Huwag niyong amagin kahit palaro lang 'to ay may silbi parin, (chozs,) ang tinutukoy ko ang bawat pag sagot niyo sa aming katanungan ay kasama ito sa puntos. (Depende sa pagsagot niyo.)
Game Question:
1. Bilang manunulat, ano iyong inspirasyon upang maisulat mo ang iyong istoryang sinali? Comment inline po. Salamat:-)
2. Ano ang maipapayo mo sa iyong kapwa manunulat na gusto nang sumuko sa pagsusulat, dahil sa prologue pa lang ay nahihirapan na siya? Comment inline po.
3. Ano ang ma-isasalamin mo sa mga salitang ito? Kalinisan, kagandahan at kabutihan. Magbigay na maaari mong ipagkumpara base sa iyong naisip. Comment inline po.
4. Para sa iyo ano ba ang maituturing mo sa iyong kaibigan? Siya ba'y pinagkakatiwalaan mo o hindi siya karapat-dapat na pagkatiwalaan? Comment inline po.
5. Kung ikaw ay mapunta sa ibang henerasyon. Na ang bayan mong inaapakan ay hamak na alipin ka lamang mula sa nakakataas na maharlika. Nagpatayo ito ng silid paaralan para lamang sa mga angat sa buhay. Nais mong matuto, nais mong makapag-aral. Ngunit sa batas ng iyong kinalulugdan ay hindi maaaring matutong mag-aral ang isang alipin. Walang magawa, ngunit mas nangingibaw ang iyong kagustuhan.
Isang araw ay may nabalitaan ka mula sa iyong kapwa alipin, ikaw ay nabuhayan ng pag-asa dahil sa iyong narinig. Mula sa kabilang bayan ay may nagpatayo ng silid paaralan para sa mga alipin. Subalit agad din'g napawi ang iyong kasiyahan, dahil lamang sa batas ng iyong maharlika. Hindi maaaring lumabas ang isang alipin dahil lamang sa mababaw na dahilan.
Ano ang 'yong gagawin?
a. Tatakas para lamang sa iyong nais? Ipaliwanag. Comment inline.
b. Hahayaan mo nalang kahit ito pa'y nais mo? Ipaliwanag. Comment inline.
c. May iba pang paraan? Ipaliwanag. Comment inline.
Gagawin ko sanang simple 'yan eh kaso naisip ko lang gawin 'yan basehan para sa manunulat na hindi lamang sa talento ng pagsusulat ang kailangan. Maaaring gamitin ng wastong katanungan at sasagutin ng tama.
HEHEHE pasensya na kung mahirap ba o madali para sa inyo ang tanong. Dapat talaga laro lang ilalagay ko dyan agad kasing lumabas sa utak ko ang mga tanong na 'yan! Hindi ko mapigilan eh, yung feeling na natatae ka lang ganun MEHEHE^^
Huwag kayong mag-aalala, 'yan lang naman yung tanong habang naghihintay kayo ng resulta sa aming paghuhurado.
Thank you all❤
BINABASA MO ANG
UDWAwards2018 [ DISCONTINUED ]
RandomWelcome to UnDiscovered Writer Awards2018 [ DISCONTINUED ] Amin sinusuri ang mga opisyal na kalahok sa pamtipalak na ito. At magsisimula na rin kaming maghukom na mga kasali sa susunod na araw. GoodLuck❤ ~~~~~ Highest Rank #128 June 10, 2018