Chapter 1

27 3 0
                                    

Napapitlag ako ng tumunog ang aking alarm clock. Pasado ala siete na ng umaga. Pawis na pawis ako at mangiyak ngiyak.

Ano ang aking napanaginipan? Tanong ko sa aking sarili.

Ipinagsawalang kibo ko nalang muna iyon at naglinis na ng katawan.

May pasok pa ako mamayang alas nueve.

Papasok na ako ng aming silid ng tinawag ako ng kaibigan kong si Sofia Lorene.

"Uy Div kamusta? Namiss kita! Sobra!"

"Sofiaaa! Namiss din kita!"

Hinila nya ako papunta sa bench malapit sa aming silid. Maaga pa naman kaya napagpasyahan muna naming magkwentuhan tungkol sa aming naging bakasyon.

"Kamusta ang bakasyon?"

"Ayun stay sa bahay,kain at tulog"

"Uy ang boring nyan"
"Kami nagpunta kaming Maldives tapos sa Koreaaa! "
"Kyaaah! Andaming gwapooo!

I chuckled ganyan talaga yan hindi maubusan ng kwento.

"Uy bessy magsalita ka!"

"Huh? Uh oo ang saya nga ng bakasyon mo!"

"Hindi ka naman nakikinig eh"

"Sorry masama lang pakiramdam ko,sige pasok na ako sa room"

"Hmp! Sige na nga!"
"Hahaha! Wag ka mag alala may pasabulong ako sayo bessy"

Habang nagkaklase ay naiisip ko parin ang aking napanaginipan.

Patuloy nitong inookupa ang aking pag-iisip. Bakit ako mananaginip ng ganuon? Tanong ko sa aking sarili.

"Miss Vasquez! Are you listening? I call you three times but you didn't respond!"

"Uh,sorry ma'am what's your question again?"

Nasagot ko naman ang tanong niya. Kaya lang may minus kasi ang tagal ko daw sumagot at mukhang hindi raw ako nakikinig.

Lunchbreak na namin. At heto parin ako iniisip ang aking panaginip.

Natapos ang buong maghapon na puno ng pag-iisip. Patuloy akong napapaisip sa bagay na iyon.

.................

Pangalawang araw ng pasukan. Alas otso ng umaga. Malapit na akong ma-late sa una kong klase.

Nakapagtatakang hindi ko ulit napanaginipan ang bagay na bumabagabag sa akin kahapon.

Pumasok na ako sa banyo at naligo.

Pagbaba ko ng hagdan para mag umagahan naabutan ko sila mommy at daddy kasama rin si Fhei ang kapatid ko. Nagtatawanan sila.

Nang makita ako ni mommy ay agad nya akong tinawag.

"Ehem uh goodmorning anak,halika kumain kana"

"Opo mommy"

Naglakad ako patungo sa kusina. Hinalikan ko si Fhei sa pisngi kasabay ng pagbati ko ng good morning sa kanila.

"Kamusta ang first day anak?" Tanong ni daddy

"Uhm ayun po introduce yourself then pinaliwanag yung mga magiging lessons"

"Hmm,so I hope this year ay isa ka ulit sa mga honor students?"

"I promise daddy"

DreamWhere stories live. Discover now