Prologue

11 0 0
                                    

Ainnah's POV

"Mama, paglaki ko po gusto kong maging pulis. Gusto ko pong bigyan ng hustisya yung mga taong namamatay at namamatayan." sabi ko kay mama.

"E bat hindi ka mag lawyer anak? Tutal sila nagbibigay ng hustisya." sabi naman ni tatay.

"Ah eh, ganun po ba yun? Pero mas gusto ko po maging pulis dahil sila po humuhuli sa masasamang tao." angal ko.

"anak, babae ka, delikado sayo ang maging pulis. Pag naging pulis ka nasa kabilang hukay na ang paa mo. Grade 9 ka palang anak, marami ka pang malalaman na propesyon." paliwanag ni mama.

Napatango nalang ako at nagsimula na kaming kumain. Masaya ako dahil wala na kong mahahangad pa. Kumpleto ang pamilya namin. Andyan si mama, si papa, si lolo at si lola para sumuporta sa akin.

"Anak, pagtapos pala namin kumain e aalis kami ng mama mo, pupuntahan kasi namin yung business sa Laguna. Baka bukas pa kami makauwi." sabi ni papa.

"Ganun po ba? Sige po papa, hintayin ko po kayo. Tutal linggo naman po bukas. Magbabasa nalang po ako ng mga libro ko." sabi ko. Natapos na kaming kumain at si mama ang naghugas ng plato. Sila lolo at lola ay maaga laging natutulog kung kaya't nauuna silang kumain sa amin.

10pm ng magpaalam sila papa at mama na aalis na sila.

"Oh anak aalis na kami. Magiingat ka dito ilock mo lagi ang pinto ha. Magtetext at tatawag kami sayo. Bantayan mo ang lolo at lola mo wag magpasaway." bilin ni mama.

"Oo naman po mama basta dapat may pasalubong po ako bukas ha." natawa naman si papa sa akin. Niyakap ko sila at kiniss sa pisngi.

"Osige na anak, paguwi namin bukas mamamasyal tayong lahat kasama si lolo at lola mo. Matulog ng maaga ha. Wag magbabad sa tv at cellphone." sabi ni papa. Hinatid ko sila sa gate at pinagmasdan makasakay sa sasakyan.

"Ma, pa! Ingat po sa byahe! Mahal na mahal ko po kayo!" sigaw ko at ngumiti.

"Oo naman anak. Tatawag kami ha. Mahal na mahal ka namin!" sigaw din ni mama. At ganun din si papa. Nang makaalis sila ay nilock ko na agad ang mga pinto at nanood muna ng tv.

Bandang alas onse ay inantok na ako kaya pumunta na ako sa aking kwarto at doon natulog.

Nagising ako ng bandang alas dos ng madaling araw ng may tumawag sa cellphone ko na unknown number sino kaya ito? Sinagot ko agad ito baka importante.

"Hello? Sino po ito?" ani ko.

"Ikaw ba ang anak ni Anderson Lim at Althea Lim?" kinabahan agad ako sa sinabi ng lalaki.

"Opo ako nga po, bakit po?" tanong ko.

"Naka engkwentro sila ng mga kasamahan kong pulis. Nakitaan sila ng kilo kilong box ng marijuana at shabu. Nanlaban ang mga suspek kaya napilitan silang barilin ang mga ito. Namatay ang mga ito. Pasensya na. May kamag anak ka ba na pwedeng pumunta sa pres--" nabitawan ko agad ang cellphone ko at lumuha.

Hindi! Hindi pwedeng magkaroon ng mga ganong bagay sila papa! Simpleng pamilya lang kami! Coffee shop at restaurant lang ang mga business nila! Napaiyak nalang ako ng malakas dahilan upang mapapunta ang lolo at lola ko sa kwarto ko.

Kinuwento ko ang nangyari at nagpunta kami sa presinto. Nagpaliwanag. Pero ano bang magagawa ng pagpapaliwanag namin kung hindi na ito maibabalik ang buhay ng mga magulang ko?

Nabuhay ang galit ko sa mga pulis. Maaaring na frame up lang sila mama at papa! Ipinangako ko sa sarili kong hinding hindi na ako magiging pulis! Gaganti ako sa pumatay sa mga magulang ko.

Pinakilala samin ang nakabaril sa mama at papa ko.

"Pasensya na sa kawalan mo iha, ako nga pala si Chief Sergio Velasco. May inspection kaming ginanap sa bandang Bacoor, nakita namin sa likod ng kotse ng papa mo ang mga box ng droga. Nanlaban ang papa mo, at naglabas din ng baril ang mama mo. Kaya napilitan akong barilin sila." pagpapaliwanag niya. Umiiyak pa din ako.

"Bakit? Sa tingin mo pag napatay mo sila makukuha mo na ang hustisya? Sigurado akong mageexplain sila. Baka na frame up sila! Bakit sila nanlaban agad, ibig sabihin may ginawa na agad kayo sa kanila!" tinignan ko sila ng masama.

"Alam mo iha, umuwi na kayo at magpahinga. Ginawa ko lamang ang trabaho ko. Pasensya na." tumalikod siya.

Sinusumpa ko gaganti ako sa inyo. Gaganti ako sa mga ginawa niyo.

"Huy! Ainnah! Are you even listeng to what are we saying? Tsk!" wika ni Lyka. Ang pinaka maldita sa amin, ang pinaka brat. Siya si Therese Angelica Valencia.

"Sorry, naalala ko na naman kasi parents ko." sabi ko. Mula nang mawala sila mama at papa ay nakausap ni lola at lolo ang lawyer nila papa. Napag alaman namin na may itinabi pala itong halos tatlong million para sa amin. Napakalaking halaga kaya nakakapag taka. Pero dahil malago naman ang mga negosyo nila papa baka dun nila ito nakuha.

Dahil nga nasa halos 6 na branch na ang coffee shop at restaurant nila, ang mga kapatid ni mama ang nagmamanage nito. Mababait sila sa akin at ang kalahati lagi ng kita sa business namin ay nilalagay sa bank account ko. Sila lolo at lola naman at nagpatayo ng flower shop para daw may mapag kaabalahan sila.

"Uh oh! She's so absent minded duh!" sabi naman ni Carmela. Isa ding maldita at spoiled brat. Siya si Carmela Fonacier, anak ng isang kilalang business man dito sa Cavite.

"Sorry, so what are you saying again guys?" sabi ko.

"I said, looks like we have new targets." sabi ni Carmela.

First day of school namin ngayon. Kilala kami bilang bullies. Pero wala silang magawa dahil 50% ng stocks at share ay galing sa ama ni Carmela. Nasa cafeteria kami ngayon. At may isang table na tatlong girls at sa isang table ay ganun din. Ang nasa isang table ay ang ate ni Carmela kasama ang mga kaibigan niya.

"But first, libre mo muna kami ng food. We should eat while making our plano!" suggest ni Lyka.

"Sure! Order ka lang dun ng gusto mo!" sabi naman ni Carmela. Ang nanguuto at ang uto uto. Sa pagkakaalam ko kasi ay construction worker lang ang papa ni Lyka at housewife naman ang kanyang mama.

Bumalik siya na may dala na pizza, cakes at coke.

"Let's go! Let's eat" kasabay ng pagkain namin ay ang pagbuo ng dalawa sa plano. Hindi ko naman ugaling mam bully, nadadamay lang talaga ako sa kanila. Matapos kumain ay dumiretso na kami sa room namin.

Unfortune Life With The Unordinary GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon