Chapter 20

10 1 0
                                    

Eca's Pov

Napaka tahimik nang paligid. Ang sarap pag masdan nang mga Ibong lumilipad sa langit

Buti pa ang mga ibon. Walang problema. Walang iniisip kundi ang lumipad at mag hanap nang makakain nila.

Tumingin naman ako sa kabilang dako. Nakakita ako ng dalawang taong nagmamahalan

Sobrang saya nila. Parang wala na silang problema sa buhay. Parang ang pag iibigan nalang ang kanilang iniintindi.

Dumaan na kaya sila sa mga pagsubok? Tulad nang na sa punto na sila na ayaw na nila?

Hayyy buhay. Kelan ko ba mararamdaman na malaya na talaga ako? Kelan ko ba mararamdaman yung butterflies sa tiyan na tinatawag nila? Kelan nga ba?

Tumingin ako sa harapan ko. At nakita ko ang mga tawanan nila.

Pero sa iba na dako ang paningin ko.

Bakit sobrang perfect niya? Sa sobrang perfect niya mahihiya kang lumapit sakanya.

Bakit sa lahat nang tao siya pa? Sobrang napaka bilis nang mga pangyayari. Paminsan hindi mo nalang na mamalayan na tuluyan ka nang nahuhulog.

"Oy! Tumutulo na laway mo!!" Sigaw na sabi nito

Bumalik ako sa realidad dahil sa sigaw na iyon

"San ba kasi kayo bumili? Tagal tagal niyo. Gutom na ko e!" Pag rereklamo ko sakanila

"Wow! Ikaw kaya bumili" at tinarayan niya ako

"Ano bayan!! Ang gulo niyo" rinig naming reklamo nila sa kabila

Oo. Magkahiwalay kaming anim. Dahil sa nangyaring eksena kay Vanessa at Kyler

"Usog ka nga!" Reklamo naman ni Zayn kay Kyler

Di nalang namin sila pinansin at nagsimula na kaming kumain. Gutom na talaga ako!!

----

"So..... Anong plano?" Tanong ni Alex katapos naming kumain

Pinunasan ko muna ang bibig ko bago nag salita "Hangga't hindi humihingi nang tawad. Walang magpapatawad" at uminom ako nang tubig

"Okay okay. Kahit hindi ko na patawarin yan tsk" pag paparinig ni Vanessa kay Kyler

"Parang naman mag-LQ kayo! Hahahaha" natatawang sabi ni Alex

"LEXI!" hindi natuloy ni Van ang pagpalo kay Alex dahil may tumawag dito

"Oh zayn?" Patanong na sabi nito

Lumapit saamin si Zayn at ngumiti. Ngumiti rin kami pabalik sakanya

"Oo nga pala,Pinapatawag tayo ni Sir Robin may activity ata siyang pinapagawa. Tayo raw magsasabi sa mga kaklasi natin mamaya kasi aalis siya" Pagpapaliwag ni Zayn kay Alex

Tumingin naman ako sa pwesto ni na Ethan nag-uusap lang sila ni Kyler. Napasulyap naman sya saakin kaya nagmadali akong umiwas nang tingin. Whoo

"So paano? Pupuntahan natin siya?" Pagtatanong naman ni Alex

Tumango lamang sya pero hindi parin niya inaalis ang tingin niya kay Alex

"Opps! Sige na alis na kayo baka langgamin pa kami!" Pag-aagaw pansin naman ni Van

"Osya see you nalang guys!" At tumayo na si Alex inalalayan naman siya ni Zayn

"Dahil advance ako mag isip guys mag bre-break rin kayo!!!" Pa habol pa ni Vanessa

"At dahil advance naman ako mag-isip Van. Kayo na ni Kyler" at humalakhak ako

Pinagpapalo naman niya ako kaya medyo umiilag nalang ako sakanya hahaha baliw talaga

"Vanessa? Can I talk to you?" Nagulat kami sa nagsalita

Tinignan muna ako ni Van. Tumango lang ako sakanya

"Thanks Eca" at ngumiti siya

Tinignan ko naman sya nang Wag-Mong-Sasaktan-Kaibigan-Ko-Look at tumango naman sya

Tumayo na si Van. Nilahad naman ni Kyler and kamay niya pero tinanggihan ito ni Van

Naunang naglakad si Van at sumunod lang si Kyler sakanya

Wow ah. Mag isa nalang pala ako dito-----

"ETHAN!!" Pagtatawag ko sakanya

Lumingon naman ito saakin pero ang sama nang tingin niya. Problema nito? May period ba siya ngayon?

Lumapit siya saakin "What?" Naiiritang tanong nito

"May period ka ba ngayon?" Nagtatakang tanong ko

Hindi naman niya ito na-gets kaya hindi siya sumagot umupo nalang sya sa tabi ko at pinagmasdan rin ang paligid

.....

OO NGA PALA!

"Ethan" pag-basag ko sa katahimikan

Tinignan niya lang ako

"Nung gabi? Bat nagcall ka sabi mo pa nga.... Ano kasi yon?" At nag isip pa ako

Ano kasing sabi niya? Ugh

"Wala. Nakalimutan mo kasi yung bear na binigay ko. Kaya hinatid ko. Bigla kong naalala may sasabihin pala ako. Kaya sinabi ko sayo na sandali lang"

Naghintay pa ako nang sasabihin nya pero hindi na niya ito tinuloy

"Anong sasabihin mo? So ibig sabihin andun ka parin nung gabing nakita ko yung bear?" Pagtatanong kong muli

Tinignan muna niya ako bago tumingin sa ibang direksyon

"Oo. Ang kaso nakita kita may kayakap kang iba. Kaya umalis nalang ako baka maka istorbo pa ako" at tumango-tango pa ito

May kayakap kang iba....

Baka maka istorbo pa ako....

Bakit imbis na kiligin ako nasasaktan ako? Pakiramdam ko may something sa linya niya? O nababaliw lang talaga ako?

"Ah si Angelito yon" at ngumiti ako sakanya

Pumikit siya at humiga sa damuhan

Andito kami ngayon sa field hindi pa nagri-ring ang bell kaya hindi pa kami pumapasok. Siguro may meeting ngayon?

"May nabasa ako kanina. Gusto mo bang marinig?" Tanong nito habang nakapikit siya

Humiga ako sa tabi niya pero lumayo ako nang kaonti "Oo sige ano ba yan?" At tumingin ako sa kalangitan

Napakasarap pakinggan nang iyong boses

Nabubuo ang araw ko kapag nakikita ka

Pero bakit sobrang sakit

Sobrang sakit makita kang may iba na?

Mahal kita, Pero nasasaktan na ako

Kaya patawad aking sinta. Pagod na ako

Tinignan ko siya buti nalang nakapikit siya. Bakit lalo pa akong humahanga sayo, Ethan?

Simula sa mga kilay mong sobrang perfect. Sa ilong mong matangos. Sa labi mong napaka pula.... Bakit?

Bigla siyang tumingin saakin. Kaya lumaki ang mga mata ko. Geez! Nakakatunaw pati mga titig mo!

"Nagustuhan mo ba?" Pagtatanong nito habang naka tingin saakin

Napalunok ako at nagmadaling umiwas nang tingin

"O-oo. Ma-mahilig ka pala sa mga... Mga ganon? Ang ganda. Pero ang sakit nung mensahe niya" Nauutal na komento ko

Umayos ka nga Eca!!

Tinignan ko ulit siya pero nakapikit na ulit sya

Tatayo na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko







"Please.... Please stay. Kahit ngayon lang. Samahan mo muna ako"

True ColorsWhere stories live. Discover now