CS : Meet them

47 3 0
                                    


[Chapter 6 :Meet Them]

Benedict's pov :

      Yow ! Mga tropapips ! Benedict Cardinal is the name ! Pwede niyo rin akong tawaging "Bene" but I prefer to be called "baby" especially to all the chikababes there *winks* .

Aruyy ! Naks , may paenglish ang poging si ako ! Tsk

"BENEEEEDICCT !! "

*blag*

Aruykupuuu !!

Naku naman ! Ang ingay talaga ni Inang ! Jusko !

Ang sakit ng balakang ko mga par ! Ikaw ba naman malaglag sa higaan !

Ayy pero ! Wag kayo ! Ang higaan ko ay matuturing na kama ! Kahit maliit ito , may ibubuga to noh ? Aba !

"JUSKOPONG BATA KAAA !! BENEDICTTT !! BUMABABA KA NA RIYAN !! " Naku naman ! Ang bunganga talaga ni Inang ! Oo !

Agad naman akong naligo at nagbihis tsaka nagmamadali bumaba gamit ang hagdan namin na parang unting pagkakamali mo lang ay makikita mo agad si kamatayan !

Nakita ko naman si Inang sa labas ng aming munting kubo na naglalaba . Agad naman akong napansin ni Inang .

"Jusko po ! Ikaw bata ka ! Ang bagal bagal mo kumi--"

Hindi ko na pintapos si Inang sa pagsasalita sapagkat naku ! Sigurado ako raratratin lang ako ni Inang .

"Paalam Inang !! Mahuhuli na po akoooo " sabi ko naman habang tumatakbo palayo .

Habang naglalakad naman ako ay saktong nakita ko si Pareng Angelo .

"PAREEEEE !! " sigaw ko naman habang kinakaway ko pa yung kamay ko

Mukha namang narinig niya ako kasi lumingon siya tsaka kumaway pabalik kaya agad naman akong tumakbo palapit sa kanya .

" O pare ! Ang aga mo ata ngayon at nagkasabay tayo " sabi naman niya ng makarating ako sa kanya

"Syempre alam mo naman si Inang " sabi ko naman sa kanya

Nagtawanan nalang kami at nagtuloy ng lakad .

Eto nga pala si Pareng Angelo Dela Cruz . Pang mayaman noh ? Aba ! Pero pangalan niya lang yun kasi pareho kaming dukha neto tsaka pareho rin kaming maloko hahaha.

At dahil nga tropa ko to ! Aba syempre hinawaan ko na siya ng aking kagwapuhan !

"O pare ! Si Pareng Miguel oh ! " sabi naman ni Pareng Angelo habang nakaturo sa isang direksyon kaya naman sinundan ko ito .

Ahh ayun ! Nandun nakita namin ang isa pa naming kumpare ! Kaya agad naman namin itong pinuntahan .

Pagdating naman sa kanya ay binatukan agad namin siya !

"LINTIIKK !!" Agad naman netong sigaw habang ansama ng tingin saming dalawa pero tinawanan lang namin siya .

Agad naman itong umalis kaya humabol kami sa kanya .

"Oy oy ! Sandali lang pareng san miguel ! " sabi ko naman sa kanya kaso lalong sumama ang tingin niya sakin ahahha.

Eto naman ang isa ko pang pare , Si Pareng Shan Miguel Phillzen . Iba rin ang pangalan noh ? Aba ! Yayamanin ang mga pangalan nila par !

Aba ewan ko nga anyare sa pangalan ko kumpara sa mga pangalan nila ! Aba ! Hayaan na nga natin yun tutal pogi naman ako !

Ahh ! Si Pareng Miguel pala ay naku ! Jusko ! Napakatahimik netong pare namin tapos lagi masama ang timpla ! Naku ! Daig pa ang babae kung may dalaw !

O sige ! Tama na mga chickababes , magtatrabaho lang muna kami *winks* .

Complicated Status Where stories live. Discover now