Chapter 20

5.9K 144 8
                                    

Chapter 20

Drake POV



"Heres the file's Sir. Exactly 2pm you have a conference meeting with the board" nilapag ng secretarya ko ang ilang documento sa ibabaw ng lamesa ko. "May kailangan pa po ba kayo??, Sir?? Sir??" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sunod-sunod nyang pag tawag saakin.

Umangat ako ng tingin at nag tama ang aming mga mata. Humingga ako ng sobrang lalim at sinapo ko ang aking mukha dahil sa stress at pagod na aking nararamdaman dahil sa tambak- tambak na trabaho na inasikaso ko sa kompanya.

"Sorry.. Ano nga yon?" paumanhin ko at sinapo ko ang aking mukha.

"Ang sabi ko po sir, mayron po kayong board meeting mamayang alas dos ng hapon.. Nagawa ko na rin ang pinapagawa nyo po" tinignan nito ang papeles na naka lagay sa aking lamesa.

Sunod-sunod akong napa buntong-hininga ng makita ko ang papeles na tinutukoy nya.

"Sige, Thanks Maurine" matamlay kong saad.

"May sakit po ba kayo Sir?" she asked that make me frown. "Napapansin ko kasi nung isang araw kapang ganyan na tila ba napaka layo ng iyong iniisip."

Hindi ko na sinagot pa ang secretarya ko. "You can leave now Maurine" I said with cold and hard toned that make her tense in my front.

Kita ko ang pamumuong pawis sa kanyang noo habang naka tingin saakin. "O-Okay sir. Im sorry" she said utterly and vowed.

Nag lakad na sya palabas ng aking opisina at huli ko na lang narinig ang pag bukas-sara ng pinto ng aking opisina na umalis na nga ito. Sumandal ako sa swivel chair at doon ko lang naramdaman ang pagod na aking nararamdaman. Muli nyang naalala ang huling katagang sinambit ng kanyang secretarya na napakalayo ng kanyang iniisip. Hindi nya naman maitatanggi sa sarili nya ang bagay na iyon, dahil labis syang nag aalala sa kalagayan ngayon ni Ashley, lalo't na buntis ito.

Ayaw nya sanang umalis at iwan itong mag isa sa Mansyon, pero kailangan nyang asikauhin ang naiwan nyang trabaho sa Maynila. Gusto nya na parati nya lamang itong kasama para mabantayan at maalagaan nya ito.. Kahit inutusan nya si Manang Puring at ilan sa mga tauhan nya sa Mansyon, na alagaan ang dalaga habang wala sya, pero hindi pa din sya kontento at panatag.. Dahil gusto nya sya, mismo ang gagawa at mag aalalaga dito, lalong-lalo na sa magiging anak nila.

Ganun na lamang ang tuwa, saya at excitement na kanyang naramdaman ng malaman nyang buntis si Ashley at sya ang Ama ang dinadala nito. Para syang nanalo sa lotto at wala ng hihigit pang kayamanan ang saya ng kanyang naramdaman lalo na kasama nya ang dalaga.

Dahil kay Ashley, nag karoon sya ng lakas..

Dahil kay Ashley, nag karoon ng kulay ang mundo nya.

Dahil kay Ashley, nag karoon sya ng lakas na lumaban at ipag patuloy muli ang kanyang buhay...

Binago sya nito..

Pinamulat sya ng dalaga sa mga kahalagahan at importansya sa kanyang paligid, na hindi nya nakikita.



Nasasabik na syang umuwi sa San Rafael, para masilayan nya ang kanyang anak at ang babaeng pinakamamahal nya.

Napa itlag sya ng marinig nya ang mahinang katok na nag mumula sa kanyang pintuan, at kasunod non ang pag bukas sara noon na hudyat na may pumasok.

Rinig nya ang yabag at tunog ng stilettos na gamit nito. Napa anggat sya ng tingin at biglang nag kasalubong ang kanyang noo ng sumalubong sakanya ang malapad na ngiti ni Ivory. Naka suot ito ng isang offshoulder na romper na konting-konti na lang malalaglag na ang kanyang dibdib dahil sakanyang porma ngayon at mas kinapalan nya pa masyado ang suot nyang make-up na tila ba magmumukha na syang clown dahil sa ayos at porma nya.

Payment of Debt [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon