Epilogue
"You need to be Strong Ashley" rinig kong sambit ni Cloud sa aking tabi at marahan na lamang akong tumingin sa gawi nya naka upo sa aking tabi. Bakas sa mukha ni Cloud ang labis na pag aalala at takot, na ngayon ilang beses ko syang narinig na napa buntong-hiningga, na tila ba pinapakalma nito ang kanyang sarili.
Naka upo kami sa upuan habang naka tanaw sa pinto ng Emergency Room kong saan dinala si Drake. Ramdam kong nag simula na naman uminit ang sulok ng aking mga mata sa sakit, tuwing inaalala ko ang mga nangyari kanina, at hanggang ngayon hindi nya mapigilan na maging emosyonal at umiyak sa nangyari.
"H-Hindi ko alam ang aking gagawin" wala sa sarili kong sambit at kasunod non ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.
Lalo akong nahihirapan at nasasaktan na hanggang ngayon kretikal ang kanyang kalagayan ngayon sa Emergency Room. Simula nung dinala sya doon, wala na kaming balita kong ano na ang kalagayan nya sa loob.
Nasawi na ang kanyang Papa, at dinala na ang labi nito sa hospital.
Nung umalis kami kanina sa Abandonadong lugar, natagpuan ng mga pulis ang aking anak sa isang silid at ganun na lang ang pag iyak at pag kasabik kong makita syang muli. Mabuti na lang walang ginawang masama ang kanyang Papa sa kanyang anak, at kong ganun man na sinaktan nya ito. Hindi nya ata mapapatawad ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari. Dinala na ang kanyang anak sa isang kwarto at kasalukuyan na nag papahingga, pinabantayan muna nya ito sa mga tauhan nya para puntahan at alamin ang kalagayan ni Drake.At ngayon hindi pa sya lubusan na mapakali at mapa natag na hanggang ngayon nasa kretikal ang kalagayan ni Drake dahil ang sabi ng doctor malala ang natamo nito sa pag kakabaril. Gulong-gulo na sya at hindi nya alam kong ano dapat ang kanyang gawin sa oras na ito dahil labis syang natatakot at nababahala.
Paano na lamang kong hindi ito maka ligtas?
Pano kong tuluyan na sya nitong iwan?
Kapag iniisip nya ang bagay na yon doon na naman sya napapaiyak. Hindi nya ata makakaya kong iiwan sya ng binata. Hindi nya kayang mawala ito sakanya. "A-Ayaw ko syang mawala Cloud, sana hindi nya kami i-iwan" garalgal nyang sambit at sinapo nya ang kanyang mukha at kasunod non ang pag bagsak ng kanyang luha na kanina nya pa pinipigilan.
Pakiramdam nya na tila ba may naka patong sa kanyang dibdib na hindi sya maka hingga sa sakit at kirot. Hindi nya ata makakaya kapag may nangyari ditong masama.
Biglang kumabog ng napaka bilis ang aking puso sa kaba at takot ng makita nya ang nurse at doctor na tumatakbo na tula ba nag mamadali. Namuo ang nerbyos sa kanyang dibdib ng patakbo itong pumunta sa loob ng Emergency Room kong asan ngayon naroroon si Drake.
Biglang napa anggat ng tingin si Cloud na tila ba alam nya na ang susunod na mangyayari. Ganun na lamang ang takot sa aking dibdib na tila ba nahuhulaan ko na kong bakit sila nag mamadali at nag papanic papunta sa Emergency Room.
"A-Anong nangyari?" Tila ba gusto ng bumigay ng aking tuhod sa kaba at nerbyos na tila ba may nangyaring masama kay Drake sa loob.
Tumayo na si Cloud at sumunod na rin ako sakanya para sabayan ang nurse at doctor papasok sa loob ng Emergenct Room para alamin kong ano na ang nangyayari sakanya sa loob. Pero bago paman ako maka pasok sa loob, ay mabilis naman akong hinarang ng nurse na naka suot ng surgical mask. Rinig na rinig ko sa loob ng Emergency Room na nag lilikha ng kakaibang tunog na tila ba gamit nila iyon sa loob. Kahit hindi ko makita kong ano nangyayari, tila ba iyon ang sinisigaw ng utak ko na nasa panganib ang kalagayan ni Drake.
BINABASA MO ANG
Payment of Debt [COMPLETED]
Romance"You never learned Ashely!" Singhal nya sakin habang patuloy na umaagos ang luha. "You belong to me and you're staying this damn house whenever you like it or not! Mapapatay muna kita bago ka makakaalis sa pamamahay na ito! Naiintidihan mo ako?!" Is...