Labis kitang minahal
Ikaw yung hiningi ko sa Maykapal
Ang matagal kong pinagdasal
Lahat ay ibibigay sayo mahal
Handa akong sumugal
Minahal mo ko
Gaya ng hiniling ko
Sinusuyo kapag nagtatampo
Dahil sabi mo mahal mo
At hindi yun magbabago
Ang init ng iyong yakap
Parang langit kapag nalalasap
Parang pagkain na masarap
At iyong mga mata'y may kislap
Na lagi kong hinahanap hanap
Mahal, walang magbabago
Kahit nabali ang iyong pangako
Kahit magisa nalang ako
Kahit mahirap ang paglisan mo
Sa piling ko para sa ibang tao
Dahil mahal hindi ganon kababaw
Sapat na sakin ang ika'y matanaw
Sana ang titig ko'y maramdaman ng puso mo't malusaw
At maibalik ang dating uhaw
Kung san ako lang at ikaw
