Long Distance RelationSHIT!

8 2 0
                                    

•ASH's POV•

"Hi Ash!"

"Good morning Ash!"

"Yo Ashley!"

Binalewala ko ang mga bati nila.Bad mood ako ngayon tapos Mag g-good morning sila?!Ikaw kaya ang Hindi replyan ng Boyfriend mo!Ikaw kaya ang magdamag na Hintayin ang Tawag ng Boyfriend mo!Ikaw kaya paasahin sa wala,Magiging Masaya ba araw mo?! Diba Hinde!Tss.

Ako Nga pala si Ashley Montero.16 years old.4rth Year Highschool dito sa Emerald Academy.At yun lang!

Dumaan na lang ako sa Math Club Namin.And Again,Nakarinig na naman ako ng mga Bati nila.

Napansin kong walang ginagawa yung isang miyembro dito kaya naman nasermunan ko sya."Oh Ms.Valdez?Wala kang gagawin?"tanong ko sa kaniya samantalang yung ibang tao rito may kaniya-kaniyang gawain.Halatang sa kaniya ang pagkabigla at natakot siya.Okay lang naman na magsungit ako sa kanila ah.Ako Kaya ang Math President dito tapos makikita kong wala silang ginagawa dito?!

"S-sorry Miss Pre--"pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Stop!You may Now Leave!"

"B-but Miss Pre--"

"I don't want to see your face Here.Hindi ka na Member dito"Sabi ko sa kaniya.Halata sa kaniya ang pagkadismaya pero WALA AKONG PAKE!

Umalis na siya pero may sinabi pa ako sa kaniya."One more thing,Paki Remove nung name mo Dun sa Listahan ng mga miyembro."Sabi ko sabay turo doon sa mga papel.

Padabog pa siyang Pumunta dun sa Table kaya naman sinabihan ko ulit siya."Aba!Magdadabog ka pa?!"

"S-sorry"Sabi niya at payukong umalis.Tinignan ko naman yung ibang member dito pero napansin kong wala si Kath.The Vice President.

"Where's Kath?"tanong ko.Napalingon naman sila sa akin bago sumagot.

"Wala pa siya dito Miss President."Sagot ni Mark.Lumabas na muna ako ng Room at dumeretso sa Garden.Di pa naman Time kaya Pahinga na muna ako dito.

"Why took you so long?!!!!"Tanong ko nang sagutin ni Ver ang tawag ko.

{Aray!Ang sakit naman sa te--}

"Wala akong Pake!Where's your explanation?!"ang tinutukoy ko yung about kagabi.

{About What?} tanong pa nito.Aba!!!

"Anung About What ka dyan?!Bakit Di ka man lang nagreply kagabi?!Sabi mo tatawag ka?!" Sigaw ko sa kausap ko.Buti wala masyadong tao dito sa garden.

{Aray naman.Sorry na Ash ko,Nakatulog ako eh.So--}

"Aish!"Napakamot na lang ako sa ulo.

{Ash ko?}

"...."

{Ashley?}tawag niya ulit sakin.

"Ano?!"

{Love you}

"Tss."

{Ang sungit mo na naman.Sorry na nga eh}

"Okay Fine!Kamusta pala??"pag iiba ko nang usapan.

By the way,He's my Boyfriend.Neil Vernon Rivera.But Mas sanay ako sa Ver lang.Long Distance Relationship kami but The Hell I care kung malayo kami.Basta mahal namin ang isa't isa at nandyan ang tiwalang hindi mawawala.Tapos!

Kami yung Lovers na Hindi Masyadong Sanay sa mga Sweet Words.Well,Kay Ver ko lang naman nalaman yung mga endearments but ayoko nang ganun.Masama bang Ver na lang ang itawag ko sa kaniya?!At ayoko nang ganung Way.Nakakasuka!

Long Distance RelationSHIT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon