Kabanata II

2 1 3
                                    

Kabanata II bed

"Dito na lamang ako sa labas " narinig kong sabi niya. Ngayon ay nasa loob kami ng kwarto niya, nakaupo ako sa isang matigas na kama.

Napatikhim lamang ako dahil Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya o Hindi.

"Ahmm dito kana lang " halos pabulong kong sabi. Napabuntong hininga ako ng mahina dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Hindi ayos lang ako " Hindi ko na uli dinugtungan iyon dahil ayaw ko pang humaba ang usapan.

Gaya ng sabi niya ay sa labas nga talaga siya natulog pero eto ako ngayon namomoblema. Naawa ako sa Kanya bahay niya ito pero sa labas siya natutulog dapat ay ako ang nandun dahil bisita lamang ako.

Hindi ko na kinaya ang konsensya ko kaya tumayo ako para labasin siya. Kapa ang ginawa ko bago ko marating ang pintuan dumampi sa mukha ko ang malamig ng simoy ng hangin kahit Hindi ko nakikita ay alam kong nilalamig na siya dito.

"A-alberto " kumapit ako kaso ay Mali ata ang nahawakan ko at muntikan pa itong mahulog buti na lamang ay may humawak sa kamay ko at Sinalo ito.

"Bakit gising kapa?" Tumaas ata lahat ng balahibo ko ng magsalita siya malapit sa aking leeg.

"Tabi nalang tayo" napamura ako ng mahina dahil sa sinabi ko ano ba Alexandra !? Anong tabing matulog? Shit!

"I-i mean sa tabi ko nalang ikaw matulog k-kase malamig dito atyaka malaki naman ang higaan mo maraming e-espasyo " Hindi ko maiwasang mapautal dahil sa sobrang kaba.

"Okey " bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. Pumayag siya

Pumasok na kami sa kwarto. Inalalayan niya ako hanggang sa makahiga ako.

" salamat " bulong Kong sabi. Naramdaman kong humiga na siya sa tabi ko.

Ngayon ay mapapanatag na ako. Unting unting nilamon ako ng antok hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan main gay na tilaok ang narinig ko. Humarap ako sa likod ko at Kumapa kapa. Wala siya.

Agad akong tumayo para hanapin siya. Pagkalabas ko ng kwarto ay narinig ko ang ingay na parang nagluluto.

"G-good morning " mahina kong bati pero tama lang para madinig niya.

"Magandang umaga din" di ko man nakikita alam kong nakangiti siya.

Kumapa ako hang gang sa makapunta ako sa upuan.

" nagluluto ako ng almusal natin" Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Saan dito ang malapit na terminal?" Pagpuputol ko sa katahimikan.

" aalis kana?" Bumilis ang pintig ng puso ko sa seryoso at baritonong niyang boses.

Forevermore (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon