Minsan tinanong ko ang sarili ko kung bakit pa din ako magisa
Mabait naman ako at madaling makipagsalamuha sa iba
Hindi naman ako panget na ikakakaba kapag iyong nakita
At wala naman akong sakit na nakakahawaDahil ba lahat ay itinuring kong kaibigan?
Pagkakaibigan at hindi na hinigitan
Pero bakit ko gagawin iyon para lang maranasan
Ang pag-ibig na sa alam kong hanggang duon lamangDahil ba sa pinakawalan ko dati?
Sa tingin ko nama'y hindi ako nagkamali
Dahil ang maabot ang pangarap ko ang aking mithi
Dahil sa isip ko andiyan lang naman siya sa tabiO baka naman dahil ako'y konserbatibo?
Yung tipong tingin mo pa lang pwede ka nang maging abo
Meron kasing gwapo pero hindi ko naman tipo
Ewan ko nga hindi naman ako tiboO marahil ako ay mapili
Yung tipong nasa isip ko na yung mga bagay na sakanya ay katangi tangi
Yung nababasa sa libro at napapanuod sa sa tv
Yung tipong ako'y nabubuhay sa panaginipMadalas kong isipin ang pagiging magisa
Hindi kaya'y siya'y nasa ibang bansa
Ayan pati sarili ko aking pinapaasa
Basta aabangan ko nalang siya
My own words -- AintSexyGirl
Huwag kopya kopya
Mamaya makarma ka
Yung jowa mo napunta sa iba
Ay! Wala ka nga palang jowaLol. Don't copy please. Hehe
