Chapter 8

8 3 0
                                    

Eca's POV

"Oy! Kayong dalawa. Pinagtutulungan niyo ako kahapon no?! Pero kahit ganyan. Anong nangyari sainyo nina Zayn at Kyler ah?" At nagtaas baba ako nang kilay

Tumingin naman sila saakin at sinasabing parang nababaliw ako. Nagtatanong lang naman kasi ako.

"Wala ano?! Ay meron pala tss." Pag-aalala ni Van sa nangyari kahapon "Wala nagsigawan at nagbangayan lang naman kami ni Kyler sarap nga ihulog e" sabay ngisi nito

Tinignan naman namin si Alex at ngumiti ito.

"Wala. Nagusap kami tungkol sa mga books. Ang saya nga kasi ngayon lang ako nakakita nang lalaking mahilig rin sa mga libro" at ngumiti nanaman ito

"Nako Alex, sinasabi ko sayo. Manloloko yon! Wag kang maiinlove don dahil alam kita. YOU LOVE BOYS, NA GUSTO RIN ANG GUSTO MO!" Napasigaw ako sa huli kong linya

"Ang aga-aga ang iingay niyo" at umupo sila sa sari-sarili nilang upuan

"Bakit bawal naba?" Inis na tanong ni Van kay Kyler

"May nagsasalitang multo guys. Nakakatakot pala sa school nato. Makalipat nanga" pagpaparinig ni Kyler

"Mabuti nga at mag-palipat ka. Asong ulol" panlalaban ni Van

"Pusong baliw" -Kyler

"Baka gusto niyong ilabas ko nanaman ang gunting ko?" Pagpaparinig ko sakanila

Tumahimik nalamang sila pero nagtitinginan parin at nagbabangayan gamit ang mga mata nila. Mga baliw

Si Alex at Zayn naman ay nagbabasa nang libro at nagtatawanan.

Ako at si Ethan? Naka upo.

Tinignan ko sya at natutulog ata dahil nakapikit sya at nakaheadset. Ayaw talaga nang kausap nito tss

Tinignan konalamang ang kanyang mukha

Describe Ethan Adams?

Oo, aminado akong gwapo sya. Payat sya pero yung sakto lang. Habulin rin sya nang mga babae. Isang tingin nya lang sayo akala mo hinihigop nya ang kaluluwa mo. Halata sakanya na wala talaga syang pakialam sa mundo. Kahit masubsob kana sa harapan nya. Dedma parin.

Pero siguro sa kaloob-looban nya. Mabait parin naman sya, Masiyahin.

Sa mga nagdaang araw na nakilala ko sya, mas lalo mo syang makikilala nang husto. Hindi man lahat pero may malalaman karin naman kahit papaano. Tinatanong korin palagi ang mga kaibigan nya kaya ang lagi nilang sinasabi saakin ay "Type mo sya no?"

Pwede ko naman syang magustuhan. Pero hindi e, ayoko. Hindi ko alam bakit pero ewan magulo.

Lahat naman tayo malalaman natin kung gusto natin ang isang tao o kung type natin sya. Pero hindi sa lahat nang bagay kailangan mong pilitin ang sarili mo na magugustuhan mo sya. Kasi sa huli, masasaktan kalang at yun ang kinakatakutan ko. Ang masaktan, ang maging tanga sa pag-ibig.

Handa kabang sumugal sa pag-ibig? Sa pag-ibig na hindi mo alam kung saan patutugunan?

Alam kong napalayo na ang mga sinasabi ko pero bakit ba hahahhaha

"Stop staring at me" natigilan ako sa pag-iisip ko nang magsalita si Ethan....syete

"Ah? Ah ano! Tahimik mo kasi..... Wala akong kausap di ako sanay na wala akong kausap" komento ko

"Edi kausapin mo mga kaibigan mo tss"

Tinuro konaman sila.

Si Vanessa na kaaway si Kyler? Paano ko makaka-usap yan. Lalo lang akong maiinis

Si Alex na kakwentuhan si Zayn na ang tungkol ay sa libro? Wag nalang. Ihatebooks

"Fine" anong fine? Nahalata naman nya ang pagtataka ko sa sinabi nya

"Magkwento ka. And I will just listen" pagpapaliwanag nito

Makikinig lang sya? K. Ayos narin yon

"Okay hmm. Kahit ano ah? Wag kang maiinis or else i will snap you" tumango lamang sya

"Nung bata ako nahulog ako sa hagdanan sabi ni Papa" natatawang kwento ko "Tapos nung 9yrsold naman ako nagkasakit ako sa puso. Buti nga buhay pa ako no? Ang hina raw nang puso ko. Hindi ako pwedeng mapagod. Bawal saakin ang maging sobrang saya. At bawal raw akong malungkot o masaktan. Like paano yon? Sobrang hirap--" napatigil ako sa pagkwekwento ko dahil nagtanong sya

"What? Paano kahapon? Sa roller coaster?" Naguguluhang tanong nito

"Hahaha oo nga e. Ang tanga ko alam kong may sakit nako sinubukan koparin. Buti nga hindi ako inatake. Baka gumagaling na kasi? I don't know. Ethan, sa tingin mo? Kaya mo bang pigilan ang maging masaya? Kailangan bang palaging limitado lang ang mga emosyon mo? Sa tingin ko kaya mo? Kasi palagi nalang iisa ang reaksyon mo e. Palaging malungkot. Kung tatanungin ako? Mas pipiliin ko ang bawal. Mas pipiliin ko ang maging sobrang saya, masaktan, o mapagod. Kasi nga YOLO, you only live once bakit hindi mopa sulitin kung mamatay rin naman tayo?" Kwento ko

"You know? Hindi rin naman kasi masamang maging masaya,maging malungkot o mapagod. Asa sayo rin naman lahat nang desisyon mo. Pero paminsan mas gugustuhin kona ang limitado. Kasi sa limitado, makakayanan ko. Hindi ako mawawala sa mundo kapag hindi ko sinunod ang mga bawal saakin. Pero paminsan, gustong-gusto korin maging masaya. Pero sobrang hirap. Paminsan nga iniisip ko. Sana ako nalang yung namatay, Sana ako nalang. Pero hindi e. Baka may plano ang Diyos para saatin. Kaya Eca, choose what makes you happy. Walang mawawala kung gagawin mo ang mga gusto mo maging masaya karin paminsan" Mahabang komento nito

Wow. Just wow.

"Wow Ethan congrats! Ang haba nang sinabi mo hahaha. Ano kaya paba?" Natatawang sabi ko

Ngumiti naman sya at medyo natawa

O. M. G

"OMG ETHAN! YOU!" Pagtuturo ko sakanya

Napatingin naman halos saamin

"Ethan! Ngumiti at tumawa ka! Omg!!!" Masayang sabi ko.

Natawa naman ang mga kaibigan ko saakin.










PERO HINDI AKO PWEDENG MAG- KAMALI NAPANGITI KO SI ETHAN ADAMS!

True ColorsWhere stories live. Discover now