09: Valkyrie

845 22 2
                                    

Bea's POV

"Yes, Bea?"

"Hey, Kiiiiim! Where are youuuu?"

"Are you drunk, Bea?!"

"Naaaah, I'm totally noooot!" then I chuckled.

"Kakatapos lang namin sa training. Asan ka ba, De Leon?"

"I'm..uhm.. where is this? Ooooh.. Valkyrie. Wow, I'm just near."

"What the hell? Bea, are you serious?! Can't come over though, may dinner kami and it's my treat. Shocks you." she hissed on the other line that made me chuckle. "Call Maki, Bea."

And I did. Pero di rin makakapunta si Maki. Duuuh, no one cares, Bea. I ordered another glass of vodka. Glass.

Medyo nahihilo na ako, I can feel it already. Doble na yung nakikita ko sa contacts ko. I randomly call people and just laugh at them then I'll end it. Stupid, Bea.

"Hello? Beatriz?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" I was supposed to end the call already but the person on the other line is sobbing and sniffing. Sino ba tong natawag ko?


"Bea.." she sniffed. "..uwi ka na, please." then she sniffed again.

"Uwi? Where?" then I laughed so hard. "You know what..I don't want to see her. Kasi.. my heart.." then I just noticed that I was already crying just like the person on the other line. Bahala na kung sino 'tong nakikinig sa akin.

"..my heart will surely ache if I see her." sabay sinusuntok-suntok ko ang puso ko. "I'm so hurt, Jho." I said kahit di naman si Jhoana ang kausap ko.

"I'm so hurt.. and I hate that I am. Peke lang naman dapat eh. One week pa naman eh pero why?! What are you doing to me? Ang sakit sakit! You left me.. hanging.. na parang tanga." then I laughed. "Or.. inassume ko lang na pwedeng maging totoo yung tayo?" then I laughed harder.

"Poor me! Poor, Beatriz!" then I laughed even more na mas lalong nagpabilis sa agos ng luha ko.

"Bea.." the other line said. "..I'm sorry."

"Naaah, you don't have to. Di naman ikaw ang nagpapasakit ng puso ko ngayon eh. Unless you're my Jhoana Louisse." I said and cried even more. "You know what.. you should come over? I'm at Valkyrie right now!" I said in a very jolly way na parang di ako umiyak.

"What?! Nasa BGC ka?! The hell, Bea!" the other line said. 

"So worried about me? Wait.. sino ka ba?" I tried to check my phone and

"Oh shit." Jhoana.

Jhoana's POV

"Sure ka ba about this, Jho? Baka magkasakitan lang kayo ni Bea ha?" 

Pinagdrive ko si Maddie dahil siya ang may lisensya sa aming dalawa. At siya din ang may sasakyan. Baliw na Bea iyon. Nag Valkyrie ang loko! Kainis!

"Bahala na, Mads. Bahala na." nagbuntong hininga ako. "Di naman siguro aabot na magpapatayan kami ala-Cardo at Joaquin. Wag tayong OA." tas napatawa siya ng konti.

Kasalanan ko rin naman 'to. Dapat sabihin ko na lang sa kanya diba? Pero natatakot nga ako sa maaari niyang gawin. Hindi ko pa ganon kakilala ang De Leon na iyon. Sana maintindihan niya, jusko po.

Narating kami sa Valkyrie na tumutunog na ang tiyan ko. Di pa kami nagdi-dinner though. Diretso kaming nakapasok ni Maddie dahil okay naman ang mga suot namin.

"Ang daming tao." sabi ko nang nakapasok na kami. "Maghiwalay na lang tayo, Mads."

"Luh, yoko noh? Baka bastusin pa ako." Kupal din tong isang to eh.

"Assuming niya grabe. Tara na." sabay hila ko sa kanya. Di ko alam saan ko hahanapin si Beatriz. Jusko, Bea magpakita ka na bilis. Di ako pwede sa mausok na lugar. Shit.

"Okay ka lang, Jho?" tanong ni Maddie sakin nang napansin niyang nakahawak na ako sa braso niya at di na sa kamay niya. "Huy!"

Tumango lang ako bilang response. Napatingin naman kami sa dance floor na napakaingay. Si Bea. Sumasayaw. SUMASAYAW SI BEA?! "Si Bea ba yon?" sabi ng matangkad kong kasama. Nagkatinginan kami ni Maddie na parehong nagulat.

Sinubukan naming makalapit sa kanya kahit siksikan at kahit.. nahihirapan na ako. Nang nasa tapat na kami, nakita ko na si  Bea.

Nagb-body roll ang gagu. Ang nakakaiyak pa, mga babae ang ka-body roll nito. "What the hell?" I whispered sa sarili ko. Maddie was looking at me with full concern. She's enjoying.. so much. Wow, just wow, Bea. "Amazing." sabi ko with full sarcasm.

Then the music stopped at naging romantic ito. Bea formed a T with her hands which means timeout and went to the counter. To drink more, I assume.

Sinundan namin siya ni Maddie. Nakatayo lang ako sa gilid niya habang nilalaklak niya ang bote ng alak. "Beatriz." I whispered. Unfortunately, di pala ako naririnig dito. Tangina naman. "BEA!" I shouted at napalingon na rin siya. She was shocked to see me for a second at di rin ako pinansin after. "Halika na." Hinila ko siya pero di ko kaya.

"Ano ba!" she said. Removing my hand from holding her. "Just leave. You don't need me." then I heard her sigh. Was it a sigh? 

"I need you, okay? Ano ba, Bea!" I shouted.

"Ano ba, Jho?!" she also shouted na ikinagulat ko. Magsasalita na sana siya nang biglang may lumapit sa akin na lalaking nagsi-sigarilyo. 

"Hi, Miss." he said. Naaamoy ko yung usok mula sa bibig niya. The hell.

"Got no time. Leave." I said with no emotions at all.

"Eyyyy!" sigaw ng mga kaibigan niya after I answered. Hindi ako nakatingin sa kanila nor kay Bea. I was looking sa malayo. Lumayo na kayo. Di ko na kaya.

"Hard to get ka ha? Bukas ka sakin. For sure babalik ka." napa eyyy na naman yung mga kaibigan niya. Mga jeje. He smirked and before he left, binugahan niya ako ng usok pagkatapos niyang humithit sa sigarilyo niya. "Bye." 

Nahihilo na ako and my heart.. sumisikip dibdib ko. "Bea.." sabay kapit ko sa braso ni Bea. Di niya ako tinignan. Medyo blur na ang paningin ko pero I can still see a bit. "Shit." when I said it, she moved. I'm sure nakatingin na siya sakin this time. 

Last thing I knew, nag black out. "Jho!!" someone shouted.

---

Oh no! Anyare kay Jho? :(

I want to thank YOU for reading this story! :) Don't forget to vote and leave your comments guys. I love reading them <3 & it would mean a lot (MORE) if you guys vote for each chapter :) THANK YOU GUYS! Marami pang mangyayari. I hope you stick 'til the end. :)

xo, khay

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon