Bangungot sa loob ng bangungot

565 12 0
                                    

Nagkaisa kami ng barkada ko na magbakasyon sa probinsya namen sa La Union. Summer na kasi. Oras naman para magrelax kame matapos ang halos iyakan namin na paggawa ng thesis  and fortunately nakapasa kami. Lima kami. Buti na lang pinagamit ng papa ni Kylie yung van nila. 

"Hey! Guys! Wake up. Nandito na tayo" sigaw ko

May relatives nga pala ako rito kaya dito namin naisip magbakasyon. 

Sabay-sabay kaming lumabas ng van.

"Wow! Ang ganda pala rito, Tan" sabi ni Kylie sakin

"syempre naman!" pagmamalaki ko

"hmhhmm.. ang sariwang hangin kaysarap damhin" loko talaga tong si Ryan

"oh ano pa!? Tara na! Maglalakad pa tayo. Anong akala niyo, eto na yun?? Haha!" sambit ko

"Whaattt??!" sabay sabay pa sila at alam ko naman na ganito na magiging reaction nila.. hahah!

"sabi ko maglalakad pa tayo! haha! mga 30 minutes lang naman.. mabilis lang yun!"

"Pambihira ka Tan! sabagay ayos na rin ito.. Additional experience. Haha!" sabi ni Mico, ang mahangin naming barkada.. pero mabait naman yan, nga lang pag tulog

"Lets go!" aya ko

Napatingin ako kay Jesrel kanina pa kasi sya tahimik. Di ko rin pinansin at baka wala lang sa mood. 

Tuloy-tuloy kaming naglakad. Sumusunod lang sila sakin. Puro puno pa naman nadadaanan namin.

"t-teka lang Tan, napapagod na ko." sabi ni Kylie at umupo sa malaking bato

Sya lang ang babae samin, hindi kasi sumama yung iba.

"kaya mo yan! baka abutin na rin tayo ng gabi dito." saad ni Mico

"Pumasan ka na lang sakin." aba! sa wakas ng panahon nagsalita rin ang Jesrel na to!

"ahyyiiiee!" panunukso namin

pumasan  na rin si Kylie kay Jesrel.

Magdidilim na rin kasi.. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pero teka may napapansin ako.. Parang nadaanan na namin to.

"Tan! Di ba nadaanan na natin to?" tanong ni Ryan

akala ko ako lang nakakapansin.

"oo nga Tan!" si Mico

Tumingin ako kay Kylie, nakatulog na pala sa likod ni Jesrel.

"Pansin ko rin eh.. pero alam ko eto talaga ang daan papunta kina auntie" nalilito kong sagot

"wag kayong maingay! baka makabulahaw tayo" mahinang sabi ni Jesrel

"eh sino namang mabubulahaw natin dito?? eh wala namang katao-tao dito... tsk.." mukhang naiinis na si Ryan

"guys chill lang!" sabi ko

*krrreeek**krreeeekk*

bigla kaming napatingin sa pinagmulan ng tunog. Gabi na rin.. Madilim na talaga.. Tumingin ako sa kalangitan, full moon pala.. 

"guys ano yun??" tanong ni Mico

"wag niyo na lang pansinin, much better na dito na lang tayo mag stay. may dala namang tayong tent" sabi ni Jesrel

May kakaiba talaga sa taong to ngayon.

"Nag iisip ka ba Jes? Hindi natin sigurado ang lugar na to kung ligtas" si Ryan na naman

"eeyy.. andito na ba tayo? nagugutom na ko. *yawn*" saad ni Kylie, nagising na pala

Binaba na sya ni Jesrel.

MY ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon