Chapter 5

212 11 4
                                    

'Gela kumain kna? Tara kain tayo.

Message ko sa knya.. Super close na kase kami ngayon ni gela. Hindi na nga kami minsan mapaghiwalay ee.

Nandto ako ngayon sa rooftop at parang timang na nakangiti.

"Hoy Nerdy!"

Nagulat naman ako ng biglang bumungad si Luimel.

"Bat ba nanggugulat ka?" Tanong ko.

"May gusto ka ba kay angela?" Dire diretsong tanong nya.

"Bakit mo tinatanong? Interesado ka ba sa lovelife ko?" Angil ko sa knya.

"Aba sumasagot kna ngayon aa. Bakit lalaban ka na ba sakin?" Gigil na tanong nya.

Inalis ko yung salamin ko at hinarap sya..

"Hmm tingin mo?" Matapang na sabi ko.

Lumapit sya sakin at tinitigan ako ng masama.

"Good thing lalaban ka na nerdy. Mukhang mageenjoy ako sayo. Pero hindi kita papatulan ngayon. Magingat ka kase sa susunod na magkita tayo manghihiram kana ng mukha sa aso. Si angela,ay titulo na sya.. She's my girl. Tandaan mo yan." Sabi nito saka umalis..

Pagka alis nya halos mangatog yung tuhod ko.

Hahahaha! Di kase ako nakikipagaway.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Jusko aatakihin yata ako. Pano kung bigla akong sinapak non? Baka madeform yung mukha ko.

Natawa ako. Nakahinga ako ng maluwag ee. San ko hinugot yon?

malamang kay angela. Sa ilan buwan na nakakakulitan at nakakasama ko sya lumalalim na yata yung nararamdaman ko for her.

Kaya pati sarili ko gusto ko na ding baguhin.

'Papunta na kong canteen Devs.

Reply ni angela.

Napangiti naman ako at bumaba na.

Magpapakagentleman ako sa knya today. Anu kayang pagkain sa canteen. I plan to treat her kase.

Nagmadali na ko para lang makapunta sa canteen.

Pagdating ko dun. Nagulat naman ako.

"Hi Devs! Tara kain na tayo." Masiglang bungad ni angela.

Nawindang ako sa pagkaing nasa harap nya.

Oo pagkain nga.

Ang daming food.

"Hala bat ang dami mong food?" Tanong ko.

"Ahhh nagluto kase ako ee. Naalala kita kaya dinamihan ko na yung baon ko." sabi nito.

Palihim naman akong natuwa..

Sheeeeeet naalala nya ko. Whaaaaa!

"Ganun ba. Nakakatuwa naman na naaalala mo ko. Salamat." Sabi ko saka sinimulang tikman yung luto nya.

Masarap talagang magluto si angela. Sya nga minsan yung nagluluto dun sa store nila ee.

"Devs, Punta kayo sa bahay this weekend aa." biglang sabi nito.

"Bakit? Anung meron?" Tanong ko.

"Birthday ko. Ang tahimik kase sa bahay netong mga nakaraang buwan ee. Lagi nalang wala parents ko. So I just wanna Throw a simple party kahit tayo tayo lang nila abby." Sabi nito.

Naging close na din kase ni angela yung tatlo.

Nakakatuwa nga ee. Alam mo yung kasabihang : Kapag may nawala, may darating.

Tingin ko ganun samin.

"Sige hihilain ko mula sa higaan yung tatlo makapunta lang sa bahay nyo." nakangiting wika ko.

Ngumiti sya ng malapad..

"Talaga? Thank you. The best ka talaga Devs. Kaya minsan sayo ako ee.",tuwang sabi neto.

Sana nga sakin ka talaga mas maganda yon.

Nagpatuloy na kami sa pagkain..
Pero habang kumakaen kame iniisip ko kung anong ibibigay kong regalo kay angela.

After naming kumain dumiretso ako sa mga kaibigan ko na busy sa..

PAGGIGITARA????

"Anung eksena ng gitarang yan?" Bungad ko sa knila.

"Pinapakita lang namin sayo." Sabi ni abby.

"Ha?bakit naman?" Tanong ko.

"Wag kami. Sasabihin mo palang alam na namin. Birthday ni angela db? and she's inviting us kaya naman magtatanong ka kung anung ireregalo mo." wika ni rica.

Nagulat naman daw ako. Minsan nakakatakot din tong mga kaibigan ko ee. Hahaha! Out of nowhere din..

"Pano nyo nalaman?" usisa ko.

"They know better pare." Sabi ni aldrin na feel na feel ang paggigitara.

Napailing nalang ako.

"So anu ngang eksena ng gitara?" Sabi ko.

"Kantahan mo sya Devs. Naku maiinlab yon. Mala- Ed sheeran pa naman boses mo." Sabi ni rica.

Nanlaki mata ko sa knya..

Mala- Ed Sheeran nung paos sya.

"Tange guys, Di naman ako kumakanta ee." Sabi ko.

"Wag kami. We've been together for years and we all know na maganda boses mo. Hindi mo lang napapansin sinasabayan ml yung kanta habang nakaheadset ka. Ang lakas kaya ng boses mo. Kaya alam naming marunong kang kumanta. Nasa tono ee." Usal ni abby.

"Oo nga Devs. Show your talent to the world." Si Aldrin.

Napaisip ako. kaya ko kaya? Nahihiya ako ee.

"Hmmm. Sige na nga pero tulungan nyo kong magisip ng kakantahin aa. Tsaka yung chords." sabi ko.

Wala namang masama diba? Magpeperform nalang ako sa birthday nya.

Napangiti ako.

Im Excited!

"Oo nga pala, Kay Lance yang guitar. Ingatan mo ha baka multuhin ka non." Sabi ni Rica.

Bigla ko nga syang naalala.

"Oo nga pala. Bibisita tayo sa bahay nila db? Nagtx sakin ate nya. Ayaw kase nilang galawin kwarto ni lance kaya nakisuyo sya satin na tayo nalang daw magligpit." Sabi ni abby.

"Kakaiba talaga sila. Sige planuhin natin yan sa mga susunod na araw.." Sabi ko.

Napatingin ako sa gitara.. Namimiss ko pa din yung may ari nito.

Masaya sana sya sakin ngayon. sabi nya kase sana daw dumating yung time na mainlab na ko..

Dumating na nga, kaso wala naman na sya..

A/N: hahaha! Gosh nagdeactivate pa ko ng fb para lang dto ha. 😂 Ganun kayo kaimportante.

FYI i wanna clear it to you guys. Hindi pala teen fiction to. Mystery/thriller pala ang genre neto. Suspense/Drama pala.

Sana hanggang dulo mahintay nyo ko 😂
Nagttrabaho kase ako ng marangal ee.

Thank you po ❤

Please leave your sentiments about this story. :)

- Memaria021 ❤

Crazy Little Thing Called PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon