Friend Request
Heather's POV
"IKAW?!" napataas ang boses at nanlalaki ang mata kong tanong sa kaniya. Hindi ako makapaniwala.
Tama ba talaga ang hinala ko? Niloloko lang yata ako ng paningin ko.
"Anong ako?" naguguluhang tanong nito. Ang lagkit pa rin ng tingin niya kaya lalo akong di makapagsalita ng maayos.
"I-ikaw ba si Rainier na pinsan ni Hillary diba?" nauutal na tanong ko ulit sa kaniya.
Hindi talaga ako makapaniwala. Sabi kasi nila Hillary hindi naman daw ito mayaman, kaya bakit ito nandito? Hindi naman sa minamaliit ko siya, kasi pwede naman talagang mainvite siya sa kasal kahit na hindi siya mayaman.
Pero hindi siya halatang mahirap. Hindi bakas sa mukha at pangangatawan niya ang kahirapan. Bakit may sasakyan ito? At talagang yung latest model pa ng Toyota!
Ang daming tanong sa utak ko.
"Oo. Kilala mo ako?" nanlalaki ang matang tanong nito. Halatang naguguluhan na rin ito sa mga nangyayari.
"Ah kasi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang dumating sila Brixton at Spencer. Buti na lang din talaga na dumating sila kasi di ko na din alam ang sasabihin ko.
"Uy pre, bakit ba ang tagal mo? Magsisimula na raw yung party. Heather, ikaw pala." saad ni Brixton habang papalapit sa amin. Napansin naman agad ako nito.
"Kaya pala natagalan itong kaibigan natin bro, may chicks pa lang kasama." panunukso naman ni Spencer. Ito talaga mas loko-loko sa kanilang dalawa.
Tumatawa ito pero nahihimigan kong may ibang kahulugan ang sinabi nito sa kaibigan, lalo pa't nakita ko itong tumingin rin kay Brixton na may pilyong tingin. Hindi ko nalang ito pinansin.
"Teka nga muna, magkakakilala kayo?" naguguluhang tanong ni Rainier. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming tatlo ng mga kaibigan niya.
Tunog ng aking cellphone ang nagpatigil sa pag-uusap nila. Tumawag si ate Channel at pinapapasok na ako kasi magsisimula na nga daw ang kainan.
"Brixton, Spencer una na ako sa inyo. Kita na lang tayo sa loob. Rainier, nice meeting you." nagpaalam na ako sa kanila.
Nagbeso ako sa aking mga kaibigan maliban kay Rainier. Kinamayan ko lang ito, nakakahiya naman kung magbebeso rin ako sa kanya hindi pa naman kami close. Pero atleast nahawakan ko naman ang kamay niya. Ang tagal niya pang binitawan ang kamay ko. Tsansing!
HABANG nagkakainan ay sinabi ko na kay ate Channel ang aking natuklasan. Hindi ako makakain ng maayos kasi feeling ko talaga may tumitingin sa amin.
BINABASA MO ANG
I Almost Love You
Short StoryHeather is a sheltered girl who comes from a well-known family. A girl who is longing for her parent's love and affection. A girl who is afraid to make mistakes and disappointments to anyone around her. A girl who kept herself from entertaining guys...