Nag hihintay na lang ako na matawag sa pinag aauditionan kong entertainment dito sa korea
marami rami na rin akong pinag auditionan pero hindi ako lagi natatanggap bilang trainee, siguro dahil nadin may pagka chubby ako at hindj pala ayos pero kapag naman ako inayusan Ha Dyosa
kumalam ang sikmura ko kaya kinuha ko muna yung sandwich na ginawa ko kanina sa bahay ng tita ko hindi rin kasi ako kumain ng umagahan sa pag mamadali si tita gina sya ngayon ang tinutuluyan ko dito sa korea dahil nakapag asawa sya ng koreano, 2 months pa lang ako dito kaya hindi pa ako sanay sa lengguwahe nila pero may pinahiram naman si tita na book translation kaya keri na to, kaya siguro wala pang natanggap sakin pero sinisikap ko talagang matuto para hindi sayang ang pag punta ko dito
nung sinimulan kong kumain nag tinginan sakin yung iba pang nakapila
?!!
bakit sila nakatingin ah baka gusto rin ng sandwich?!
kaya kumuha ulit ako ng isa at inalok ang katabi ko " do you want some?" sabay taas ng tinapay sa kamay ko pero tinignan lang nya ako ng pag tataka at bumalik sa ginagawa pati ang iba napalingun sakin aissh! ano bayan nakakahiya!
kaya eto kumain na lang ulit.. etong entertainment na pag aauditionan ko ngayon ay hindi masyadong sikat kumpara sa iba kaya hindi talaga ako nanggap. pero minsan ginugutom ko talaga sarili ko para lang pumayat ang hirap naman kasi nilalandi ako ng pagkain
nag papalandi ka naman! tch
hahamatagal pa naman ata iidlip na lang muna ako sandali
--------
may tumatapik sa balikat ko kaya nagising ang diwa ko
" miseu?" ( miss )
" miseu?!"
kaya napabalikwas ako " miss ikaw na" sabi ng babae gamit ang sariling lengguwahe at tinuro ang pintuan kaya agad akong tayo
" ah okay okay" sabi ko dito at sumunod sakanya
ng nasa harap na kami ng pintoan dun ako natigilan
kaya mo to mo woohh!
pamilya
pamilya
pamilya
inhale · exhale
---------
:))