Mysterious Guest
Heather's POV
TODAY is the most awaited day. Kuya Robert's wedding day!
Ang dami kong dinaanang problema para lang sa araw na ito. Sana naman maging worth it ang pagdalo ko sa espesyal na araw na ito. Ang dami ko pang kahihiyan bago makadalo sa araw na ito.
Ang sarap nga ipakulam ni sir Benedict eh, buti na lang at tinanggap naman niya ang fake invitation pero halatang nagdududa pa rin siya sa akin. Sana naman hindi ako mapa kick-out sa school sa ginawa kong kalokohan. Cross fingers!
Nandito na kami sa Tagaytay Highlands kagabi pa. Kumuha na lang kami ng accomodation dito for overnight stay nang sa gayon ay hindi na kami mahassle on the wedding day. Mahirap na ma delay, ang aga pa naman ng kasal. Atleast makakapag beauty rest pa kami before the wedding at nang hindi kami magmumukhang haggard. Nakakastress pa naman ang traffic.
Nandito na rin ang iba pang mga bisita kagabi pa.
Kasalukuyan na nga kaming nagbibihis dito sa hotel room na kinuha namin. Sina ate Channel at ang nakakabata niyang kapatid na si Denisse ang kasama ko sa room. Nasa kabilang room naman sila tita Jesse at tito Flynn, their parents.
Hindi na nga tuluyang nakasama ang pamilya ko, kaya naman ako na lang ang pinapunta nila rito. Buti na lang at dala ko rin ang sasakyan ko, ayaw ko namang maabala pa si tito sa paghatid at sundo sa akin sa bahay.
"Couz, magbihis ka na agad at ng ma make-upan mo na rin ako pagkatapos mo." pukaw ni ate Channel sa iniisip ko. Kakatapos lang maligo nito. Ako naman ay nakaharap sa vanity mirror at tinatapos na ang pagmamake-up.
"Ginawa niyo na nga akong driver, tapos ngayon make-up artist naman. Hay, abusado! Mahal talent fee ko." nag-iinarteng saad ko.
Gusto ko lang talaga sila inisin.
Marunong naman talaga akong magmake-up pero hindi iyong bongga. Simple make-up will do. Ganoon daw talaga kapag maganda, kilay, pulbo at liptint lang sapat na. Pero ngayong may okasyon, lagyan din natin ng lumalaban na contour para panga is life.
"Sige na couz, may talent ka naman talaga sa pagguhit eh kaya isipin mo lang, I am one of your canvas." pangungumbinse pa nito sa akin at nag puppy eye pa talaga. Para itong asong humihingi ng pagkain.
"May choice pa ba ako? Kahit naman umayaw ako eh magpapamake-up ka pa rin." sumusukong saad ko sa kaniya.
"Sabagay, may point ka ate Heather." tumatawang sabat ni Dennise sa pag-uusap namin ng ate niya.
"Hoy ikaw, huwag kang tatawa-tawa diyan. Ikaw ang mag-aayos ng buhok ko at mas magaling ka naman na hairstylist kaysa kay Heather." nanliliit ang matang sabi ni ate Channel sa kapatid na tumatawa pa rin.
BINABASA MO ANG
I Almost Love You
Truyện NgắnHeather is a sheltered girl who comes from a well-known family. A girl who is longing for her parent's love and affection. A girl who is afraid to make mistakes and disappointments to anyone around her. A girl who kept herself from entertaining guys...