Chapter 7

108 1 0
                                    

Cross POV

"Hoy Babae! Mauna ka ng Pumasok Pupuntahan ko lang mga kaibigan ko" Sabi ko sa Babaeng to

"Ok Boyfriend" Sabi niya sabay pasok sa Room ako naman Pumunta kila Xyk at Jerome na nasa may Locker malapit lang sa Room namin yung Mga Locker...

"Uy Bro Sweet niyo kanina ahh May Pa akbay akbay ka pa ahh! Binata na talaga!" Pang aasar nitong si Jerome si Xyk naman ayun tahimik lang nakakapanibago...

"Syempre kailangan mainform yung mga Lalake dito na hindi na nila pwedeng galawin yung Babaeng Yun dahil Girlfriend ko nasiya" Confident na sabi ko sa kanila kahit na sa loob loob ko nabubwiset ako sa babaeng yun..

"Sus! Pumasok ka na nga sa Room niyo naghahantay na ata Girlfriend mo.. Sige Bro alis na kami mamaya na lang!!" Sabi ni Jerome kaya Umalis na sila ako naman Pumasok na sa Room at Naupo...

"Uy Good Morning Kamukha ni Boyfriend ko...bakit mo kamukhang Kamukha si Boyfriend ko? Pati Bag parehas kayo as inParehas talaga kayo Kambal mo ba si Boyfriend ko?" Bungad niya agad sa akin...

"No.." Tipid na sagot ko sa kaniya...

"Ganun? Alam mo mas Gwapo ka sa boyfriend ko ka--" naputol ang sasabihin niya ng Pumasok na ang English Teacher namin na si Miss Gurang..

"Good Morning Ma'am Salasar It's nice to see you again" Sabi nila... Syempre nangingibabaw ang Pagkalakas lakas na Boses nitong si Denver... Natapos ang English as Usual puro kalokohan na naman ang Ginawa ng Babaeng to eh Paano ba naman kasi Sa Sobrang Daldal niya!! Pinapunta siya ni Ma'am sa Harap at pina Explain lahat ng Tinuro ni Ma'am simula kahapon pero Bilib ako sa kaniya kasi halos mapanganga Kami Pati si Ma'am sa galing niyang magpaliwanag sa Harap...Matalino siya sa Klase pero Tanga siya sa mga Bagay na hindi pinagaaralan sa School...

"Magandang Umaga sa inyong lahat" Sabi ni Sir Filipino Teacher namin...

"Sir!! Ako sir Maganda na Umaga ko!!" Agad na taas ng Kamay ni Denver

"Talaga? Magandang balita yan Miss Denver kahapon kasi hindi maganda araw mo hindi ba? So bakit naging Good Ang Morning mo ngayong araw?" Sabi ni Sir

"Kasi Sir inakbayan ako ni Boyfriend ko tapos ang Bait Bait niya kanina sa akin" Sabi niya Jusko yun lang pala dami pang Dada!

"Wow! May Boyfriend ka na ingat lang sa pagpasok sa isang Relasiyon ha masyado pang maaga para diyan!" Sabi ni Sir sa kaniya

"Ay Sir! Nagbago na pala Mood ko! Hindi na po pala Good ang Morning ko!" Agad na sigaw niya na halos umalingawngaw na sa Room.

"Bilis naman magbago ng mood mo so? Bakit nagbago bigla mood mo ha? Miss Denver?" Sabi ni Sir

"Kasi Sir naalala ko Hindi ko pa po parin pala alam kung nasaan ang Heaven... Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa akin ni Boyfriend kung saan ang daan papuntang Heaven tapos sinabi nito kahapon sa akin na Pumunta daw akong Impyerno para kunin yung Malay niya eh Hindi naman sa aking malay yun eh sa kaniya naman tapos ako pa Uutusan!" Jusko Napakalaking kahihiyaan ang dala ng Babaeng to sa buhay ko...

"Ganun ba? Sige na Maupo ka na Miss Denver dahil magsisimula na Tayo ang daldal mo Grabe!" Matawa tawang sabi ni Sir naupo naman na si Denver kaya nagsimula na si Sir magturo...

"Alam niyo ba na ang--" naputol ang Sasabihin ni Sir ng sumabat si Denver

"Hindi pa nga po namin alam Sir ang kulit niyo naman eh kahapon ka pa Sir ahh! Hindi mo pa nga natuturo tapos tatanungin mo kami kung alam ba namin syempre hindi..." Sabi ni Denver Take note nakatayo pa yan habang nakataas ang kamay Jusko lord Pakikuha na po itong babaeng ito...

"Sorry Miss Denver tao lang ako nagkakamali" matawa tawang sabi ni Sir mabuti na lang mabait itong si Sir dahil kung hindi? Naku sa Labas ng Room Pupulutin tong babaeng to..

"Ok Kahapon tinalakay natin ang tungkol sa Mga bayani ngayong araw naman pagusapan natin ang mga Naging Presidente ng Pilipinas sino-sino nga ba ang naging Presidente ng Pilipinas?" Nakakatamad naman pang bata masyado yung tinuturo niya

"Sir Ako!! Alam ko!!" Sabi ni Denver habang nakataas ang kamay..

"May Iba pa bang may alam kung sino sino ang naging presidente ng Pilipinas..?" Walang nagtaas siguradong Gusto lang ng mga kaklase ko marinig ang isasagot ni Denver HAHAHAHA.. 

"OK Miss Denver? Sino sino sila?" Tanong ni Sir no Choice si Sir eh si Denver lang nagtaas ng kamay eh

"Sir Lima lang kilala ko eh Si ano lang Sir si Asiong Salonga sir tapos si Eddie Garcia pati si Joseph Estrada si Ninoy Sir tapos si Mang Teodoro sir yung Kapitbahay namin kung Hindi niyo po naitatanong Presidente po yun hehe" Halos Mamatay kami kakatawa sa mga naging Sagot niya Hayuuff!! hahahaha Si Sir ayun nag Walk Out hindi niya ata kinaya kabaliwan nitong si Denver eh

"Lagot ka Denver! Umalis si Sir dahil sayo lagot! HAHAHHA" Pang aasar ni Jane kay Denver...

"Luhh Nagtanong si Sir tapos nung sinagot ko nag Walk Out tsk di niya ata kilala mga Presidente ng Pilipinas! Duhh! Baka kumuha lang yun ng Kalendaryo na may Mga Nakalagay na pangalan at Picture ng mga Presidente tsaka Totoo naman sinabi ko ahh Si Asiong Salonga,si Eddie Garcia,Si Joseph Estrada,Si Ninoy at si Mang Teodoro kapitbahay namin anong mali doon?" Inosenteng tanong niya Jusko Magaling lang ata to sa Math English Science eh sa Filipino jusko RIP na lang sa mga kasama nitong babaeng to sa bahay nila...

"Gaga ka Kase kailan pa naging Presidente si Asiong Salonga,Eddie Garcia at si Mang Teodoro na kapitabahay mo? HAHAHAHA baliw lagot ka mag sorry ka kay Sir! Ang Galing Galing mo Sa Math English Science tapos pagdating sa Filipino wala kang alam?! HDHAHAHAHA" pang aasar ni Pete kay Denver napayuko na lang si Denver. Dahil sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase namin...

Ang Girlfriend kong LiteralWhere stories live. Discover now