chapter 30.

3.2K 49 1
                                    


Tin

  Ang bilis lang talaga ng panahon , kamakailan lang ay first year high school pa kami ngayon dalawang araw nalang at magtatapos na kami ng highschool

Kami ni impakto/ babyko? Ayon minsan nag aasaran na ,mauuwi sa away .. Hindi rin maiwasan ang selosan , kasi naman ang hot at gwapo kasi ni impakto eh! ...

Kahit na siya sa ulo minsan still... Mahal na mahal ko  pa rin iyon.. Nag iisa lang kasi ang impaktong iyon..

" beshy, dalawang araw nalang at magtatapos na tayo" sabi ni mica

" oo nga eh, mami miss ko iyong kakulitan niyo at syempre ang samahan natin " malungkot kung sabi

" ano ka ba beshy, kung magsalita ka , akala mo kung saan ka pupuntang malayong lugar " sabay siko sakin

" oo nga tin, matanong nga kita , anong kukuhanin mong kurso pagdating ng college?" Tanong ni mark

Medyo napatahimik ako sa tanong ni mark, mahirap lang naman kasi kami....hindi naman ako kagaya ng mga kaibigan ko na angat sa buhay

" ahm, hindi ko pa alam . buti pa punta na muna tayo sa may canteen gutom na kasi ako" pagdadahilan ko..

Pagdating namin don agad na umorder si mark para samin...

" babyko, pasensiya na ha , kung ngayon lang ako... Medyo natagalan kasi ako sanbahay dumating kasi si mama " sabay halik sa pisngi ko , buset na impaktong to! Pinakikilig na naman ako...

" okey lang, halika na dito impakto sabayan mo na kaming kumain" sabi ko sa kanya

Sumimangot ito " impakto na naman, diba sabi ko .... Babyko ang ang itawag mo sakin o di kayay babe " nakanguso niyang sabi

Tinawanan ko siya bago hinalikan sa pisngi... At ang impakto ayon natahimik sabay hawak sa tenga , ganyan kasi siya pag nahihiya or kinikilig? Namumula ang tenga

" love birds , tama na muna iyang lampungan at paghaharutan ... Tara kain muna tayo mahirap na baka mabaliw kayo " sabi ni mark

Inirapan lang siya ni impaktob... Hahaha tingnan mo to parang babae, h

Hayyy.... Ang swerte ko talgat dumating sa buhay ko ang lalaking ito.... Dati pinagbabantaan pa ako nitong maging alipin niya... Ngayo instant girlfriend niya na ako sana ganito nalang palagi iyon bang masaya ka lang at walang ini intinding problema...

Katulad ng commercial sa tv na..

" happy lang walang ending "

Lumapit si impakto sakin sabay bulong ng....

"I love u babyko "

Nginitian ko siya " i love u more babyko / impakto ng buhay ko"

Atsa huli ayon sumungit na naman ang loko.. Ayos na daw kasi kaso sinalihan ko pa ng impakto... Haaha

--------

Jc

  Andito ako ngayon sa may parking lot at hinihintay ang babyko  sampong minuto lang nga kaming hindi nagkita miss na miss ko na siya ... How much more kung isang araw diba...

Ilang sandali pa nakita ko na siya , hindi ko maiwasang hindi mangiti, darating ang araw na ikakasal kami at bubuo ng sariling pamilya at maging masaya...

",kanina ka pa ba impakto? Pasensiya na ha may kinuha kasi ako "

Sumimangot ako kunyari....

" impakto na naman .... Di---"

TSUP!!!!

" ayan, e di tumigil ka rin ... Tara na nga " sabay hila sakin

Smack lang iyon kaya na ng baby ko na patigilin ang systema ko... At syempre gustong gusto ko iyon ...

Tumingin ito sakin

" impakto sa bahay kana kumain mamaya ha,, wala kasi si mama... Pumunta kila lola " sabi niya sakin

Ngumiti ako syempre! Sa wakas at masosolo ko narin ang babyko ..

" oo naman, kung para sayo gagawin ko " sabay kindat ..

Ngumiti siya at niyakap ako ... Papatatin talaga ako sa kilig ng babyko...

Hinatid ko na siya  sa kanila bago ako umalis.. Nagbihis muna ako .  tapos ay dumeritso sa flower shop dapat kiligin din siya hindi iyong ako nalang palagi ang aatakihin sa puso ..bumili narin ako ng pagkain ...

Pagdating ko don ay naabutan ko siyang naghahanda sa mesa

" hai baby ko ..  Ito bulaklak para sa super ganda kong baby na bigay ng langit sakin upang akoy pasayahin "

Iyong ngiti ko kanina napalitan ng sakit ! Sinapak kasi ako ng amasona kung baby .. Bolero daw ako ? Hindi naman diba author?

" ewan ko sayo"

Tumingin siya sa kamay kung may bitbit na wine...

" bat may alak impakto!!! May balak ka no?!" Singhal niya sakin

Napaang ako... Ang dirty minded naman nito ...

" h-hindi , b-babyko... M-mali iyang ini isip mo " utal kung sabi

Tumango lang ito at umalis na..

Ilang sandali pat kumain na kami ... Pagkatapos ay iniligpit niya na ang pinagka inan namin habang ako naman ay kinuha ang wine at dinala sa sala ... Ilang sandali pa tumbi na siya sakin at kinuha ang bote sakin bago tingungga ng inom

Tiningnan ko siya, kanina ko pa napapansin na may problema siya..

" may problema kaba , babyko ? Tanong ko sa kanya

Umiling ito bago uminom muli                 " wala ha , ito inom karin babyko" sabay abot sakin

Kinuha ko nalng iyon at tinungga....

-------

C.G

Im His Slave (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon