ATAM [1]

35 8 0
                                    

AT TUMIGIL ANG MUNDO
WRITTEN BY: PEYNIPEYG

•••

Pano mo masasabing tumigil ang mundo mo? Bakit mag-kaiba ba tayo ng mundo? Sira ka ba? Tsk.

Pag-apak ko palang sa loob ng aking bagong classroom ay huminto muna ako bago mag-patuloy sa pag lalakad.

Aking sinuri ang silid na aking pinasukan.

Magulo

Makalat

Maingay

At may mga kumakanta?

Wth?!

"At tumigil ang mundo nung ako'y pinili mo...."

Seriously? Pati dito yan yung kanta? Wala namang masama sa pag kanta. Pero na bwibwisit nako sa paulit-ulit na lyrics nayan. Pati sa twitter yan yung mga tweets na nababasa ko. Gaya ng....

At tumigil ang mundo nung nakita ko yung 98 missed called ng nanay ko...

At tumigil ang mundo nung di ko na makapa yung cellphone ko sa bulsa ko...

At tumigil ang mundo nung ako'y nanood ng 'the cure'...

At marami pang samu't-saring mga tweets na nag-sisimula sa ATAM o At tumigil ang mundo.

I'm not a hater or what ever. Pero alam mo yung feeling na may isang kanta sa isip mo na di maalis-alis? Yan kase yung nangyari saken simula nung marinig ko yung kantang yan at umay na umay na ako! Tapos yan pa yung lagi kong maririnig at mababasa, pano to mawawala sa isip ko?

Nagpatuloy nako sa pinaka dulong part kung saan tabi ko ang bintana. Gusto ko dito bukod kase sa mahangin hindi pansinin yung mga dulong part na pwesto. I prefer na wala akong kaibigan o kausap, ayawko ng maingay o magulong katabi.

Hindi ako yung tipo ng babae na happy go lucky. Yung babae na kahit saan go. Hindi ko sila gusto, dahil naniniwala akong hindi lahat dapat subukan. Hindi go lang ng go.

Kaya madaming nasasaktan dahil sa linya na 'You should take a risk' aba take ka ng take ng risk pero in the end ligwak naman yang beauty mo. Kaya never akong nag take ng risk sa buong buhay ko. Hindi ako maalam mag take ng risk, lahat kase ng desisyon na gagawin ko pinag-iisipan ko muna.

Example yan na dapat hindi sa lahat ng pagkakataon go lang ng go. Dapat lahat ng bagay pinag-iisipan. Isip muna bago ang lahat

"I'mRitaCharsonJ.Scholtens16transferee" mabilis kong sabi at dumiretso na ko sa aking upuan.

Wala akong time gandahan ang pagiintroduce ng sarili. Bakit? May grades bayan? Diba wala naman.

Nagpatuloy ang pag iintroduce ng mga kaklase ko habang ako'y abala sa pag-dungaw sa bintana sa right side ko.

Habang ako'y nakatingin sa mga taong dumadaan sa kalsada ay napukaw ng atensyon ko ang isang lalake na naka uniform ng uniform ng school namen.

Siguro late, tumigil sya sa paglalakad at pumihit ang kanyang katawan paharap sa may bintana at kinuha ang bag mula sa pagkakasakbit nito sa likod nya.

Parang may hinahanap sya na bagay sa bag nya. Hulaan ko I.D nya yon. Tumunghay na sya hawak-hawak ang I.D nya. Sabi na. Nung tumunghay sya ay dun lamang ako nabigyan ng pagkakataon upang pagmasdan ang kanyang mukha.

Maputi, Makinis, Matangos na ilong, Mapulang labi at mapupungay na mata.

Hindi maalis ang pagkakatitig ko sa mukha nyang pagkagwapo...

pagkagwapo....

pagkagwapo........

pagkagwapo............

"At tumigil ang mundo....."

Seriously?

•••
Itutuloy.....
•••

A//N:

This is my first one shot story. Kaya sana ma-appriciate nyo sya. Fan din ako ni Moira kaya na inspire ako magsulat. Di kayo makaka relate kung hindi nyo pa naririnig yung kanta ni Moira na Tagpuan *insert wink emoticon*. Baka hanggang 3 chapters lang to

At tumigil ang mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon