Imunulat ko ang mata ko pero ganun parin ang mga paningin ko. Malabo
Narinig ko ang mahinang yapak na papalapit sa akin.
"Mabuti at gising kana " bumilis ang pintig ng puso ko. Ang boses niya
"S-sino ka?" Ayun agad ang tinanong ko. Hindi ako mapapanatag ngayon lalo na Malayo ako sa pamilya ko at ganito ang kalagayan ko.
"Ako si Alberto " malalim at baritonong niyang sabi. Napahinga ako. Hindi siya.
" N-nasan ako?" Aakmang tatayo ako ng wala akong makapang mahawakan ng maramdaman kong nagmadali siyang lumapit sa akin at alalayan ako.
"Sa isla silang ka. Nakita lamang kita sa pang pang nakahandusay kaya nilapitan kita pero agad ka namang nawalan ng Malay kaya agad kitang dinala dito sa bahay namin. " ngumiti ako kahit Hindi ko alam kung saan ba siya.
"Salamat " mahina kong sabi ng makatayo ng maayos
"Hindi ka nakakakita ?" Nangilid ang mga luha ko.
"Hindi ko alam b-basta bigla nalang nanlabo ang mga mata ko a-at Hindi na ako makakita" ang huli Kong tanda ay may humahabol sa aking mga lalaki hang gang sa dinala ako ng paa ko dito at Hindi na ako makakita.
"Hayaan mo dito ka na muna sa bahay ko manatili habang Hindi kapa nakakita. Malayo ang bayan dito kaya mahihirapan ka. Kung gusto mo ay ipapatingin kita sa malapit na klinika diyan " tumango lamang ako.
Dumampi sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Malamang ay gabi na ngayon. Tanging hampas ng alon lamang ang naririnig ko. Kahit Hindi ako nakakita ay nararamdaman ko naman kung gaano ito kaganda.
Naramdaman ko ang prensensya niya sa aking likod.
"Kain na tayo " inalalayan niya ako sa loob papasok hang gang sa makaupo ako ng maayos.
Habang nasa hapag kainan kami ay ako na ang sumira sa nakakabinging katahimikan pagitan sa amin.
" nasan na ang asawa mo?" Tanong ko sa kanya. Baka magalit sa akin ang asawa niya dahil nakikitira ako sa kanya.
"Wala akong asawa at mag isa lang ako nakatira dito " agad pumintig ang puso ko sa narinig ko. Shit! Bat mo pa tinatanong alexandra
Napa ahh lang ako at Hindi na muling nagsalita.