Pagkakaibigan

86 4 1
                                    

Ano nga ba ang laban ng ating pagkakaibigan
Sainyong dalawang nagmamahalan
Itong dadamin na ito ay pilit nilabanan
Humanap ng iba at pilit kang iniwasan

Iba ang kausap pero ikaw ang iniisip
Pati sa pagtulog ikaw ang panaginip
Tinatanaw lagi at sinisilip
Tanga nga ata ako at ikaw pa rin ang trip

Ang ayaw ko sa lahat ay ang pagkukumpara
Pero ano nga ba ang laban ko sa isang diyosa
Pero di ko maiwasan lalo na't ikaw ay sakanya na
At masakit dun hindi ka naman naging akin noong una

Sabi ko noon ayoko sa mga martyr at paasa
Pero tingnan mo ngayon yung puso kong puro pasa
Bugbog na sa mga kwento mo kung pano ka niya napapasaya
Sa pagtingin sa mga mata mo na kumikislap na parang tala

At gaya ng sabi ko tumingin din ako ng iba
Yung iba na alam kong mas pa kung anong meron ka
Yung tipong langit siya at lupa ka
Pero ako subsob parin sayo imbes na lumilipad kasama niya

Pag-ibig nga naman kung tumama sa tao
Minsan di mo alam kung pinaglalaruan tayo
Pero sigurado naman na may aral ito sa dulo
Kailangan lang natin mahasa ng husto

Yung tipong ubos ka na pero sasagarin ka pa
Kasi kapag nakita natin yung ibibigay Niya
Handa tayong lumaban kahit siya sumusuko na
Kasi yung puso natin kahit wasak na
Siya pa din ang bumbuo nito at satin ay magpapasaya.



It's my own words -- AintSexyGirl

Relate ka? Vote!
Any opinion? Comment!
Like it? Share! 

:-*



Bakit?Where stories live. Discover now