33 | narration

179 7 1
                                    

+ Jieun

Tapos na ang araw at pupunta na kami ni Yuta sa isang milk tea shop at bigla niyang hinawakan kamay ko

Tumingin lang ako sa kanya at nakita ko siyang ngumingiti sa akin. Kakagigil mahal ko na talaga to

Nakarating na kami sa shop "huy pasok ka na, libre ko"  sabi niya tapos hinila niya ako sa loob

"Sabi mo yan ah" at tumawa na lang kami

+ Johnny

"Huy Jae tingnan mo oh, si Yutangina at si Jieun" tinuro ko sila ng dalawa lumalabas ng gate ng school

"Sundan natin" sabi ni Jaehyun at dahil mga pakialamera kami sinundan nga naman namin

+ Jieun

Hays noba to kaya ko ba talagang mag confess kay Yuta ngayon baka ireject naman din niya ako

"Huy kanina ka pa tulala diyan" binigay sa akin ni Yuta yung inorder kong taro milk tea at umupo lang kami at nagusap

"Labas naman tayo kanina pa tayo nandito eh" sabi ko at tumayo, tumayo na din siya at naglakad kami patungo sa beach na malapit lang doon

Doon kami palagi pumupunta ni Youngho nung kami pa. May narinig akong may naglalakad nakita ko din na tumingin si Yuta sa likod pero binaliwala kasi wala naman kaming nakita

+ Jaehyun

"Tangina Johnny ingay mo maglakad" binulong ko sa kanya para hindi kami marinig

"Sorry naman aba" binulong niya pero tinakpan ko bibig niya nung nakita ko sila Yuta na tumingin sa likod

"Potaena himala naman na hindi nila tayo nakita"

"Maging masaya ka na nga lang na hindi pa tayo nakikita"

Alam ko tong lugar na to, dito palagi nagdadate si Johnny at Jieun eh, the memories mehn

+ Jieun

"Yuta"

"Hmm" Ang rineply niya

"Mahal kita" nasabi ko na at bigla akong kinabahan

Tapos nun tumawa lang siya, bakit siya tumatawa?

"Ay Jieun akala mo ba na mahal din kita? Sorry pero nakakatawa talaga, you fell right into my trap and baka ngayon iniisip mo na sobrang tanga mo" tumawa pa siya habang ako naiiyak na

"Bakit Yuta, bakit?" Mahina kong sinabi

"Gusto mo talagang malaman? Oh sya sige, alam mo dati magkaibigan kami ni Jaehyun sobrang close namin pero alam mo isang araw nalaman ko na namatay pala nanay ko at nakita na ni Jaehyun na she was getting beat up ng boss niya"

Hindi ko na kaya pigilan mga luha ko kaya ayun bumagsak na

"Alam mo hindi man lang tinulungan ni Jaehyun nanay ko. My mom works in a very abusive company pero hindi naman din siya pwede umalis kasi paano naman hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo kaya ayun na nga"

"So ano laruan lang ako? Sisirain tapos itatapon lang?" Tinanong ko

"Ginusto ko lang naman ng hustisya" pangitingiti pa siya

"Alis na ako ah, bye Jieun"

Umiyak lang ako nang umiyak pero may yumakap sa akin. Tumingala ako at nakita naman si Youngho na nakangiti at naluluha na din ang mata

"Uy Jieun ko wag ka nang umiyak, ako din kasi napapaiyak na din ako eh, atsaka minus pogi points pag umiyak diba" tumawa siya at tinamaan ko naman balikat niya at tumawa na din

Yinakap ko siya nang mahigpit "Whats wrong with me, bakit lahat ng mahal ko iniiwan lang ako?"

Humigpit pa lalo ang yakap ko sa kanya "Theres nothing wrong with you, perfect ka nga para sa akin eh"

"Pero bakit mo ako iniwan"

"Iniwan kita oo, pero binalikan naman kita dahil mahal kita Jieun" nginitian niya ako, pota bakit kasi ang tangkad neto kailangan ko talaga tumingala para lang makita ko siya

"Thank you Youngho, pero I don't think I want to be in a relationship right now" sinabi ko lang

"Don't worry, I'm willing to wait basta ikaw"

+ Jaehyun

"Nyeta hirap talaga buhay single" sinabi ko lang habang tinitignan sila ni Youngho

-

A/n: haba nito mga bes and sorry ang panget huhu

I needed you | Seo YounghoWhere stories live. Discover now