Ang Simula

28.4K 461 20
                                    

ASHLEY'S POV

"Itay, saan niyo po ako dadalhin?" Mangiyak-ngiyak ang mata ko na patuloy akong hini-hila ni Itay sa isang masukal na kakahuyan. Palinga-linganga ako sa paligid, wala akong nakitang mga tao o bahay doon kundi nag tataasang mga kahoy na mag pabigat ng aking dibdib.  "B-Bitawan niyo na po a-ako Itay," Pakiusap ko subalit sarado ang puso at taenga nito na pakinggan ang aking pakiusap.

Pinapanuod ko si Itay na hatak-hatak nito ang aking pulsuhan, pwersahan na kinakadkad na sumunod sakanya. Mamasa-masa na ang aking mata sa takot na makita ang mata nitong walang daplis na emosyon kundi blangko ang mukha.

"B-Bitawan niyo na po a-ako Itay. G-Gusto ko na hong umuwi," pilit kong inaalis ang kamay nitong naka-hawak sa pulsuhan ko subalit, sobrang higpit na pag kakahawak nito doon para masiguro lamang na hindi ako makakawala sa kanyang pag kakahawak. "Itay, u-umuwi na tayo, natatakot na po ako," basag kong pakiusap, at tinaga ang dibdib ko na wala lamang sakanya ang pag iyak ko.

"Tumahimik kang putang-Ina ka!" Singhal nito sa akin, na kusang napa-pikit ako ng aking mga mata na makita na umaapoy na iyon sa galit. "Hindi ka ba titigil? Kanina ka pa!" Pagalit na tono ng asik nito at doon na umagos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Buong pwersa na hinatak ako ni Itay para, bumilis sa pag lalakad at ramdam ko ang higpit na pag kakahawak nito sa pulsuhan ko na alam kong mag iiwan iyon ng marka pag katapos.

Bakit ganito?
Bakit ibang-iba na siya?

"Bilisan mo na! Ang bagal-bagal mo!" Pagalit na singhal nito, at labag man sa kalooban kong sumunod na lang sakanya.

Minsan ko nang nakita at maranasan kong gaano si Itay kasamang magalit, at takot na akong masaksihan kong gaano siya kalupit at nakakatakot.

Limang taon na simula no'ng iwan ni Inay ang Itay ko. Araw-araw binubogbog at sinaktan niya si Inay sa tuwing nalalasing siya o kaya naman talo sa sugal. Bata pa lang ako saksi na ako sa kasamaan at kalupetan na pag trato ni Itay sa Inay ko, na araw-araw na lang sila nag aaway at humahantong sa pisikal na sakitan, sa tuwing walang maibigay si Inay na pera kay Itay kapag umuuwi ito.

Hindi naman kami mayaman katulad nang iba. Simpleng may bahay lamang ang Inay ko at paminsan nag si-side line makilaba sa kapitbahay namin at sumasama ako noon kay Inay mag tinda ng mga gulay sa bayan, para mairaos lamang na may makain sa araw-araw. Samantala naman ang Itay ko, namamasada ng tricycle ang pinag kakaabalahan at lahat ng kinita nito sa araw-araw na dapat ipang kain o kaya naman gastusin sana namin, winawaldas niya na lang sa pag iinom o pag susugal.

Sa hindi matigil na bisyo ni Itay, kahit na rin ang pang pamasada nitong tricyle nabenta na nito kasama na doon ang ilang gamit at lupain na iniwan na pamana sa kanya ng kanyang mga magulang dahil naging lulong na ito sa alak, at sa mga bisyo nito.

Hindi na lang ako umimik, pero patuloy lamang lumalandas ang luha sa mata ko, na hanggang ngayon wala pa rin akong alam kong saan niya ako dadalhin.

Ilang minuto na pag lalakad namin sa masukal na kakahuyan ni Itay, bumunggad sa akin ang malaking Mansyon. Mala-paraiso iyon sa ganda at rangya, na hindi ko aakalain na may ganitong lugar sa kalagitnaan ng kakahuyan.

Bago maka-pasok sa nasabing Mansyon, haharang sa'yo ang malaki at nag tataasang bakod na gawa sa sementado, na kahit sino mahihirapan na akyatin o kaya naman pasukin iyon sa higpit ng securidad at may naka kalat na mga cctv camera. Palapit na kami nang palapit sa mismong gate at sumalubong sa aming pag dating ang dalawang lalaki matangkad at naka-itim na mga kasuotan.

Nag lalaro lamang ang edad nila sa bente-syete anyos pataas at nakaka-takot nila kami kong titigan ni Itay.

"Nandiyan ba si Mr. Villanueva?" kausap ni Itay na mukhang kilala nito nga ang mga lalaking iyon.

Payment of Debt [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon