chapter 15.

3.2K 97 2
                                    


   Mark...

  Kanina ko pa napapansin na matamlay si mica.. May sakit ba siya...?

  " ok kalang ba mica? May masakit ba sayo ?" Nag aalala kong tanong..

   Ngumiti lang siya bilang tugon , pero ang ngiti niya yon bang may iniindang sakit.. Yong mga mata niyang parang iiyak na...

  " are you sure ? " tanong ko ulit, hindi kasi ako komportable na malungkot siya parang nasasaktan narin ako eh...

  Tumango lang siya bago tumingin sa mga nagsasayawan.. Gusto ko siyang yayain pero, nahihiya ako ,,, tae lang talaga kailan pa ako nahiya ng ganito...!

  Hindi ko maiwasang tumngin sa magandang mukha niya...  Napakaganda talaga niya sa paningin ko para siyang drugang ang hirap iwasan at ewan.  Shit nagiging corny na ako...

   --------------

Tin.

      Kanina pako nakatagilid dito, halos sumakit na ang leeg ko para lang hindi siya matingnan ... For sure bukas may stiff neck na ako... Kasalanan talaga ng impaktong to..

Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko  kanina dahil sa bwisit na ngiti niya..

Putragis lng talaga.. At kung tinitingnan niya ako feel ko ang ganda ganda ko sa paningin ka at shit lang talaga kinikilig kasi ako... Kaya iniiwasan ko siyang tingnan .. Hindi pa ako handang mabaliw no.

  "Pssst"

At talagang sisit sitan ako .. Anong akala niya sakin aso!

" ehemm! " medyo malakas niyang ubo.

  May pafake fake niyang ubo.. Sana tuluyan kanang maubo.. Basta bahala ka diyan ...

   Ilang sandali pa, naramdaman ko nalang na may nambato skin ng maliit na buto ng manok!

Talagang malilintikan ka sakin .. Tignan lang natin kung hindi ka pa tumigil sa gagawin ko..

Dali dali akong humarap para suntukin sana siya, pero imbes na siya ang nagulat .. Parang ako ang nagulat sa ginawa niya..

Nakaluhod ba naman siya sa harap ko.. Akala mo magpro- propose ng kasal sa kin eh.. Eh napatingin ako sa palagid halos lahat ng mga kasama namin dito sa party ay tumngin na sa amin...

Shit talaga ang lalaking to.. Ang daming alam na kahihiyan pero kinikilig namn ako sa ginagawa niya...

   " pweede ba kitang masayaw magandang binibini" sabay kindat sakin..

  Wala na! Talagang hulog na hulog na ako sa impaktong to.. Sa simpling hirit niya sumisirko na ang puso ko sa saya...

    Hindi pa nga ako naka oo kinuha niya agad ang kamay ko.. Bwesit na yon eh.. Sinira pa ng impakto ang pagmo moment ko..

  Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa leeg niya at kamay nmn niya ay nasa bewang ko...

  Hindi ko maiwasang mamula sa posisyon namin.. Medyo napakalapit kasi nmin maling galaw ko lang siguradong mahahalikan ko siya...

Talagang sinadya ng loko eh...

" pero gusto mo naman, pa choosy pa kasi eh"

Sabat ng sabat talaga tong konsensiya ko .. Pero talagang gusto ko naman..  Sasadyain ko  talagang matapilok mamaya.. Hihihi...

Landi..

Bahala ka diyan... 

" hey , look at me" with his husky voice..

Diyos ko po why so hot!!! , huwag pahalta ok.. Galit mode ka muna   

   " ano bang trip mo bakit may paluhod luhod ka pang nalalamn" pero deep inside kinikilig ako sobra

  " tsssss"

  Sa lahat ng pweeding isagot tssss patalga... Hindi ba pweding, ginawa ko yon dahil gusto ko ako ang first dance mo.... Oh dikaya ... Ginawa ko yon dahil ikaw lang ang gusto kung maisayaw.. Yong ganern... Bakit tssss pa..

Talagang napipikon na ako sa lalaking to.. Bahala ka diyan buti pang bumalik s upuan ko...  Tatalikod na sana ako ng matapilok ako.. Pumikit ako ng mariin talagang sasakit ang pwet ko dito..

Pero imbes na mahulog ako sa sahig sinalo ako ng mga bisig ni impakto ... Pagtingin ko sa kanya halos 1 inch nalng ang pagitan ng mga mukha namin.. Ramdam na ramdam ko na rin ang mabangong hininga niya ...

Parehas ko ay nakatingin rin siya sa akin ...

Ewan ko bat kinakabahan ako sa titig niya para bang may gagawing kabulastugan ang impakto....

   " can i kiss u ? "

   Bago pa ako makasagot ay hinalikan niya na ako.. Hindi ba uso ang sumagot muna bago umaction agad...

  Napakalambot ng labi niya nahiya nga yata ang labi ko sa kanya.. Eh...

  Napapikit ako dulot ng matamis na dala nito .. First kiss ko...

Bigla ako dumilat sa realasyon na siya ang first kiss ko!! As in siya talaga diba pweeding si james reid nalang o di kaya ay si daniel padilla...?!

  Tinulak ko siya " kinuha mo ang first ko na dapat kay james reid at daniel padilla lang!" Maluha luha kong turan ..

At ang loko tinawanan lang ako....

  " second kiss mo na yon , at isa pa mas pogi pa ako sa james at daniel mo" sabay talikod sakin...

Aba at siya pa ang may ganang tumalikod, ako ang ninakawan ng halik dito ah, and take note second kiss ko na daw yon... Kung ganoon?,san nanggaling ang first kiss ko..????

Ahhhhh!!!!!

Pinasasakit niya talaga ang ulo ko... Bwesit na impakto ka.....akala niya siya lng marunong magwalk out... Magwa walkout din ako.. Kaya quits lang tayo uie....


------------+

Thank u po sa mga nagbabasa nito... At pasensiya din po kung ngayon lang nakapag update medyo busy po kasi ako ngayon for review...

Love. Love. Love

C.G.

Im His Slave (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon