Chapter 61: Ace's Plan

5.1K 134 31
                                    

This Chapter is dedicated to all of my readers who keep on waiting for my new update.

I'm sorry guys....
~~~

Kristine's Pov

Nakaramdam ako ng kumakalabit sa akin kaya minulat ko yung mata ko. At nakita ko si Stacey na malungkot na nakatingin sakin. Anong nangyari dito?

"Beb bakit? Anyare sayo?" nagtataka kong tanong at napatingin naman ako kay Melissa na nagkukusot ng mata habang nakatingin sa direksyon namin.

"Nagugutom ako beb, nahihiya naman ako kay Melissa kung iistorbohin ko siya." Bulong nito sakin, napatingin ulit ako kay Melissa na nakabangon na at nagkukusot pa din ng mata.

"Ikaw naman beb pfft! Ok lang yan, ano ka ba! Kaibigan ka din naman niya ba't ka pa mahihiya?" sabi ko ng natatawa dahil mukhang gutom na gutom na nga talaga siya.

"Ano ka ba Stacey parang di kita kaibigan ah! O'siya tara don sa baba ng makakain na tayo, gutom na din ako" Bumangon na kaming tatlo pero napatingin ako sa gawi nila Aldrin. Teka parang may kulang sa kanila ah?

Tama! Si Ralph! Asan naman yung' lalaking yon?

"Melissa, asan si Ralph?" tanong ko sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad. Humarap siya sa'min at tinignan niya ang kama kung saan natutulog si Ralph kanina.

"Ewan ko nga e, kaninang alas dose pa wala si Ralph pati si Athena"

"Ano?! Pati si Athena?!" bigla akong napasigaw kaya napabangon ng mabilis yung apat na nakahiga.

"Anong nangyayari?!" sabi ni Nixon na tila nagmukhang mata ng kwago ang mga mata dahil sa gulat.

"Ano meron? Ba't gising pa kayo?" sabi naman ni Aldrin na kaninang nakaupo, biglang humiga. Walang pakielam ang isang 'to hindi man lang nagulat.

"Asan si Athena?......and Ralph?" Sabi naman ni Icy na napaupo lang dahil sa sigaw ko. Malumanay lang siya na parang di nagulat. Tsaka paano niyang nalaman na wala sila Athena? Eh bagong gising lang siya?

Seriously Icy?

"Teka? Saan ba kayo pupunta? Ba't gising pa kayo? Sagot!" si Ethan naman na naguguluhan na sa'min.

Bigla kaming nagtinginang tatlo at sabay humagalpak sa tawa.

"HAHAHAHAH!"

Paanong di kami matatawa? eh kung yung mga mukha nila ay halo-halo ang expresyon?

May nagugulat, may malumanay na nag-aalala, may nagtanong na parang walang pakielam,at may OA na naguguluhan.

"Anong tinatawa-tawa niyo?" sabay-sabay nilang tanong sa'min.

"Kailangan duet kayong apat? Hahaha!" Natigil lang kami sa pagtawa ng makita naming seryoso sila. Lagooot!

"
"Hindi naman kayo mabiro!" si Melissa na nagpipigil ng tawa.

"Guys pasensya na kung nagising kayo sa sigaw ko. Ano kasi, nagulat kasi ako wala kasi si Athena at si Ralph sa higaan nila" sabi ko ng nakayuko pero nagpipigil pa din ng tawa.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon