Chapter 2

10 0 0
                                    

Ito ang unang araw ng pag eensayo namin. Mauunang mag ensayo si Jasper sa akin. Alas dies na ng umaga at alas otso kami nagsimula.

Natapos na siya at ako ang susunod. Madali lang muna ang aking kantang inensayo sapagkat ayaw naming mabigla kami.

Bandang ala una ng sinabi sa amin ni Miss Farah na magpahinga muna kami. May dalawang araw pa kami para mag ensayo. Dalawang araw ko ng hindi napapanaginipan ang babaeng laging nakikita ko sa aking panaginip.

Lumapit si Jas. At nagkwento na naman. Hahahaha para siyang si Sofia napakadaldal. Napailing nalang ako. Pinatong ko ang baba ko sa aking tuhod habang nakikinig sa pagkanta ni Jas. Grabe,namimiss ko na sila mommy.

Lalo na ang kadaldalan ni Fhei. Hays sana matapos na agad ito. Gusto ko ng bumalik ng Manila.

June 7 na. Malapit na ang laban na aming sinalihan. Napangiti ako. Hinatak ko si Jas at naglakad kami malapit sa dagat.

"Uy Jas kinakabahan ka ba sa contest?"

"Uh hindi naman confient ako eh! Hahaha!"

Hinampas ko siya. Ang tino ng tanong tapos tatawanan?.

"Baliw ka talaga!"

"Baliw sayo"

Napanganga ako. Tinanong ko siya.

"Ano ulit sabi mo?"

"Hahaha! Uy joke lang! Naniwala ka kaagad!" Nakahawak pa siya sa tiyan habang tumatawa. Napailing nalang ako. Loko loko talaga.

"Baliw ka talagaaaa!"

Hinabol ko siya at pinaghahampas. Hmp! Akala nya a! Mas lalo ko tuloy namiss si Fhei. Hmm nakakalungkot naman.

"Divine,Jasper

"Po? Miss Farah?"

"Halika na,kakain muna tayo para magpractice na ulit kayo maya-maya."

"Hmm sige po" tumango ako at hinatak si Jas.

Pansin ko lang,naging close kami. Hahaha di bale na,atleast may bago akong kaibigan diba? I chuckled.

"Unahan tayo sa room?"

"Tara! Hahaha!"

Binilisan ko ang takbo. Naiwan siya. Hahaha. Mas mabilis pala akong tumakbo sa kanya eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DreamWhere stories live. Discover now