Ang saya lang sa pakiramdam na tapos na ang pinagpuyatan ko.
Nasa e-book na siya.
Plus libro na siya.
Thank you, Lord!!!!!
Finals naman up next! Jusko!
"What time ka gigising tomorrow?" tanong ni Bea habang nagcoconcentrate magdrive.
♫ San darating ang mga salita ♫
11PM na at ngayon lang kami uuwi. Ihahatid niya raw muna ako sa dorm kahit okay lang naman na magcommute ako.
♫ Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana ♫
"Baka six, beh. Mag-aaral pa ko eh tas 9AM yung exams ko." I heard her say hmm. "Eh ikaw?"
♫ Ika'y kumapit na, nang di makawala ♫
"Same. Sabay tayo mag breakfast, sunduin kita." she answered. Napangiti ako. Ang bait talaga nitong isang ito.
♫ Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo ♫
Inaalayan pa rin niya ako kahit alam niyang nililigawan ako ni Nico.
♫ Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw ♫
Mejo nagdadalawang isip ako sa kanya eh.
Hindi naman sa masama siyang tao pero ewan ko ba.
♫ Wag mag-alala kung nahihirapan ka ♫
Iba ata gusto ng puso ko. Naks.
♫ Halika na, sumama ka ♫
Ako mismo ang nagsabi sa kwento na dapat sundin ang puso.
Ipaglaban kung nasa tama at worth it labanan.
Worth it tong katabi ko. Hala. Anong iniisip?
♫ Pagmasdan ang mga tala ♫
"Hey," tawag niya sakin. "What are you thinking?"
Ngayon ko lang napansin na traffic pala. "Wala naman."
♫ Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo ♫
"Beh," I called out. She looked at me habang nakangiti.
♫ Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo ♫