Sorry Vinz. Hindi mo naiintindihan. Mali ka ng iniisip. Mahal kita. Mahal na din kita.

Then why?...Bakit hanggang ganito na lang tayo? Bat hanggang lokohan na lang tayo? Bakit may Christopher? Bakit hinayaan mong may manliligaw ka? Kung talagang mahal mo ako?

Dahil ayaw kitang masaktan, alam kong nafall kana sa akin Vinz. Natatakot ako na baka maging rebound lang kita, kaya naisipan kong mapalayo sayo at ibinaling ang atensyon ko sa iba. Pero hindi, hindi ako naging masaya kay Christopher. Dahil ikaw pa rin yung naalala ko. Ikaw pa rin yung gusto kong matawag na baby, at makausap lagi. Ikaw Vinz. Ikaw lang.

Biglang bumuhos ang ang Ulan, at that time may sakit si Lin, may lagnat sya. Actually lagi syang nagkakasakit.

Hinawakan ni Vinz si Lin at sumilong sila sa may malapit na foodcourt.

Lin Okay ka lang?

Okay naman ako Thanks Vin. Pasensya na ah naulan tuloy tayo.

Okay lang yun. May gamot kba dyan inumin mo na para hindi lumala yang lagnat mo.

Oo meron ako. Pero okay ka lang ba Vinz?

Honestly. Hindi ako okay. After ng ulan Alis na tayo. baka hinahanap na ako sa bahay. At saka Lin siguro mas mabuting wag mo na tayong magchat o magtext at magcall, mag ignore messages na lang tayo ulit tulad ng ginagawa natin. Pag ready ka na at kung sa tingin yung tamang panahon, saka mo na lang ako ichat o icall. (sabay tulo ng luha)

Aaaaaahhhhhhhh. Siguro nga mas mabuti munang ganun. Wag ka nang umiyak. pati ako naiiyak na din. Pero hindi ito ang goodbye Vinz. Hindi sa ganito matatapos yung friendship natin.

Oo wala to! Sana nga Lin? sana nga mapatunayan mong mahal mo nga talaga ako..... Parang wala ng ulan. Mabuti pa alis na tayo baka mamaya uulan na naman.

Pagkatapos humupa ang ulan ay agad din kami umalis ni Lin, na parang walang nangyari.

Unlabeled, Unloved  (FINISHED)Where stories live. Discover now