His Own Sentiments

2.2K 63 38
                                    

Nakatayo ko sa rooftop ng school.. Pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad sa buong campus..

Napakapeaceful ng buhay.. Napatingin  ako sa paligid ko.. Solo ko lang pala dto. Haha!
Sanay naman na ko. Wala ni isa mang nagtatangkang umakyat dto kase takot sila.. Kahit sobrang tirik yung araw o umagang umaga palang..

Nung nakaraang taon kase may isang estudyante ang nagpakamatay dto at bali balitang nagpapakita sya rito..

Well, hindi sa nagtatapang tapangan ako a. Pero kase never ko pa syang nadama.. Ay hindi. Gusto ko pala syang maramdaman..

Namimiss ko na kase sya ee..

Oo tama kayo ng basa, namimiss ko na sya..

Si Lance.. Ang great Buddy ko. Kasama ko sa lagi yon.. Good times or bad times man ito. Sya lang kase ang nakakaintindi sakin..

Nagtatampo kase ako sa knya ee. Kase iniwan nya kong magisa dto sa school na to. Mas pinili nyang lisanin ang mundong ito kesa labanan yung depression na nararamdaman nya..

Family Problem, Studies nya at sumabay pa ang lovelife nya..

Kaya di nya kinaya..

Nalulungkot nanaman ako..

"Oy Nerdy!"

Nabalik ako sa ulirat ko ng marinig ko yung boses yon..

kahit di ako lumingon kilalang kilala ko kung sino yon.. Si Lui Mel De Vera..
Prinsipe kung ituring ng mga kababaihan dto sa campus na ito.. Matangkad, Maputi basta artistahin yung dating.. At isa pa, Team Captain pa ng basketball team ng campus na ito..

Kahit ayaw ko, nilingon ko sya..

Nakangisi sya habang nakatingin sakin..

"Don't tell me, hinihintay mong magparamdam dito yung Bestfriend mong loser. O baka nagpaplano ka ding sumunod sa knya?" Sabi nito.

Okay na sana sya ee kaso, Yung ugali nya kabaligtaran ng itsura nya..

Sobrang bully at napakahangin.. Wala syang pakialam kung makakatapak sya ng pagkatao ng ibang tao basta para sa knya biruan lang ang lahat kahit minsan sobrang below the belt na. Kagaya ngayon..

Di ako sumagot at tinitigan ko lang sya ng masama..

"Aba,Grabeng tingin yan aa. Bakit lalaban ka na ba sakin nerdy?" Tinaasan nya ko ng kilay..

Gusto ko syang sagutin pero di ko ginawa.. Matino kase ako ee. Di ako papatol sa knya..

Kesa makipagpalitan ng salita mas pInili kong umalis nalang pero di pa ko nakakalagpas bigla syang tumawa ng malakas..

"Duwag.. Yaan mo nerdy di naman kita papatulan ee. Di ako pumapatol sa mga weak na kaya mo." Sabi nito..

Bigla syang umakbay sakin..

"Kung gusto mo, pwede pa nga tayong maging magkaibigan ee.." sabi nito..

"Di ako interesado." sabi ko.

"Talaga ba? Pag dumikit ka sakin baka maging sikat ka din dto sa campus.. Haha yun nga lang hindi prinsipe ang magiging bansag sayo.. Kundi The Prince's Slave Hahahahahahaha! Asa ka naman.." Sabi nito na tumatawa pa din..

Inalis ko yung kamay nya at hinarap sya..

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, bat hindi ikaw yung magbigti?" sambit ko..

"At sino naman nagsabi sayo na wala akong magawa? Kaya nga ko nandto at kinakausap ka ee kase yun yung gusto kong gawin.. Yung masilayan yung pagwowalkout mo na nakasimangot." Sabi nito na patuloypa din sa pagtawa.

Crazy Little Thing Called PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon