Chapter 3: Team Work

10 0 0
                                    

Kristine's POV

Nakakapagtaka na nakalipas lamang ang isang linggo pero close na agad kaming lahat. Ang akala ko kasi isang buwan pa bago kami magkaayos ayos. May soft side din pala tong mga babies na to.

Nagtaka din ang mga kaklase namin dahil sa biglaang pagkakaayos ayos namin. Siguro ay nasaksihan nila ang eksena sa cafeteria kaya ganoon na lamang ang gulat nila. What more kung malaman nilang nasa iisang bahay kami?

Pero sa ngayon ay di pa din ako masyadong nagtitiwala sa kanila. Dahil sila Charlotte at Jen pa lang ang nakakasama ko ng matagal.

Nandito kami ngayon sa classroom kung saan kasalukuyang vacant time dahil absent ang prof namin sa gen math.

"So ano tuloy ba tayo sa Kpop Euphoria?" tanong ko sa kanila. Naka pabilog kami sa upuan ngayon.

Napagdesisyunan kasi namin na sumali nga sa cover group sa mga kpop events. Twice ang napili namin icover dahil yun ang in na in ngayon. Ang Kpop Euphoria naman ang event na napili namin na pagsayawan.

Marami kaming makakalaban dun na iba't ibang cover group din. May mga battle of cosplay at singing din. Pero ang pinaka inaabangan talaga ay ang battle of cover groups.

"Oo naman. G tayo don." sabi ni Charlotte.

"Si Kristine at Lyka ang magiging leader natin. Sila ang maghahandle sa costumes, at sa iba pa. Samantalang si Jen, Charlotte at ako naman ang maa-assign sa choreo." sabi ni Ainnah.

Napili naming sayaw ay Like Ohh Ahh at remix na TT. Dahil ang costume namin ay yung costume ng twice sa TT.

After naman namin magdiscuss ng costume at sounds ay namili naman kami ng mga icocover namin.

Nayeon-Ako, Jeongyeon-Ainnah, Momo-Charlotte, Sana-Lyka, Jihyo-Jen, Mina-Erika, Dahyun-Camille, Chaeyoung-Carmela at Janisse-Tzuyu.

Saktong matapos ang meeting namin ay biglang dumating ang P.E teacher namin.

"Good afternoon class, I guess we didn't meet last week. Sorry for that may inasikaso lang ako. By the way, I'm Charlie Lincoln. I will be your teacher in Physical Education. We'll be having our first physical activity. Now go to your locker and change your uniforms into pants and shirt. Please meet me at the gym." wika ni Sir at lumabas na. Matipuno si Sir Charlie, physically fit kumbaga. Siguro nasa mid 30s na ito.

Sabay sabay kaming nagpalit at dumiretso sa Gym. Pagdating namin doon ay nakahanda na ang Archery, may mga targets ito sa harapan. Meron ding mga parang Water Guns sila, may salamin na pang night vision at may mga neon vest din.

"We will be having Archery. But first what is Archery? Archery is the sport or skill of shooting with a bow and arrow. Para lamang itong Guns, pero arrow naman ang bala niya." paliwanag ni Sir.

"Okay guys, we will have Archery first. We need to enhance your skills in targeting. You can use this as a self defense also." paliwanag ni Sir.

"So who's familiar in Archery? Yung mga may experience dito sa Archery." sabi ni Sir. Tumaas naman ng kamay sina Ainnah, Erika at Camille.

"Okay girls, punta kayo dito sa harap. Then show us what you got." sabi ni Sir.

Nauna naman kumuha si Ainnah ng bow at arrow. Pinosisyon niya ang kamay niya at tinutok sa target. Hinila niya ang string kasama ang arrow at pag bitaw niya ay mabilis na tumama ang arrow sa gitna ng target. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.

"Wow!"

"Damn! Silent but deadly!"

"Shoot!"

Unfortune Life With The Unordinary GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon