Chapter 19

180 13 0
                                    

Chapter 19: #TonightCedrick



Monday na naman mga mamsh. Apat na subjects na tigtu-2 hours na naman ang papasukan ko for today!

Gaya ng school make-up routine ko ay naglagay lamang ako ng liptint, cheektint, and powder. Hindi ko naman na kailangan pang magkilay because kuntento na ako mamsh sa eyebrows na meron ako. Ang ganda kaya! Well, Simplicity is still the definition of beauty for me. Hindi kailanman magagasgas sa vocabulary ko ang saying na 'yon.

"Kaya ka naging muse ng BSSE-203 eh. Maganda na nga, nagpapaganda pa lalo."   Sambit sa akin ni Kaye pagkalabas namin ng dorm.

"Kaye? Routine lang 'yon. Hindi naman ako totally nagme-make up 'no. Kilala mo naman ako, Kaye. Alam mo 'yan."  Giit ko.

"Kamusta na ba kayo ni fafa Seth? Parang noong una ay para pa kayong daga at ibon na sobrang mailap sa isa't isa. Ngayon naman, tinalo pa ata ang Kathniel, Jadine, at Lizquen sa sobrang ka-sweetan!"  She said na mahina kong ikinatawa habang naglalakad kami papuntang sakayan.

"Anong sweet doon, Kaye? Hindi ganon ang sweet 'no. Wag ka ngang issue dyan."  I said.

"Don't me, Mags. Ako pa ba? Ako pa ba ang lolokohin mo? Hello?"  Giit nya pa.

"Hindi kita niloloko, Kaye."  Pagpupumilit ko naman.

"So ano 'yung pa-holding hands na ganap sa inyo ni Seth? 'Yung pagbuhat nya sayo last night ha? 'Yung pagyakap nya sayo minsan? So all those things are lokohan lang? Laro lang? Ganon ba Mags?"  Natigilan ako sa sinabi niya. Napag-isip isip ko bigla ang sobrang closeness na meron kami ni Seth. Ayokong bigyan ng malisya ang mga 'yon dahil magkaibigan lang naman kami. At alam kong hanggang doon lang talaga 'yon.

"Hmm... hindi daw pero natutop sa sobrang pagka-speechless."  Parinig nya pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Hindi nga kasi. Ang kulit mo, Kaye. Male-late tayo sa pinaggagagawa mo eh. Naku Kaye, I'm telling you... ma-late na ako sa lahat ng subjects huwag lang sa subject ni Sir Allan. Twice a week ko nga lang makita 'yon, babawasan mo pa."   Pag-iiba ko bigla ng topic.

"Why so red-herring, Mags? Napaghahalataan ka talaga. Nahuhulog ka sa sarili mong patibong eh."   She said na naging dahilan pa para sidlan na ako ng slight na pagkainis.

"Hindi ka ba natatakot, Mags?"

"Saan naman ako matatakot?"

"Ang hirap ng condition nyo ni Seth. Parang kayo pero hindi. Ang mahirap pa nyan ay baka mahulog ang isa, at hindi saluhin ng isa. End of the world ang abot nyan."  Tumatak sa isip ko ang sinabing iyon ni Kaye.


Buti nalang ay may dumaan agad na jeep kaya agad akong nakapara. Kasunod ko naman si Kaye na sumakay din.

"Dalawa pong University..."  pakiki-abot ko ng bayad namin ni Kaye.

"Thanks."  Tipid na pasasalamat nya.


Nakababa na kami ng jeep at lahat ay tila naiwan ang kaluluwa ko sa daan kung saan ko narinig ang bawat salitang sinabi ni Kaye.

Speaking of Seth, nakita ko siyang nasa labas ng gate at bumibili ng street foods.   "Oh, ang fafa Seth mo..."  asar agad sa akin ni Kaye.

"Hi Mags! Hi Kaye!"  Bati niya sa amin nang magtama ang landas namin sa gate.

"Vacant nyo?"  Tanong ko na agad naman niyang ikinatango.

TonightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon