Bae Jinyoung
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko kay Mina habang naka-hawak ako sa kamay niya.
"Sa lugar na mabubusog ako. Gutom na ko eh." Sabi niya sa'kin sabay tawa ng mahina. Natawa din naman ako at dinala siya sa isang murang kainan. Ayaw niya kasi sa mga restaurant, nakakasakal daw. Feeling niya daw kasi kailangan dahan-dahan siyang kumain sa mga gano'ng lugar.
Dalawang taon na ang lumipas simula nung niligawan ko siya. Isang taon naman na ang lumipas simula nung sinagot niya ako at ngayon ang 1st Anniversary namin kaya naisipan naming lumabas.
Um-order na ako sa counter, pagka-order ko ay kinuha ko na yung number at pumunta na sa table namin.
Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay yung pagkain namin. Maya-maya ay dumating na din yung in-order namin, pagkalapag na pagkalapag nung pagkain, agad kumilos yung kamay niya. Kinuha niya agad yung kutsara at tinidor, nag sign of the cross at agad na nilantakan yung manok.
"Hindi ka naman kaya mabulunan niyan?" Sabi ko na medyo natatawa-tawa pa. "Kaya ka tumataba eh."
Tinignan niya naman ako ng masama. "Gusto mo sakalin kita nang ikaw ang mabulunan diyan? Ha?" Pananakot niya sa'kin. "Kumain ka na nga lang diyan. Kaya ka payatot hanggang ngayon eh." Inirapan namam niya ako at bumalik na sa pag-kain.
Natawa naman ako ng mahina at napa-iling. Ang cute niya talaga maasar.
____
"Teka, teka." Sabi niya sa'kin. Napatigil naman ako kasi tumigil din siya.
"Bakit?" Tanong ko naman sakanya. "May masakit ba sa'yo?" Nagaalala kong tanong sakanya.
"Walaaaaa." Sabi niya sabay upo sa upuan sa tabi ng pinaghintuan namin. "Upo lang muna tayo saglit. Nakakatamad kaya maglakad-lakad kapag kakakain mo lang tas busog pa ako."
"Anong busog? Hindi ka busog." Sabi ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin. "Busog na busog ka kamo. Ang dami-dami ko kayang kinain." Inirapan naman niya ako at mahinang sinapak yung tiyan ko. "Aray ko naman. 'Wag sa tiyan, kakakain lang natin eh. Busog ako." Daing ko.
"Ay, talaga ba? Hindi halatang busog ka, mukha ka pa ding stick." Sabi niya na may halong taray sabay irap ulit.
Natawa naman ako. Ayaw niya talagang nagpapatalo. Niyakap ko siya. "Ang cute mo talaga~"
Niyakap niya naman ako pabalik. "Alam ko." Sabi niya at mahinang tumawa.
Tumingin naman ako sa harap ko, nakakita ako ng malaking salamin, napangiti ako at kinuha yung phone ko sa bulsa habang nakayakap pa din ako sakanya at pinicturan ko sarili namin sa salamin.
"Anong ginawa mo?" Tanong niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya at tinuro yung salamin sa likod niya. "Pinicturan mo tayo habang nakayakap tayo sa isa't isa?" Tanong niya ulit at humarap na sa'kin. Tumango-tango naman ako. Ngumiti naman siya.
"Saan mo na gustong pumunta?" Tanong ko sakanya.
"Sa dagat." Nakangiti niyang sabi. Gustong-gusto talaga niyang pumunta dun kapag malapit ng bumaba yung araw.
Tumayo naman ako at nilahad ko yung kamay ko sakanya. Nakangiti naman niyang kinuha kamay ko at magkahawak-kamay kaming pumunta sa dagat o sa tambayan namin.
_____
"그리워 그리워
거울 속에 혼자 서있는 모습이"Geuriwo geuriwo
geoul soge honja seoitneun moseubi"I miss you, I miss you
Seeing myself standing alone in the mirror."_____
BINABASA MO ANG
Beautiful | 배진영 [✔]
Historia Corta___ "You will always be in my heart. I love you, My Beautiful, Kang Mina." _____ [COMPLETED] [UNEDITED]