“Lean, ano ba. Tanghali na. May pasok ka pa. Ano ba naman tong anak kong ito oh!!”
Yan si Nanay. Ganyan nya ko kamahal. Akalain mo, ginigising niya ako ng maaga. Eh! Nasa pangalawang taon na ako ngayon sa koleheyo. Pero alam ko, mamimiss ko yan.
Ako nga pala si Lean Rodriguez, Ganda ng pangalan ko no. Pinaghalo kasi nina mama at papa ang pangalan nila para ipangalan sakin. Lea ang name ni mama. Habang Anton naman ang kay papa. So ang kinalabasan LeAn. 2nd year na pala ako sa koleheyo. BS Med Tech ang kinukuha ko. Akalain mo yun. Kina kaya ko pa.
Simple lang ang buhay namin. Si papa isang Manager sa isang restaurant habang si mama naman ay isang accountant sa isang bangko. Nagiisa nila akong anak, kaya sempre, sunod sa luho ang ika nila.
“Ma, nakita mo po ba yung bago kong libro?”
“Ano bayan Lean, mamaya na’t maupo ka na muna at kumain ka. Baka naiwan mo lang kung saan.”
“O sige po ma, baka nga. Ma, asan po ba si papa? Di po ba sya umuwi?”
“Hindi siya umuwi nak kagabi, nasa restaurant at doon na nagpaumaga.”
“Ah!! Ganun po ba ma?, o sige po, aalis nako.”
“Teka, letche tong bata to, yung librong hinahanap lang kanina tapos ngayon aalis na. Teka, teka.”
“Ma, don’t worry, I remember, yung libro, pinahiram ko pala kay Jude.”
Ito so ayan, nalaman nyo na ang house life ko. Heto naman tayo sa school life ko. Haist!! Hassle kapag lunes. Tambak ang subject. Puro terror naman ang mga professors. Kailan kaya magbabago to. Hirap mag college kung seryoso ka parati.
Ilang minute lang, may narinig akong tawag sa likod. Haist. Ang kumag, yung kaklase ko simula pa noong hayskul. Si Jude.
“HOY!! Tipaklong na nmatangkad. Yung libro mo gago. Ang bigat.”
“O! diba sabi mo wala kang libro, so pinahiram kita. Kupal neto”
“Alam mo Lean, kung di lang kita kilala, potek, pinabugbug na kita sa mga tambay sa may kanto namin.”
“Magiingat ka sa sinasabi mo Jude, babala bay an?”
Ganyan kami mag-usap ni Jude, wala e, barkada na simula hayskul. Si Jude lang naman yung tatabi sayo kapag oras ng quiz o exam. Pero sagot naman niya ang mga bagay tulad ng siya nagbabayad kapag nag dodota kami o di kaya sa projects siya ang gumagawa. Jude Baltimoro pala ang kompletong panagalan niya.
“Lean, alam mo na ba? May bagong lipat raw na estudyante sa kabilang department. Ang sabi raw, Maganda at mestiza. Nursing ang kinukuha.”
“Oh! Tapos? Kunin mo na ang number, tapos I text mo tapos tawagan mo. Kupal mo magisip. Ipasa mo muna nga ang subjects mo.”
“Lean, hanggang gayon ba di ka pa ba nakakamove-on kay Mara?, grabi ka bro. ang senti mo.”
“Ay puta Jude, ba’t mo isinasali si Mara sa usapan. Di ka naman inaano ng tao. Saka wala kang pakialam kung ano o bakit ako nagkakaganto. Gagong to.”
“Chill lang bro, di ko sinasadya. HAHAHAHA!! Halika na nga at magkape muna tayo. Mamaya pa namng alas dyes una nating klase e.”
Ganyan ang reaksyon ko kapag napag-uusapan o nasisingit sa usapan si Mara. Potek na buhay to. Namimiss ko na naman siya. Wag nang isingit pa nga sa pagnarrate.
BINABASA MO ANG
Hello Sunny
Poetry"Conquer the love from the past. Believe on what you have now and be thankful for it." Lean, Shane & Mara will show you the meaning of the qoutation stated above.