Chapter 8 Nalilito??

12.7K 204 7
                                    

Chapter 8 Nalilito??


***DANNICA POV***

HINDI ko mapigilan ang sarili na malungkot. Kahit anong gawin ko, kahit saan ako tumingin. Mukha ni Boss ang nakikita ko. Hindi ko siya gusto. Peksman!


Kaso nga lang.... nalilito lang ako sa ugali niya. Ilang araw na siyang absent. Kung nandiyan nga siya, sa tuwing papalapit ako, umiiwas siya. Utos dito, utos doon, sa iba pa niya idinadaan. Non-stop. Hindi niya ako pinapansin. Hindi talaga! At iyan ang bagay na ipinagtataka ko sa lahat. Walang sigawan! +__+


Tsk! +__+


At isa pa, binabagabag parin ako ng mga sinabi at tinanong niya nang nakaraang araw. Iyong time na sobrang lasing siya. Lalo na ng tinanong niya ako kung bakit daw siya niloko ng taong mahal niya? Na nagmahal lang daw siya. Bakit daw? As in bakit... Bakit... bakit...


AHHHHHHH! Kainis! Lintik na alaala! Lagi akong binabangungot ng mga salita niya. Isama niyo na ang hotdog incident.


>__<


Ginulo ko ang mahaba kong buhok. Naguguluhan ako. Bakit? Bakit ang taong yun ang pumapasok sa precious mind ko? Why?


"Dannica, if you want to go to the mental hospital, just say so. Buong puso kitang ihahatid doon." =__=


Naiangat ko nang wala sa oras ang paningin ko. Sinalubong ng mga mata ko ang mukha ng mga makukulit kong kaibigan. Mataman silang nakatitig sa mukha ko.


Pinakiramdaman ko ang sarili, observe ko lang... nasa buhok ko pa ang dalawa kong kamay. Pagtingin ko sa kalapit na salamin, gulong-gulo ang buhok ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Hindi na ako magtataka kung pagkamalan man nila akong baliw.


Pasimple kong inayos ang buhok ko at pinanlisikan silang lahat. Pampabawi sa kamiserablehan ko kanina. Their reaction? Natahimik naman sila.


Wala ako sa mood para mag-explain. Itinuon ko na lang ang mga mata ko sa labas. Maraming sasakyan ang dumadaan. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagbibilang.


Aish! =__=


Nandito ako ngayon sa VIZE Restaurant. I'm with my friends. Si Zyle ang may pakana ng pagtitipong ito. Nang nakaraang araw kasi, matapos naming puntahan ang baldadong si Jhoey, niyaya niya kaming kumain sa lugar na ito. It's her treat daw. Nagtaka nga kami sa ginawa niya, sa pagkakaalam ko kasi, mahal ang mga pagkain sa lugar na ito. Alam ko ang bagay na yun. May pera din naman kasi ako. E ang isa naming kaibigan ay kulang sa pera.


Nakalimutan ko kung ano ang work ni Zyle, papalit-palit kasi ng trabaho. Minsan ganito, minsan ganyan. Napagod ang brain ko sa kakaisip kaya hindi ko na lang tinandaan.


Ang tanging alam ko lang ay libre niyang lahat ng ito. Siya na raw ang may alam kung anong klaseng diskarte ang gagawin niya. Watch and learn na lang daw.

BLS#3: My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon